“Gusto ko ng Barbie”
Meron akong kaibigan. Hindi ko alam kung isang Cougar Hunter o isang Pedobear. Basta ang mga natitipuhan niyang babae, either sobra ang tanda sa kanya o sobra ang bata sa kanya. Basta hindi niya ka-edad.
Mababa daw kasi ang kanyang self-esteem at isa siyang torpedo. Kaya ayaw niyang manligaw sa ka-age bracket niya.
Minsan, lumapit siya sa akin, at seryoso niyang sinabi na:
“Pare gusto ko ng Barbie.”
“Ha? Ka-lalaki mong tao, manika ang hinahanap mo. Gripuhan kita diyan eh!”, ang pabirong dugtong ko.
“Hindi Pare, gusto ko ng Barbie, ng Barbie Forteza”, ang nakangiti niyang sagot.

Ah, ang sikat na sikat na artista ng First Time at ngayon ay ang Pilyang Kerubin. Maganda nga naman si Barbie Forteza. At iyan ang mga tipo ng kaibigan kong Pedobear.
Ang pag-ibig nga naman daw, walang pinipiling edad.
Kung pag-ibig ngang matatawag iyon.
Kung totoong pag-ibig mang matatawag iyon.
Ineng, hintayin mo ako paglaki mo (Insert “Brando Braganza”-ish voice here).
Magandang gabi sa inyong lahat. Padayon!









