Post(s) tagged with "love"

I Have Fallen In Love (with the Same Woman Three Times)

This poem was written by Senator Benigno Aquino at Fort Bonifacio on October 11, 1973 as a love poem for Cory Aquino for their 19th wedding anniversary.

This was put into song by Jose Mari Chan on 1989 on his album Constant Change.

I am posting this song in lieu of Senator Ninoy Aquino’s 28th death anniversary.

Aside from being a romantic husband to his wife, let us also remember a modern Filipino hero, whose death became a catalyst to restore freedom and democracy in the Land of Juan. I shall also leave this as a challenge that we can also be hero in our own little way.

Bayani si Ninoy. At tayo rin ay puwedeng maging Bayani katulad niya.

Maraming maraming salamat po Senator Ninoy Aquino.

Source: juanrepublic

Ikaw at Ako - Johnoy Danao

Ikaw at ako, pinagtagpo Nag-usap ang ating puso Nagkasundong magsama habangbuhay.

Nagsumpaan sa Maykapal Walang iwanan, tag-init o tag-ulan Haharapin bawat unos na mag-daan.

Sana’y di magmaliw ang pagtinginKaydaling sabihin , kayhirap gawinSa mundong walang katiyakan Sabay natin gawing kahapon ang bukas.

Ikaw at ako, pinag-isa Tayong dalwa may kanya kanya Sa isa’t-isa tayo ay sumasandal

Bawat hangad kayang abutin Sa pangamba’y di paaalipin Basta’t ikaw, ako Tayo magpakailanman.

Kung minsan ay di ko nababanggit Pag-ibig ko’y di masukat Ang anumang lambing At kung magkamali akong ika’y saktan Puso mo ba’y handang magpatawad

Di ko alam ang gagawin kung mawala ka Buhay ko’y may kahulugan tuwing ako’y iyong hagkan Umabot man sating huling hantungan Kapit-puso kitang hahayaan Ngayon at kailanman Ikaw at ako.

Break muna sa usual posts ko. I’ve had enough of the CCP, Mideo Cruz and the conservative groups who call them Anti-Christ (Ang OA niyo mga Pare!). Break din muna kay Madam Gloria Arroyo na sa balita ko ay failed daw ang second operation (We want you alive Madam. Please get well soon okay?). But I promise to get back on the PHL Dragon Boat Team and the Philippine Olympic “Mag-retire na kayo Matanda na kayo” Committee.

I want all of us to listen to this feel-good music by one of our country’s better musicians -  Johnoy Danao. I repeat, better musician.

Sa sobrang ganda, maghapon ‘tong naka-play at naka-repeat sa player at cellphone ko. I think we need more better artists to give us a feel-good vibe in these troubled times for our country. Yung mga obra na makakapagpa-relax at makakapagpangiti sa atin. Katulad nito.

Maraming salamat Johnoy sa awiting ito. Enjoy the music!

Bonus Feature: Para sa extra kilig, you can watch this official music video of “Ikaw at Ako” on YouTube. Sa mga single, mamatay kayo sa inggit! Biro lang. Malay mo bukas, makatagpo ka na ng para sa’yo. (Asa ka pa!)

Source: juanrepublic / johnoydanao

This Guy’s in Love with You Pare (Holy A Capella Version)

This was exactly two (2) years ago. Performed by yours truly together with my classmates for our Music Festival/ Valetine’s Day Celebration last February 14, 2009 at Saint Francis de Sales Major Seminary. At oo, kalbo pa ako noon.

Ganyan mag-celebrate ang mga celibates ng Valentine’s Day. Celibates are the best lovers! Dahil ang pagmamahal namin ay para sa lahat (All-encompassing kumbaga!). Hindi exclusive, Hindi romantic. Wala man kaming mga ka-date noong mga panahong yun, ayos na rin. :)

Ramdam ko nga, mas okay pa ang Valentine’s Day ko a loob ng seminaryo kumpara ngayon. Doon, kahit kami-kami lang, may celebration. Ngayon, wala, forever alone.

Nanalo nga pala kami at nag-first place sa kompetisyon. Meron kasing “aliw factor”. Pasensya ka na sa kalidad ng audio. Ecstatic ang audience at pangit ang camera namin.

