Post(s) tagged with "seminary"

Twenty-Two

It has been a tradition in the seminary to do a “mini-sermon” or sharing of reflection during the Holy Mass whenever one is celebrating his birthday. I never had my chance to deliver one since my birthday always fall on the day when seminarians are still on their summer vacation.

So here am I, writing and sharing to you what I am suppose to deliver in front of the congregation. Join me in my reflection and thanksgiving as I celebrate my 22nd birthday.

It’s an open secret to the people whom I met in the internet that I am a Seminarian, a Prayle-wannabe. And only a few handfuls knew my whole story.

It has been more than 2 years since I left the Seminary to undergo an advised regency – or break – to fix myself in the real world. And supposedly, this year will be my return to pursue my 5-year theological studies before being ordained a deacon, and eventually, a Prayle (or a Damaso, depending on how you view my comrades).

I chose not to return this year for personal reasons. And I still don’t know if I would still return in the seminary to pursue my vocation and dream of being a Priest. Let me share with you some of my reasons.

First, my two (2) years have been wasted. I have no permanent job much more an “alternative career” to weigh down my options if I am really for the Priesthood or not. I only have had contractual jobs, sidelines, and rakets. My last job as an editor was home-based so I had no notion of office, officemates, workplace, etc. Currently, I am still looking for a company to work at and who will give me experience and lessons needed for my growth. (Yes, I am not after for the salary and compensations.)

Second, since I wasted my two years, I still lack the experience which will measure my growth into maturity and balance between Priesthood and a life of an ordinary bachelor. When I graduated last 2009, I promised myself that I will travel, meet new people and do things that I have been deprived of during my eight (8) years in the Seminary.  I want to do”a million other things”.

Third, during the past 2 years, I have done things which are not appropriate for a Prayle-wannabe like me. I hurt people. And I still haven’t fixed those broken relationships yet. I don’t want to return to the seminary with a heavy heart and a feeling of guilt.

Fourth, I am still undecided with my vocation. Following the principle in ethics “in doubt, do not act”; I do not want to enter the seminary with a disposition of doubt. I think it will be unfair to God, to the Church, and to her people if I leave the Priesthood just because I pursue my theological studies without being sure of myself (Manangs and those who are forcing me to return immediately to the Seminary, I hope you can read this).

Those are the four major reasons why I opted not to return to the Seminary this year.

But as in all journey, life must go on. Today, I am celebrating my twenty second birthday. Some would say that I look older than my actual age. Some, especially bus conductors and jeepney barkers, would call me “Totoy”.

But if you would ask me, I still feel that I am the same 19-year old young man who graduated in the Seminary more than two years ago. I’m just 37.4 pounds heavier (and yes, I know that it is not healthy).

My life today is not much different from where I left. I am currently a Sunday School teacher in our Parish. Teaching catechism to children ages 12 and below gives me a sense of fulfillment. It is a noble apostolate. I also call it as a “defense Against the Dark Arts” post since teaching those kids prayers and Jesus Christ, his teachings of light and truth, is the best defense against the evil one.

Beat that Severus Snape! 

Despite all the bitterness, drama and tragedy, I am still thankful for the 2 years outside that the Prayles gave me to explore the real world. Though lack in experience and incomplete, I have learned to see life in a different perspective. I have learned to see the reality in the eyes of ordinary people - away from the comfort zones of the seminary. My life in the seminary is quite spoon fed. I have learned here in the real world to stand and to do things on my own.

I am thankful to the people who became part of my journey for this past 2 years outside the Seminary. The nurses and staff of ASEAN RISK, Lipid Research Unit of Philippine General Hospital where I first worked. Technically. My comrades, my brother seminarians, my support group who continue to guide their prodigal brother. My Titas, Ates, and Kuyas in Sunday School who continue to inspire me to return to the seminary. To my former boss in the publishing company, thank you for the opportunity Sir Eugene. To the people whom I met here in David Karp’s cyber empire, most especially to the eLBikada - thank you for the laughters, tears, booze, smoke, and love.

I would also like to thank the people who became part of my journey for 22 years.My parents, my family, and the Prayles (where I spent more than half of my life living with them).

I would also like to ask for forgiveness to the people whom I hurt - consciously and unconsciously. I hope we can start a new beginning.

This journey of 22 years has been fun. And I would like to start a new journey with hopes and dreams that this will also be a good one. Let’s aim for 90 years? Why not/ If the Japanese can do it, why can’t I?

Thank you everyone for (wasting) spending your time reading this. I hope that you will also be part of my journey, Let’s walk together into the fullness of life.

May God bless us all today, tomorrow, and forever. Padayon!

