Post(s) tagged with "work"

Padayon

Isang basong tubig galing sa poso inutang na kanin at malamig na ginamos
kaunting asin sa plastik na platito busog na bay, puwede nang magtrabaho 
Sa aking balikat ay papasanin tatlong-daang kilo ng asukal limandaang sako ng denorado sanlibong kaha ng delata sampung tonelada ng arina

Kalawanging bubong, pader na may butas posteng pilay at sahig na paduyan-duyan ang aking palasyo’y pagkatibay-tibay pero puwede na ‘pre - tuloy ang hanapbuhay Ngayong araw ay tatapusin ko isang subdibisyon, limampung hektarya tatlong dosenang mansyon na magara higanteng gusaling likha sa semento kilo-kilometro ng kalsada

Oo, kay tamis ng buhay oo, kay daling umasenso  hangarin ko’y makatikim ng kaunting hayahay subalit kailangang ipagpatuloy ang hanapbuhay Pagkat walang ibang makagagawa nito paandarin ang makinarya bigyan ng buhay ang industriya patakbuhin ang ekonomiya padayunon ang pagpangita

Padayon!

Isang awiting obrero, para sa mga obrero, sa araw ng mga obrero.

May isa akong tweet na nabasa noong panahong wala pang masyadong jologs sa Twitter, mula yata kay ginoong Ramon Bautista. Kung gusto mong magkaroon ng inspirasyon sa araw-araw, pagmasdan mo daw ang mga ordinaryong taong pumapasok sa kanilang mga trabaho tuwing umaga.

Oo nga naman. Madalas, puro reklamo tayo sa hassles ng buhay. Puro reklamo sa trabaho at pag-aaral. Puro hinaing sa kung ano ang mga bagay na meron tayo. Gayong marami sa ating mga kababayang obrero, halos mamatay na sa trabaho na magkaroon lamang ng marangal na pagkukunan ng ipangtutustos sa kanilang pamilya. Ganoon ba dapat ‘yun? Kailangang mamatay upang makabuhay? Isang napakalaking pag-uuyam.

Hanga ako sa mga obrero, lalo na yung mga (mababa pa sa) minumum at arawan lamang kung sumuweldo. Tapos, hindi pa mga permanente at puro kontraktwal. Sila yung mga taong pinaghuhugutan ko ng inspirasyon para hindi sumuko sa buhay. Nakakahiya nga sa kanila. Ako na nga itong nakatapos at nasabing mas may pinag-aralan, ako pa itong tatamad-tamad sa trabaho. Paano kaya kung nagbiro ang tadhana at iyong skill at knowledge ko ay nasa kanilang mga masisipag? Napakalayo na siguro ng narating nila.

Kung hindi lang sana kalakaran dito sa atin ang kontraktwalisasyon. Kung ang trabaho ng mga obrero ay permanente at hindi na mamomroblema makalipas ang limang buwan. Siguro nga, metaphysicaly speaking, sa mundo ng negosyo at Kapitalsmo, maituturing na ‘necessary evil’ (o kinakailangan talagang umiral dahil ito ay nasa kaniyang natura gaano man kasama ang epekto) ang kontraktwalisasyon. Pero naniniwala akong hindi dapat iyon ang kalakaran sa tunay na mundo.

Isa sa mga paborito kong kanta ay ang 'Padayon' na orihinal na inawit ni Joey Ayala at muling binigyang buhay ng Rivermaya. Napakaganda ng mensahe nitong nagbibigay buhay sa manggagawa na huwag susuko at ang kanilang importansya sa lipunan.

Ang ‘Padayon’ ay isang salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay ‘magpatuloy’ o ‘tuloy lang’. Sa katunayan, ginawa ko na ito bilang aking personal na ‘mantra’ at motto sa buhay. At kung hindi ka kabilang sa 85% ng mga tagasubaybay sa blog ko na hindi naman talaga nagbabasa (at may attention span lang ng dalawang talata), malamang ay napansin mong madalas ko itong gamitin sa aking mga naunang akda.