Ito ang aking unang post dito sa Tumblr. Ini-repost ko ulit ngayong araw bilang paggunita sa Capitalist Holiday. Huwag sanang mawala ang respeto niyo sa akin (kung meron man) pagkatapos niyo itong panoorin. Biro lang. Pero pwedeng seryosohin. Ayos. Padayon!

Source: juanrepublic

True Love is a Sacrifice

This article, which was one of my articles written on my school publication column back in college, was originally posted at my Multiply account and here on Tumblr when I was still a newbie. I have decided to repost this one in celebration of, uhm, today’s Capitalist Holiday. Enjoy reading!

Hindi ito isang ma-kesong sanaysay (wala kasing eksaktong salita sa Tagalog para sa cheesy) tungkol sa walang kamatayan at laging pinag-uusapang paksa na kung tawagin ay pag-ibig. Nawalan na kasi ako ng motibasyong magsulat ng tungkol sa mga nakakakilig na bagay simula nang (puwersahang) ipapanuod sa akin (ng mga kasama kong mga pari at seminarista) ang pelikula ni Aga Muhlach at Anne Curtis na When Love Begins – ang pinakabasurang pelikukang ginawa ng Star Cinema.

Ito ay isang pagninilay tungkol sa malalim na pakapahulugan at paraan ng paglilingkod at pagmamahal. 

Likas sa tao ang magmahal at maglingkod sa kapwa. Ito ay nakatatak na sa kanyang katauhan. Sa pilosopiya ng tao, masasabing hindi tao ang isang tao kung hindi siya nagmamahal. Gayundin naman, dahil batid ng tao na hindi siya maaaring mamuhay mag-isa, ang paglilingkod o ang pagbibigay ng sarili para sa isang tao, bagay at ano pa mang dahilan ay nakaukit rin sa kanyang kalikasan. 

Nasa natura din ng tao na ang lahat ng kaniyang ginagawa at ikinikilos ay may motibo. Sa pilosopiya, ito ay tinatawag na “end” o “purpose.” Ito ang dahilan kung bakit gumagawa ang isang tao. Lahat ng kaniyang gawa at kilos ay may patutunguhan. Walang tao ang gumagawa ng para sa wala (Naiintindihan mo pa ba? Kung hindi ay mas magaling! Alam mo na ngayon ang pakiramdam ng mga seminaristang nag-aaral ng pilosopiya) . 

Dito pumapasok ang iba’t ibang uri ng paglilingkod. May mga taong naglilingkod na ang motibo ay ang mga “napapala” sa paglilingkod. Mayroong mga naglilingkod dahil gusto nila ang kanilang ginagawang paglilingkod. At mayroong mga naglilingkod na may elemento ng sakripisyo para sa iba. Iisang pagkilos ngunit may iba’t ibang motibo. 

May mga taong naglilingkod na ang layunin ay ang kapalit o ang napapala nila sa kanilang paglilingkod – pera, kasikatan, at papuri ng kapwa. Ang mga taong ito ay hindi maglilingkod o magbibigay ng kanilang sarili kung walang kapalit o kung wala ang mga kaginhawaan sa likod ng paglilingkod. Sa madali’t sabi ay pronta lamang nila ang paglilingkod sa kanilang hangarin. Kaya naman hindi kaila sa atin ang dami ng bilang ng mga elitista at pulitikong ginagawa ang lahat (sukdulan ng mandaya at makipagpatayan) makaupo lamang sa puwesto at liderato at magpanggap na naglilingkod. Mas malaki kasi ang kanilang “kikitain” mula sa kaban ng bayan kaysa sa kanilang nagastos sa pangangampanya. Ang gandang negosyo hindi ba? (Hindi ko na kailangang isa-isahin ang baho ng mga pulitiko. Maraming mga manunulat na ang nagsulat sa kanila. Pero para sa mas mabahong basura para sa mga pulitiko, bisitahin niyo yung isa ko pang blog entitled OF SACERDOS AND POLITICOS