Source: juanrepublic

This Guy’s in Love with You Pare (Holy A Capella Version)

This was exactly two (2) years ago. Performed by yours truly together with my classmates for our Music Festival/ Valetine’s Day Celebration last February 14, 2009 at Saint Francis de Sales Major Seminary. At oo, kalbo pa ako noon.

Ganyan mag-celebrate ang mga celibates ng Valentine’s Day. Celibates are the best lovers! Dahil ang pagmamahal namin ay para sa lahat (All-encompassing kumbaga!). Hindi exclusive, Hindi romantic. Wala man kaming mga ka-date noong mga panahong yun, ayos na rin. :)

Ramdam ko nga, mas okay pa ang Valentine’s Day ko a loob ng seminaryo kumpara ngayon. Doon, kahit kami-kami lang, may celebration. Ngayon, wala, forever alone.

Nanalo nga pala kami at nag-first place sa kompetisyon. Meron kasing “aliw factor”. Pasensya ka na sa kalidad ng audio. Ecstatic ang audience at pangit ang camera namin.

Ito ang aking unang post dito sa Tumblr. Ini-repost ko ulit ngayong araw bilang paggunita sa Capitalist Holiday. Huwag sanang mawala ang respeto niyo sa akin (kung meron man) pagkatapos niyo itong panoorin. Biro lang. Pero pwedeng seryosohin. Ayos. Padayon!

Source: juanrepublic

Kumpisal

Ngayong araw na ito, November 12, dapat ay nasa Lipa ako. Sa Metroplitan Cathedral ng San Sebastian to be exactly. Ordinasyon kasi sa Banal na Orden ng Pagkapari ng dalawa kong kuya sa Seminaryo, si Kuya Jumy at si Kuya Bok.

Mga kuya ko sila noon sa Seminaryo. Ilang batch lang ang tanda nila sa akin. Kasabay ko noong mamuhay sa iiusang compound. Kasabay maglaro, kasabay mag-aral, kasabay maglinis, kasabay manalangin.

Kung bago ka lang sa blog ko, hindi mo siguro alam na isa akong Prayle-in-the-making dati at kasalukuyang nasa labas para magpahinga.

Pero iba na ang ihip ng hangin ngayon. Hindi ko na sila basta-basta puwedeng biruin ng hardcore. Hindi ko na puwedeng batukan. Hindi na puwede ang basta Kuya na lang ang itatawag ko sa kanila. Kuya Father siguro, puwede pa.

Madrama ang seremonyas ng ordinasyon. Nandoon ang galak ng mga magulang. Ang tuwa ng mga kaibigan. Ang pananabik ng mga kasamahan. At ang pag-iyak ng mga babae sa nakaraan ni Brader (Yeah! Yun talaga ang inaabangan ko. Biro lang.).

Pero mas nakakaiyak sa parte ng mga katulad namin.

Pinili kong hindi pumunta ng Lipa, bukod sa tinanghali ako ng gising at meron pa akong trabahong dapat asikasuhin, sa kadahilanang alam kong baka hindi ko mapigil ang aking emosyon.

Aaminin ko sa inyo, nandoon pa din ang pagsisisi kung bakit hindi ako hindi nagpakabait dati sa seminaryo kung kaya’t sinabihan akong magpakabait at magpahinga muna sa labas ng dalawang taon. Nandoon pa din ang panghihinayang na baka hindi na ako makabalik next year. (kung kailan due akong bumalik ng seminaryo.)

Sa tuwing nakakakita ako ng ordinasyon, dalawa lang ang pumapasok sa isipan ko. Motibasyon at panghihinayang.

Motibasyon dahil sila ay nagiging inspirasyon ko na ipagpatuloy pa ang aking ipinundar sa loob ng walong taon. Panghihinayang dahil baka hindi ko na maipagpatuloy ang aking nasimulan at hindi na ako maging pari.

Isasaisip ko na lang ang naisulat ko noon. Na wala namang “better” kung maging pari ako o hindi. Dahil “good” lagi ang plano ng Diyos para sa atin.

Dalangin ko na lang ngayon na sana ay gabayan ako ng Poong Maykapal sa tamang landas at sana ay maging tama ang mga desisyon na gagawin ko sa buhay sa mga susunod na araw, buwan at taon.

Isama niyo ako sa inyong mga panalangin ha? Magdasalan tayo.

Diyan na muna kayo. Iiyak muna ako dito. Padayon!

Source: juanrepublic

Surgeons or Embalmers?
This is me and my former roommates back in college- Kuya Bladi and Benedict. Medyo Halloween kasi ang athmosphere sa dashboard kaya naisipan kong i-post ang mga ito. Sa bawat kuwarto kasi ay dapat may picture sa may pinto. 
Ako ang pinaisip nila ng concept kaya ito ang kinalabasan. Artistic kasi ako. Minsan deviant. At inspired ng current issue ng PULP magazine na binabasa ko noon.