Ngayon ay Kapistahan ni San Jose, ang manggagawa. Siya ang itinuturing ng Simbahang Katolika na Patron ng mga obrero, ng mga manggagagawa. Ngayong araw din ipinagdiriwang sa buong kapuluan ang Araw ng mga Manggagawa o ang Labor Day.

Noong bata ako, itinuturing ko lang ang ika-1 ng Mayo o Labor Day bilang araw ng protesta ng mga aktibista at iba’t-ibang mga unyon ng manggagawa.

Isa sa mga pangarap ko para sa ating Patria Adorada ay ang dumating ang araw na ang Araw ng Manggagawa ay maging isang araw na punong-puno lamang ng kasiyahan at pagdiriwang. Walang protesta. Walang sinusunog na effigy. Isang araw na pinapangaralan at pinasasalamatan ang lahat ng mga dakilang manggagagawa.

Sana, magkatotoo.

Mabuhay ang mga dakila at masisipag na obrerong Pinoy! Padayon!

Source: juanrepublic

"Kubrador"

Natapos ko na ang mga revisions sa libro ng grade 4 at na-i-forward ko na rin sa lay-out artist. Salamat na lang sa aking 24-hour marathon sa pagtatrabaho.

For approval pa yung ginawa ko. Kapag pasado, may bonus pokus.

Kapag hindi pasado, magbebenta na lang ako ng isaw sa may kanto para may pera ako sa pasko.

Ang hirap kumita ng pera.

Makapag-jueteng na lang siguro. Milyones siguro ang kukubrahin ko doon.

Magpapaturo na lang ako kay Archbishop Oscar Cruz kung sino yung mga Jueteng Lords. Bow.

Ang Pinaka-nakaka-epistaxis na Libro na Nabasa ni Juan
Tumblr friends, I would like to introduce you to my work. Nagre-revise/ nag-e-edit ako ng mga aklat sa isang publishing company na naglilimbag ng mga textbooks tungkol sa musika, sining, at edukasyon sa pagpapalakas ng katawan.
Kinabog pa nito ang mga libro ko sa existentialism, metaphysics, phenomenology, theology, epistemology, at hermeneutics na ginamit at binasa ko noong ako ay nasa kolehiyo.
Hindi naman sa nakaka-epistaxis in the strictest sense. Masakit lang sa ulo ang task na kailangang magsulat ako ng mga halimbawa na mas madaling maiintindihan ng mga bata sa henerasyong kasulukuyan. May mga bagay kasi sa libro na hindi na angkop o hindi na kilala ng kasalukuyang henerasyon.
At kailangan ko kasing mag-ingat sa pagrerebisa ng libro dahil kinabukasan ng mga kabataan ang nakasalalay dito. Bilang isang taga-rebisa ng aklat, napakalaki ang responsibilidad ang sa akin ay nakapatong dahil nakadepende dito ang mga matututunan ng mga bata.
Nag-e-enjoy lang ako sa trabaho ko dahil para akong bumabalik sa pagiging grade 4. At nakakatuwa ding isipin na may mga bagay na hindi ko naintindihan noong grade 4, o mga ibinagsak ko sa quizzes at exams, na ngayon ko pa lang mas naiintindihan.
At ngayon, balik muna ulit sa trabaho. Padayon!

This is a personal blog where rants, raves, and everything in between is written and posted.

About the Blogger: His name is Juan, a frustrated writer who hails from a sauna town at the foot of Mount Makiling. He spends his being an overworked and underpaid High School teacher and being a self-proclaimed superhero who is dreaming and trying to make a difference, one post at a time.

For correspondence, please email me at juanrepublica@gmail.com

You can also find me at these websites:

Ninjas are Lurking at the Republic

Personal - Top Blogs Philippines

My Lakbayan grade is C!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

"Speak now or forever hold your peace.."
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...