May mga naglilingkod naman dahil gusto nila ang kanilang ginagawa. Kalimitan, ito ay pagbabahagi ng talento o kung anong meron ka sa kapwa. Halimbawa, kung hilig ng isang tao ang pagsusulat, maaari siyang makapaglingkod sa pamamagitan ng pagsulat ng mga bagay na makakapagpamulat sa kamalayan ng tao upang kumilos para sa ganap na pagbabago (Naks! Trapong-trapo ang dating ko!). Sa madali’t sabi ay kasiyahan na niya ang paglilingkod sa kapwa – isang paglilingkod na walang kahirap-hirap dahil gusto niya ang kaniyang ginagawa. Ang kalimitang motibo nito ay upang mahasa pa ang sariling kakayanan at pagpapasarap ng sarili o “self-gratification” – na walang ibang patutunghuhan kundi ang pagputong ng korona sa sariling ulo at paghalik sa sariling puwet. Ngunit hindi ito dapat na ituring na masama o isang “self-centered” na serbisyo. Ito ay likas na mabuti ngunit mayroong mas marangal na uri ng paglilingkod. 

Mayroon namang naglilingkod ngunit hindi nila gusto ang kanilang ginagawa o isinasakripisyo ang sariling kagustuhan sa kanilang paggawa. Hindi katulad ng sa ikalawang uri ng paglilingkod na nagmumula sa kanilang sariling kagustuhan, ang ikatlong uri ay ang paglilingkod na ang motibo ay ang makapaglingkod na may elemento ng sakripisyo. Ibinibigay nila ang kanilang sarili – hanggang sa punto na isinasakripisyo nila ang sariling kagustuhan at kaginhawaan maibigay lamang ang sarili sa kapwa. At ito, ang tunay at marangal na pakapahulugan ng paglilingkod at pagbibigay ng sarili – ang pagbibigay ng buong sarili sukdulan ng kahit buhay ay ialay. Ito ang marangal na uri ng paglilingkod – ang may elemento ng sakripisyo. 

Isang napakagandang halimbawa at ang pinakamagandang “love story” na yata na nalaman ko ay ang sa ating Panginong Hesukristo (hindi ito yung kasinungalingan tungkol sa kanilang dalawa ni Maria Magdalena). Kung iyong maaalala (at kung nagbabasa ka ng Bibliya), noong si Hesus ay nagdadasal sa halamanan ng Getsemane ay idinalangin niya sa Diyos Ama na “tanggalin sa kanya ang Kalis ng paghihirap.” Ngunit sinunod pa rin niya ang kalooban ng Ama. Ibinigay niya ng buong-buo ang kanyang sarili nang ipako siya at mamatay sa krus para tubusin ang ating kasalanan. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangang gawin iyon dahil Diyos na siya. Pero ginawa pa rin niya iyon nang dahil sa pagmamahal. Mayroon pa bang hihigit sa ganoong uri ng pagmamahal? Ang sweet ni Hesus ano? 

Sa tuwing ibinibigay natin ang ating buong sarili ay laging mayroong elemento ng sákit. Ito ay sa kadahilanang pinapahalagahan natin ang ating sarili kaya tayo ay nasasaktan kapag ibinibigay natin ang pagpapahalagang iyon sa iba. Hindi ito tunay na pagmamahal o pagbibigay ng sarili kung hindi ka nasasaktan. Ang tunay na nagmahal ay ang taong nasaktan. Tunay ang iyong pagmamahal na ibinibigay kung patuloy kang nagmamahal kahit ilang ulit at paulit-ulit kang nasaktan at sinasaktan. 

Hindi ako naniniwala sa mga nagsasabing gusto nilang maglingkod sa kanilang kapwa Pilipino kaya gusto nilang maupo sa puwesto. Mayroong mas marangal na paraan upang magbigay ng buong sarili sa kapwa. Maaari tayong maging bayani at tagapaglingkod sa ating mga sariling marangal na paraan. Alam mo na siguro ang gagawin mo sa mga kandidatong nagsasabing “gusto kong makapaglingkod sa taong bayan kaya nais kong tumakbo sa darating na halalan.” Maging matalino ka. 