Maiba taya kung sino ang hihiga. Naiba si Benedict. Patas ang lahat (Hindi niya alam na biktima siya ng conspiracy ng dalawang mas nakatatanda..wink!).

At ito ang inspirasyon ng DP ko ngayon. Huma-halloween ng konti.
Credits: Thank you nga pala sa Funeraria Mabuhay para sa aming location. Hindi na po kami uulit.

Meet my Favorite College Professor, Tatay, and Idol
He’s the one in a light brown shirt, holding a siopao. He’s my Rector in the College Seminary, my Metaphysics, Theodicy, and Liturgy Professor, my Class Adviser, my Tatay, my motivator, my favorite teacher, Fr. Jesse Balilla.
Paborito ko siyang guro sapagkat sa kanya ko natutunan kung paano talaga mag-isip at maging isang responsableng estudyante. Siya rin ang madalas magkumbunisi sa akin na huwag akong makuntento sa kung anong meron ako, na dapat ay matuto pa akong sumubok ng ibang mga bagay. At siya din ang taong huli kong iniyakan noong ako ay magpaalam sa aking paaralan.
Maraming salamat po Padre sa pagiging guro, Tatay, at kalakbay. Hihintayin ko ang araw na magkasabay tayong magmimisa sa Altar. Happy Teacher’s Day po! Padayon! :)
Photo taken at Biak-na Bato National Park. Ako yung naka-black na mukhang rock star.

Ang aking mga “Kuya Pari”
I was browsing the News Feed on Facebook when I saw this photo from one of the Priests from the Archdiocese of Lipa, Father Tonio Umali (second from left).
Together with Father Tonio are my Kuyas  back in the Seminary - (from left) Kuya Riyyan, Kuya Froilan, and Kuya Darwin (of course, I can no longer just call them Kuya for they are now my “Kuya Pari”). They are in Rome to continue their Graduate Studies.
Noong pumasok ako ng Seminaryo, pinangarap ko na maipadala din sa ibang bansa para mag-aral. Okay na sa akin kung sa Rome, Italy or sa Navarre, Spain (yun kasi ang madalas puntahan). Pero may mga ipinapadala din sa France.
Ngayon, nasa labas ako ng Seminaryo, wala pang kasiguruhan kung makakabalik, babalik, o pababalikin sa isang taon para sa aking Theological Studies. Isang biyaya kung ako ay magiging Pari. Bonus na kung ipapadala ako sa ibang Bansa.
Pero ipinapangako ko, makakatungtong din ako balang araw sa “La Ciudad Eterna”.
Naiiyak ako kapag naaalala ko ang buhay ko noon sa Seminaryo. Magandang gabi, diyan na muna kayo. Padayon!

Source: facebook.com

Opinyon ng isang (dating) Seminarista tungkol sa “No Homework During Friday” Policy ng DepEd

Isusulat ko ito sa wikang mas maiintindihan ng higit na nakararami. Pero alam ko namang liligtangan mo lang ito dahil tatamarin kang magbasa sa haba.

Noong nakaraang Sabado,  matapos kong makita sa internet ang memorandum ng Department of Education tungkol sa pagtanggal ng mga homeworks tuwing Biyernes, agad ko itong ipinost sa aking blog at pinuri ko ang Department of Education sa hakbang nilang ito

Bilang produkto ng isang institusyong nagpapahalaga sa kahalagahan ng Pamilya sa lipunan at sa character buliding ng isang bata, agad ko silang pinuri sa kadahilanang nakita ko ito bilang isang oportunidad upang magkaroon ng komunikasyon sa pagitan ng magulang at anak at quality time para magkaroon ng matibay na samahan ang Pamilya.

Sa post kong iyon, may mga natuwa. At may mga nainis. Dahil ang sakop lang ay public schools. Ang sakop lang ay elementary. Sa madaling salita, tila gusto nilang ito ay ipatupad sa elementarya, mataas na paaralan, at kolehiyo.

Ngunit nakapukaw sa akin ang komento ng isang Szaszing sa pamamagitan ng Disqus. At narito ang kanyang isinulat:

paurong ang sistema! other countrie were teaching their pupils on how to do robots, on how to make computers…. but us, assignments lang???!!!! we’re robbing the child’s day of rest?????!!!! no wonder we have poor quality of education. Pupils are not hardworking anymore, no sense of study habits… we must teach them hardwork! at a very young age, they must learn hardwork… to be competitive… to be fighters… matibay sa hirap… hindi malambot sa kakaunting homework!

Sa wakas! Isang komento na salungat sa aking opinyon. Iyan ang hinihintay ko sa aking mga posts. Hindi lamang puro “tama ka Kuya Juan”. Sa aking opinyon kasi, mas makikita ko ang aking “pagkakamali” at ito ay magiging daan upang magkaroon ng “improvement” sa akiong sarili. Unti-unting nag-sink-in sa akin ang punto ng kabilang panig.

Ngunit bakit nga ba ganoon ang aking naging “stand” sa naturang isyu?

Base kasi sa aking personal na karanasan, sinasadya ng mga Guro ko noon sa Seminaryo na magbigay ng mga assignments at reasearch works tuwing last Friday ng buwan, kung kailan uuwi kami sa aming mga Pamilya. Kaya’t ang oras para sa aming mga pamilya, na minsan na nga lang sa loob ng isang buwan, ay matutuon pa sa pag-aaral.

Inaamin ko na isa ako sa mga pangkal (tamad) noong ako ay estudyante pa lamang sa Seminaryo. Lagi ko na lamang pinupuna at kinakalaban ang pamunuan at ang mga Prayle sa kanilang ginagawang “pagpapahirap” sa amin. Lagi kong kinukuwestiyon ang kanilang mga polisiya patungkol sa akademikong paghuhubog. ISa ako noong rebelde na lagi na lang sumusuway sa aking mga Tatay.

Nagtapos ako ng kolehiyo. Lumabas ng Seminaryo. Namuhay sa “totoong mundo”. Namulat ako sa katotohanan ng buhay. Nakita ko ang ibang istorya mula sa perspektibo ng ibang tao. Namulat sa reyalidad. At namuhay na malayo sa “comfort zone” ng Seminaryo.

Habang binabalikan ko ang aking buhay at pormasyon noon sa Seminaryo, na-realize ko ang ilang mga bagay. At narito ang ilan kong mga natutunan na nais kong ibahagi sa inyo:

  • Mahalaga ang pag-aaral. Mahalaga ang mga assignments. Ang mga inaakala ko noong “pagpapahirap” sa akin bilang estudyante ang siyang mga hina-hanap-hanap ko ngayon bilang isang Batang Propesyonal. Ang mga bagay na binalewala at dapat kong sineryoso noon ang siyang hinahanap-hanap kong “kulang” sa akin ngayon.
  • Tamad ako noong estudyante ako. Tamad mag-aral. Tamad mag-research. Tamad magbasa. At ang laki ng pagsisisi ko ngayon kung bakit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Dinala ko iyon hanggang sa ako ay nagtapos sa pag-aaral at ngayong ako ay nagta-trabaho.
  • Nang lumabas ako ng Seminaryo at nagsimula na ring maging isang (part-timena) guro (na kinasusuklaman ko noon), nakita ko kung gaano “ka-degraded” ang kalidad ng mga estudyante. Hindi naman sa ako ay nagmamayabang ngunit iyon ang aking karanasan. Mga tamad mag-aral. Tamad gumawa ng assignment. Gusto na lang lahat ay iaasa sa teacher. At parang mga walang natutunan sa mga previous lessons/ topics.
  • Sinabi sa akin ng mga Prayle noon na "Kung ano ka noong ikaw ay Seminarista, ganoon ka na din kapag naging Pari ka." Mahirap daw kasing baguhin ang ugaling kinalakihan. Kaya’t habang seminarista pa daw kami ay ayusin na namin ang aming pagkatao. Mahirap na iyong baguhin kapag wala ng sumasaway at gumagabay sa iyong mga Seminary formators kapag ikaw ay Pari na. Tunay nga naman. Madami kaming kakilalang mga Pari na pareho ang ugali noong sila ay seminarista pa. Ano ang aking punto? Habang estudyante ka pa, pilitin mong matuto, maging maparaan, maging matatag, at maging isang mabuting estudyante dahil dadalhin mo iyan sa iyong pagtanda.
  • Gampanan mo ng buong puso ang pagiging estdudyante mo. Maraming bata ang gustong mag-aral pero hindi binigyan ng pagkakataong makapag-aral.

Ngayon, pabor pa din ba ako sa no homework during Friday policy? Hindi. Dahil napag-isip-isip ko ang mga kamalian ko noong ako ay estudyante pa at ayokong mangyari ito sa iba pa.

Iyong ipinaglalaban kong “bonding ng magulang at anak” ay puwede namang mangyari sa paggawa ng assignment at sa pagsa-salu-salo sa hapag kainan.

Tito Armin Luistro ng Department of Education, hindi nagkakalayo ang pormasyon natin bilang nagpapari at ikaw bilang isang Religious Brother. At hinawakan mo na din ang isa sa pinaka-tinitingalang paaralan sa Pilipinas. Bakit hindi ka mag-reflect muli at pagnilayan ang mga aral na itinuro sa iyo ng iyong mga Formators? 