Minsan, sinabi ng isang pari sa amin na isa daw sa pinakamagandang love story ay ang daan ng isang binata patungo sa pagpapari. Tunay nga naman. Sa pagpapari ay madaming kailangang isakripisyo – ang pamilya, ang sarap ng buhay ng isang ordinaryong binata, ang (mga) “karelasyon”, at ang mismong sarili.

Totoong napakahirap ng daan patungo sa pagpapari. Kailangang talikdan ang sarili at buhatin ang sariling krus upang sumunod kay Kristo. Iyon siguro ang dahilan kung bakit maraming naaakit sa aming mga seminarista at mga pari – kahit pa gaanong kasamang lalaki ay nagiging kaakit-akit at kaibig-ibig sa mata ng mga dalaga at mga manang. Pasensya na lamang kayo. Mas mahal namin si Kristo at ang pagpapari. Teka, nahulog na rin ba ang loob mo sa akin?

Source: juanrepublic

A Little Thing Called Love
I’ll give my usual socio-political posts a rest and make something that will surely be enjoyed by the kids here on Tumblr. For this time, I’ll make a review of a movie which I have just watched last night/ early this morning.
This is a love story.
I saw the trailer of this movie being repeatedly reblogged, mostly by lady Tumblristas, here on Tumblr a few days ago. I got curious so I checked the trailer on YouTube. The trailer have this line that caught my attention: 89% of the people who have watched this trailer have been through the experience. On my part, I knew that I belong to the remaining 11% because I came from an exclusive school for boys back in High School. 
The trailer caught my attention, it is a love story and it has a kilig factor, so I searched for the movie on the internet. Unfortunately, my copy has no English subtitiles so I resorted on watching the 8-part movie on YouTube.
This is a story about the school romance of Chon (Mario Maurer) and Nam (Pimchanok Lerwisetpibol). Nam is an ugly duckling who undergoes a transformation in order to win the heart of Chon, the school’s heartthrob.
Throughout her transformation, Nam is with her three best friends. Together, they struggled on the tough years of mathayom 1-3. They try to make the boy of their dreams fall in love with them by using a book which offer 9 love tips. The girls often clash with the pretty and popular girls of the school’s dance troup.
The movie is filled with sweet scenes that will make you laugh and cry. On my part, I was smiling on the whole first part of the movie and in tears on the remaining half.
Personally, I am not really into love stories. The only Asian love stories that made me laugh and cry are the Korean Films The Classic, My Sassy Girl, Windstruck, and Love So divine. But this movie adds up to my personal favorites.
The plot is usual with the classic formula of sweet scenes based on our experiences of first love and school romance (mostly High School). It also gives us the classic “we did not tell each other that we both love each other” formula. But this movie, even though having a typical and used plot, will give the viewers a mark to their hearts. Perhaps it’s because of the sweetness and sincerity of young love. Perhaps because most of us have been through the same experience.
All in all, this movie is a must-watch for those who are into love stories. High School kids will surely like this one, wishing their love story is the same with the movie. Grown-ups will surely reminisce their first love and High School romance after watching this.
I’m not really into love stories. But watching a good one gives me an unexplainable, feel good sensation. Maybe I should dig more. What do you think?
Click the photo to watch the 8-part movie on YouTube.

Panaginip - The Bloomfields

Tayo ay nagkakilala, na-in love at nagsama. Pero gaya ng sinabi nila hindi rin nagtagal. Biglang di na tayo bagay sa di malamang dahilan. Baka pareho tayong nagbabago kaya di tumagal. 

Pero kahit saan tumungo, nakikita ka.

Alam kong hinahanap-hanap ka. Hindi mapakali sa aking kama. Pati sa panginip ko ikaw pa rin bida. Ikaw pa rin bida.

Sinubukang malimutan, sinubukan ang iba. Pero kahit matamis ang labi, pag-ibig ay wala. 

Pero kahit saan tumungo, nakikita ka.

Alam kong hinahanap-hanap ka. Hindi mapakali sa aking kama. Pati sa panginip ko ikaw pa rin bida. Ikaw pa rin bida.

Araw-araw iniisip kung may ibang daan. Pinipilit ang pag-ibig walang mapuntahan. At doon bigla kong naintindihan. Akala ko ika’y mapapalitan. Yun pala’y ikaw pa rin, ikaw pa rin sinta. 