At ang pinag-uusapan natin dito ay ang Public School kung saan nabibilang ang higit na nakararaming kabataang Pilipino. Sa tingin mo ba ay ma-i-improve pa ang kanilang (mababa na ngang) kalidad ng edukasyon? O hindi mo iyon masyadong nakita dahil sanay ka sa mga “laking aircon”?

Oo nga’t malaki ang pinagkaiba ng Seminaryo sa Public School pero alam kong pareho lang kaming nag-aaral, nagbabasa, nagsusulat, at binibigyan ng assignment.

Kung nakaabot ka sa puntong ito, inaanyayahan kitang hikayatin din ang iba na huwag paboran ang polisiyang ito ng DepEd. May kapangyarihan kang tulungan ang ating mga kababayan. Padayon!

Ito ay pananaw ko lamang bilang isang Seminarista. Base sa aking karanasan. Para sa iba pang detalyadong punto tungkol sa isyung ito, bisitahin mo ang mga posts nina @ellobofilipino, @iwriteasiwrite, at si Tita @margoism. 

Bakit parang ang lapad ko sa picture? Hindi pala parang. Bumigat na ulit ako. Noong nagpa-check-up ako noong Sabado, 83 kilos ako. Oo 83 kilos. 182.6 pounds. Kahit si Manny Pacquiao, Antonio Margarito, at Floyd “Dusong” Mayweather, hindi ko ka-match. Kailangan ko ng magpa-liemposuction.
Bakit parang hindi masaya si Monra, ang groom, sa larawan? Dahil ba iiwanan na niya ang masya naming buhay binata?
Na-realize ko, parang hindi bagay sa akin ang naka-barong. Mas gusto ko pa rin ang naka-sutana. Kaso hindi na kasya sa kin. At hindi ko alam kung kailan ako babalik. At hindi ko pa alam kung ako ba talaga ay babalik.
Hindi na naman kumpleto ang batch namin. Yung isa, may meeting. yung isa, nandoon sa kanyang gelprend.
Bakit kaya nakahawak si Kuya Ed kay Emman? Dahil ba lagi niyang (Emman) ipinagmamalaki na siya na ngayon ang pinakabagong “Chest Master”?
Ang dami kong sinabi. Isa lang naman ang gusto kong sabihin. Hindi pa ako handang mag-asawa. Sabihin mo ng selfish pero bata pa ako at madami pa akong gustong gawin sa buhay.
At kailangan ko ng magpapayat para sa summer 2011. Naghihintay na ang buong mundo para sa aking 6-pack abs. Amen.
Photo courtesy of Jerico Mayor.

  • Bakit parang ang lapad ko sa picture? Hindi pala parang. Bumigat na ulit ako. Noong nagpa-check-up ako noong Sabado, 83 kilos ako. Oo 83 kilos. 182.6 pounds. Kahit si Manny Pacquiao, Antonio Margarito, at Floyd “Dusong” Mayweather, hindi ko ka-match. Kailangan ko ng magpa-liemposuction.
  • Bakit parang hindi masaya si Monra, ang groom, sa larawan? Dahil ba iiwanan na niya ang masya naming buhay binata?
  • Na-realize ko, parang hindi bagay sa akin ang naka-barong. Mas gusto ko pa rin ang naka-sutana. Kaso hindi na kasya sa kin. At hindi ko alam kung kailan ako babalik. At hindi ko pa alam kung ako ba talaga ay babalik.
  • Hindi na naman kumpleto ang batch namin. Yung isa, may meeting. yung isa, nandoon sa kanyang gelprend.
  • Bakit kaya nakahawak si Kuya Ed kay Emman? Dahil ba lagi niyang (Emman) ipinagmamalaki na siya na ngayon ang pinakabagong “Chest Master”?

Ang dami kong sinabi. Isa lang naman ang gusto kong sabihin. Hindi pa ako handang mag-asawa. Sabihin mo ng selfish pero bata pa ako at madami pa akong gustong gawin sa buhay.

At kailangan ko ng magpapayat para sa summer 2011. Naghihintay na ang buong mundo para sa aking 6-pack abs. Amen.

Photo courtesy of Jerico Mayor.