Alam kong hinahanap-hanap ka. Hindi mapakali sa aking kama. Pati sa panginip ko ikaw pa rin bida. Ikaw pa rin bida.

Last Song Syndrome. Sinasabing iyan daw ang kuwalipikasyon sa extremities ng isang awitin. Maaaring sobrang ganda o sobrang overrated na kaya nakakasawa ng pakinggan (katulad ng Baby ni Justin Bieber at Nobody ng Wonder Girls). Maaari ding dahil maganda ang melody ng kanta at catchy ang tono. O kaya naman ay dahil maganda lang talaga ang ipinapahatid na mensahe ng isang awit.

Sa bagong awitin na ito ng aking isa sa paboritong grupo, ang The Bloomfields, masasabi kong bukod sa maganda at catchy ang tono, ay maganda rin ang ipinapahatid na mensahe.

Lahat tayo ay nagmahal. At mayroon sa ating mga nabigo, inakalang pangmatagalan na ang pag-ibig (o pagkahumaling) na naramdaman. At wala ng ibang magagawa kundi sa panaginip na lamang makasama ang dating minamahal.

Panaginip. Marami sa atin ang nag-aasam-asam na sana ay totoo ang panaginip. Dahil may mga pagkakataong ang magagndang bagay ay nangyayari lamang sa panaginip.

Panaginip.

Isang napakagandang awitin mula sa The Bloomfields.

Iniaalay sa ating lahat na minsang nagmahal at nanaginip.

Nagustuhan niyo ba ang awitin? Maaari ninyong i-download ang “Panaginip” mula sa opisyal na website ng The Bloomfields. Pitikin lamang ang link na ito: http://thebloomfieldsmusic.com/

Source: thebloomfieldsmusic.com

Sa Magkabilang Dulo - Vin Dancel (Peryodiko)

Pano pipilitin na pigilan ang pangarap ng isang pusong nananabik na makita ang isang bagong umagang inaasahang makakamit

Sa magkabilang dulo ng mundo sa anumang kulay at anyo Ang pag-ibig, ay pag-ibig ito’y mananaig

Mali ba o tama? Sa hangaring lumaya Pikit matang tumatalon Upang maiahon mga pangarap na tila nalunod na sa panahon

Sa kabilang dulo ng mundo Naroroon kaya ang pangako ng pag-ibig? Pag-ibig…

Sa magkabilang dulo ng mundo Sa anumang kulay at anyo Ang pag-ibig, ay pag-ibig ito’y mananaig 

Ito’y mananaig…

Napanood ko kahapon sa Power Review: The Best of GMA News and Public Affairs sa QTV-11 ang isang episode ng i-Witness noong January 2008. Pag-ibig sa Magkabilang Daigdig ang pamagat, isang dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo tungkol sa mga Pinay na nakatagpo ng pag-ibig sa mga foreigner dahil sa internet.

Hindi naman kaila sa atin ang dami ng mga Pilipina na nangangarap ng pag-ibig sa mga foreigner. Dahil na siguro sa hirap ng buhay. At para na rin sa “American Dream”. Kaya’t madami sa kanila ang naghahanap ng pag-ibig sa mga dating site sa internet.

At bukod sa istorya ng dokumentaryo, ang isa pang naka-antig sa akin ay ang awiting ito na ginamit sa dokumentaryo.

Pag-ibig. Dumarating sa hindi inaasahang panahon. Nabubuo at nagsisimula sa kakaibang paraan. Kahit na magkalayo. Kahit nasa magkabilang dulo ng mundo.

Paano mo nga ba masasabi na pag-ibig na ang iyong nararamdaman kung hindi mo pa nakikita ng personal ang isang tao? Kung ang inyong pagmamahalan ay ipinapadaan sa pamamagitan ng computer at internet? Totoo na nga kayang pag-ibig na matatawag iyon?

Paano mo nga ba masasabing seryoso na ang tao sa kabilang dulo ng linya ng internet connection? Paano mo masasabing ganoon din ang kanyang nararamdaman sa totoong buhay? O iyon ba ay dahil gumagawa lang tayo ng imahe at personalidad ng isang tao sa utak natin base na rin sa mga bagay na nalalaman natin tungkol sa kanya?