"Tempora mutantur, nos et mutamur in illis."
Times change, and we change with them. Parang kailan lang, kaming magkakaklase ay biniyayaan ng sutana, ng ecclesiastical garb, ang puting damit na sumisimbolo kay Kristo. Biyaya sapagkat hindi lahat sa loob ng Seminaryo ay napagkakalooban ng ganoon. Kailangang paghirapan. Kailangang pagsumikapan.
Pero ngayon, iba na ang storya. Dalawa na lang sa klase namin ang nasa Theological Seminary. Ang iba, may mga trabaho, nag-aaral, may sideline, o may negosyo. At yung isa, hayun, “sumakabilang-bahay” na at nag-asawa kamakailan lang.
Parang kailan lang, kami yung mga nangarap na magpapari, na maglilingkod sa Diyos at sa kanyang bayan. PEro habang tumatagal, sadya sigurong nag-iiba ang takbo ng istoryaa. PEro sabi nga ng tatay namin, ng aming minamahal na Rektor sa Seminaryo, mag-asawa man, maging soltero man, o maging pari man, ang mahalaga ay maging mabuti kanming mga tao, at maging mabuting Kristiyano.
Tumawag sa akin kanina ang isa sa mga nakababata kong kapatid sa Seminaryo. Nag-iimbita dahil sila naman ang susuutan ng sutana. Napangiti ako, parang kailan lang, ganoon ako kapursigi mag-imbita.
Pero kung ano mang maging landas na kanilang tatahakin, na aming tatahakin, nawa ay gabayan kami ng Poong Maykapal sa tulong ni Maria na aming Ina. Amen.

GPOYW (Gagong Picture of Yourself, Wehehe!)
Wednesday post. Wednesday Photo. Eccentricity at its finest.
Ang larawan ay kinuhanan sa loob ng itinatayong gusali ng Theological Department ng aming Seminaryo noong Lunes, Agosto 30. Hard hat area kaya humiram kami sa mga construction workers na kasalukuyan noong nagpapahinga at nanananghalian.
Maliit at mukhang pambata yung mga hard hat kaya’t nagmistulan kaming mga Jejemon na Engineer/ foreman/ construction workers.
Kung sakali mang bumalik ako sa Seminaryo sa susunod na taon, ito na ang building naming gagamitin. Maganda ang mga kuwarto. May sariling CR. Malaki ang building. Maganda at presko ang tanawin. At balitang meron daw ultraelectromagnetic WiFi.
Maaari ninyong basahin ang buong istorya dito. Credits kay Remington para sa larawan.

"Coming Back" from "Going Home"

Kahapon, Agosto 30, naganap ang major major na Grand Alumni Homecoming ng aking pinakamamahal na alma mater - ang Saint Francis de Sales Major Seminary na matatagpuan sa baranggay Marauoy, Lipa City.

"Coming back" from "going home" ang tema dahil ang tawag sa buwanang pag-uwi namin sa aming mga tahanan ay "Going Home". At obvious na ang "coming back". Usually ay every last Friday of the month kung kami ay umuwi. Tapos ang balikan ay tuwing Linggo. So technically, dalawang araw lang kami sa outside world.

Dumating ako ng bandang a las-diyes ng umaga, sa kalagitnaan ng basketball games. Nagpa-rehistro ako sa lobby at agad na pumunta sa aking mga kaklase at batchmates. yung homecoming kasi na nangyari, kahit mga undergrads at mga hindi nakatapos sa Seminaryo, ay welcome pa rin.

Pagkatapos ay kumain ng tanghalian. Wasak nga l;ang sa ulam. Adobo at Sinaing na isda. Ang biruan nga namin, parang hindi alumni homecoming. Ganoon pa rin ang ulam. Walang nagbago. Pero ganoon daw talaga. para maramdaman namin ang “spirit” ng buhay Seminaryo. Na parang nagbabalik tanaw kami sa pamamagitan ng aming panlasa.

Pagkatapos ng tanghalian, pumunta kami nina Emman (dati kong kaklase na ngayon ay nasa Theology Department) at Remington (nasa UST na ngayon) sa ginagawang bagong building sa may likod ng Seminaryo kung saan ililipat ang Theology Department (na ngayon ay “nakikitirik” sa Lay Formation Center). Kapag nagkataon na ako ay bumalik sa Seminaryo sa susunod na taon. ito na ang aking magiging bagong tahanan.

Malaki ang building. At magaganda ang kuwarto. May CR sa bawat kuwarto (kumpara sa old building na may common CR sa bawat dorm). By next year ay puwede ng lumipat ang mga Seminarista dito. Ang biruan nga namin, motivation ito sa amin para kami ay bumalik sa Seminaryo.

Pagkatapos ay tumambay muna kami sa kuwarto ng aming mga kaklase na nasa loob pa ng Seminaryo at nagpalipas ng oras habang hinihintay ang Misa.

2:00 PM, nagsimula ang Misa sa pangunguna ni Archbishop Ramon Arguelles, Obispo ng Lipa, ni Bishop Palang ng San Jose, Occidental Mindoro, at ng aming schoolmate, Bishop Rey Evangelista ng Boac, Marinduque kasama ng ilang daang Pari na mga alumni ng aming Seminaryo.

Nakakatuwang pagmasdan. Nakakatuwang isipin na ang dami ng naging pari sa loob ng nagdaang taon. Nakaka-inspire tuloy bumalik ng Seminaryo.

Pagkatapos ng Misa ay pinarangalan ang mga staff at Teachers ng Seminaryo na naging tagapag-hubog din kasama ng mga Pari. At pagkatapos noon, simula na ng Happy “Hour” - kainan, inuman, tugtugan, tawanan, at pagbabalik ala-ala.

As usual, mayroong picture-an bawat batch. Out of 20 sa klase namin simula noong 1st Year College, 10 lang ang nakarating. Out of 8 na naka-graduate “on time” sa amin, lima lang ang nakarating. Sayang at hindi kami nakumpleto. Pero ayos pa rin. Masaya pa rin. Masarap balik-balikan ang magagandang ala-ala namin sa Seminaryo.

At ang pinakahihintay naming lahat - ang inuman! Bumabaha ng beer! Maraming salamat sa mababait na sponsors. At salamat sa batch ‘85 na host ng aming Alimni Homecoming.

At matapos ang mahabang panahon, legal na kaming nakapag-inom sa loob ng Seminaryo. Iniinggit nga namin ang mga lower class men na hindi pa puwedeng mag-inom sa loob.

Gustuhin man naming magpaka-wasak at magpagabi, kinailangan na naming umuwi. Karamihan kasi sa amin, kung hindi may klase, mayroong trabaho kinabukasan. At malayo pa ang mga uuwian. Gayunpaman, pinuri naman kami ng aming Tatay, ng aming Rektor, sa pagiging “responsable” namin (Naks!).

Umuwi ako dito sa amin baon ang masasayang ala-ala ng maghapon. Sayang lamang at after 5 years pa ang susunod na Alumni Homecoming.

Masarap balikan ang magagandang ala-ala ko noon sa Seminaryo. Dahil nga doon, napapaisip ako kung babalik ba ako sa susunod na taon o hindi. Pero kung ano man ang maging desisyon ko, alam kong iyon ay para sa mabuti dahil alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos.

Magandang gabi sa inyong lahat. Padayon!

Bukas na ang “Major Major” Grand Alumni Homecoming at my beloved Alma mater, St. Francis de Sales Major Seminary!

Bukas na ang itinakdang araw ng “pagbabalik bahay” namin sa aming Tahanan na minahal ng apat na taon noong kolehiyo - ang Seminaryo Mayor ni San Francisco de Sales sa Lungsod ng Lipa.

Ang tahanan kung saan ako natuto ng maraming bagay, kung saan ako nahubog bilang isang tao. Kung saan ako nahubog bilang isang Kristyano. Kung saan ako nahubog bilang isang Seminarista - isang Priest-in-process.

Panigurado akong mas marami pa sa mga larawang ito ang aming mga magiging kuwentuhan bukas. Na kahit ang iba ay paulit-ulit na, masarap pa ring balik-balikan at alalahanin.

Kaya iniimbitahan kitang tingnan ang ilan sa aking mga larawan noong ako ay nasa loob pa ng Seminaryo:

Kalbo ako noong 4th year college. Hindi naman kami ganyang katikas. Pose lang yan para sa isang pseudo-pictorial.

Siya si fr. Melvin Castro. Ang head ng Family and Life Commission ng CBCP. Siya yung kalaban ng mga nagpu-push ng RH Bill at Divorce. Nakasama namin siya noong 4th year college. 

3rd year college ako nito. At 20 kilos ago. Huwag mo ng itanong kung bakit ako bumigat.

Ako ang “Master Showman” noong college. Lagi na lang may pakulo. Lagi na lang may kalokohan. Kuha ang larawan na iyan noong aking huling Pasko sa Seminaryo.

Maaaring maging deciding factor para sa akin ang Grand Alumni Homecoming bukas kung magde-desisyon akong bumalik sa Seminaryo para ipagpatuloy ang aking Theological Studies o mamuhay muna bilang isang “ordinaryong binata”.

Ikokonsulta ko sa aking mga dating Superiors ang katatayuan ng buhay ko ngayon at magpapatulong ako kung tama ba ang aking magiging desisyon na tatahakin.

Kung ano man ang maging desisyon ko - mag-Pari man o hindi - alam kong iyon ay “good” dahil iyon ang plano ng Diyos sa akin.

Patnubayan po ninyo ako Panginoon. Amen!

"Sa’yo ko Ipapamana ang aking Sutana"
Ito ang aking pamangkin sa pinsan. Si Vittorio Joaquin. Limang taong gulang. Madalas siyang nasa bahay namin para maglaro. Nito lamang Linggo, pumasok siya ng kuwarto at nakita yung sutana (cassock or abito) ko na naka-hanger sa isang sulok.
Vittorio: Tito ano ‘yan?Juan: Sutana. Iyan yung isinusuot ng mga Pari.Vittorio: Kanino yan?Juan: Sa akin. Gusto mong subukan?Vittorio: Ayoko. Gusto kong maging doktor. At malaki masyado.Juan: Testingin lang natin. Ilalagay natin sa Facebook.
At nang maisuot ko sa kanya ang aking sutana - na nagmukhang malaking kumot sa kanya - mukha namang nawili at game na game pang nagpakuha sa akin ng picture.
Inilagay ko sa Facebook at nakita ng kanyang Lola - na aking tita - at nag-comment na sana ay maging pari din si Vittorio Joaquin. Na sana ay pumasok din sa Seminaryo katulad ng dalawa niyang Tito - ako at ang aking kapatid.
Kasalukuyang naka-hanger pa rin ang sutana ko sa kuwarto. Naghihintay kung isusuot ko ulit o tuluyan ng ibabaon sa baul ng magagandang ala-ala.

"Sa’yo ko Ipapamana ang aking Sutana"

Ito ang aking pamangkin sa pinsan. Si Vittorio Joaquin. Limang taong gulang. Madalas siyang nasa bahay namin para maglaro. Nito lamang Linggo, pumasok siya ng kuwarto at nakita yung sutana (cassock or abito) ko na naka-hanger sa isang sulok.

Vittorio: Tito ano ‘yan?
Juan: Sutana. Iyan yung isinusuot ng mga Pari.
Vittorio: Kanino yan?
Juan: Sa akin. Gusto mong subukan?
Vittorio: Ayoko. Gusto kong maging doktor. At malaki masyado.
Juan: Testingin lang natin. Ilalagay natin sa Facebook.

At nang maisuot ko sa kanya ang aking sutana - na nagmukhang malaking kumot sa kanya - mukha namang nawili at game na game pang nagpakuha sa akin ng picture.

Inilagay ko sa Facebook at nakita ng kanyang Lola - na aking tita - at nag-comment na sana ay maging pari din si Vittorio Joaquin. Na sana ay pumasok din sa Seminaryo katulad ng dalawa niyang Tito - ako at ang aking kapatid.

Kasalukuyang naka-hanger pa rin ang sutana ko sa kuwarto. Naghihintay kung isusuot ko ulit o tuluyan ng ibabaon sa baul ng magagandang ala-ala.

Higher!
Halos lahat tayo, familiar sa ganitong scenario. Yung single lady na nakasalo ng boquet na bride, susuutan ng bachelor na nakasalo ng garter na inihagis ng groom. Or ibinigay ng groom. Well, yung pangalawa ang nangyari sa akin kagabi.
Kahapon, ikinasal na ang kaibigan kong si Monra. Para na ring nagkaroon ng mini reunion ng klase namin noong College sa Seminaryo. Sayang nga lang at hindi nakumpleto at nagkulang ng dalawa. Nakakatuwang isipin at napapangiti na lang ako kapag naaalala ko ang mga pangyayari kagabi. Kung dati ay naka-sutana kami, ngayon ay mga naka-barong. Wasak!
Dahil ako ang bunso sa aming klase, ako ang napagkaisahan na bigyan ng garter. Tutalk naman daw, matagal-tagal pa bago ako ikasal. Bilang suporta na rin sa mga kaibigan ko at sa bagong kasal, hindi na ako tumanggi. At ang larawan sa itaas ang ebidensya.
Kaibigan ni Raewyn, asawa ni Monra, ang aking ka-partner. Medyo nakalimutan ko lang ang pangalan (short attention span ni Juan, ugh.). Nakakatuwa lang na tawa- siya ng tawa habang itinataas ko yung garter. Nakikiliti siguro. Haha!
Well, best wishes na lang Monra at Raewyn. Gabayan nawa kayo ng Poong Maykapal sa inyong buhay mag-asawa. Love love love! Padayon!

This is a personal blog where rants, raves, and everything in between is written and posted.

About the Blogger: His name is Juan, a frustrated writer who hails from a sauna town at the foot of Mount Makiling. He spends his being an overworked and underpaid High School teacher and being a self-proclaimed superhero who is dreaming and trying to make a difference, one post at a time.

For correspondence, please email me at juanrepublica@gmail.com

You can also find me at these websites:

Ninjas are Lurking at the Republic

Personal - Top Blogs Philippines

My Lakbayan grade is C!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

"Speak now or forever hold your peace.."
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...