Pag-ibig o infatuation? Pag-ibig o pagkahumaling? Magkaiba iyon.

Pero ang alam ko, ang infatuation ay ang daan patungo sa pag-ibig. Ika nga, “it is not love but it is the way towards love.”

At sana ay pag-ibig ang nararamdaman ko sa’yo. Kahit pa ikaw ay nasa kabilang dulo ng mundo.

(Panoorin ang “Pag-ibig sa Magkabilang Daigdig” sa link na ito.)

Liham para kay “Spongebob”

Dear “Spongebob”,

Kumusta naman ang araw mo? Sana naman ay naging espesyal ang araw na ito para sa iyo. Sana naman at naging masaya ka sa espesyal na araw na ito sa buhay mo.

Una sa lahat, binabati kita ng maligayang ika-19 na kaarawan. Hinihiling ko na sana ay patnubayan ka ng Poong Maykapal sa iyong buhay, biyayaan ka pa ng mas maraming grasya, mabuting kalusugan, at mas masayang buhay.

Medyo matagal na tayong hindi nagkikita. Ang hirap kasi ng magkaiba ang schedule natin. Busy ka, busy din ako. May katagalan na noong huli tayong nagkita. Mga dalawang buwan na siguro. Iyon ay noong pumunta ka dito sa Los Baños:

Read More

Congrats Sam and Jiriku!
Gustuhin ko mang bumalik sa aking pagkabata at maki-party kasama ng pinakamamahal kong eLBikada sa pagdiriwang ng anibersaryo nina Sam at Jiriku, kinakailangan kong manatili dito sa aking lungga para sa isang importanteng trabaho.
Kung bakit pa kasi nauso ang deadline.
Kailangang kumayod upang magkaroon ng pera. Hassle naman kasi kung lagi na lang akong umaasa sa aking mga magulang.
Sana ay maintindihan niyo ako.
Anyhoo, congratulations sa inyo Sam at Jiriku! Nawa’s ang isang taon ng inyong pagmamahalan ay simula pa ng mas maraming taon ng inyong samahan! Ang maipapayo ko sa inyo ay nagmula sa kumpare kong si John Maxwell:
Do not let the situations mean more than the relationship.
At ng kumare kong si Kris Aquino:
Love! Love! Love!
Congratulations ulit sa inyo! Isang malaking karangalan ang makilala ko kayo. Sana ay maging masaya ang inyong pagdiriwang ngayong gabi. Padayon!
Pasensya na kayo kung pangit ang aking sulat kamay. Ayus!

Nung Iniwan Mo Ako - Sinosikat?

Perhaps, this one of the best songs ever written. The words are simple. And the message is straight to the point.

This song is on a repeat mode on my player as of writing. In fact, I can listen to this song for a whole emotero day.

And call me madrama, but yes, I’m in tears while listening to the song. Go on. Listen to the song. And enjoy the music.

And if you may excuse me, I would just have to wipe my tears. God bless everyone.

Nais kong malaman mo
Halos namatay ang puso ko sa kahihintay sayo
Ilang gabing di manlang makaidlip
Ilang araw ni hindi makabangon
O kay layo layo mo na umaasa parin

Pano ka ba lilimutin at aaminin ko sayo
Bihag ako ng ala-ala mo
Nung iniwan mo ako
Tumilgil ang aking mundo
Kay tagal umikot lang sayo

Nasan ka na kaya
Minsan naiisip mo ba ako
Ano kaya ang hugis ng bukas na wala ka
Di ko lamang inakala
Na darating ang isang umaga
Na ako‘y gigising at biglang wala ka na

Pano ka ba lilimutin at aaminin ko sayo
Bihag ako ng ala-ala mo
Nung iniwan mo ako
Tumilgil ang aking mundo

At aaminin ko sayo
Bihag ako ng ala-ala mo
Nung iniwan mo ako
Tumilgil ang aking mundo
Kay tagal umikot lang sayo
umikot lang sayo

Ultraelectromagnetic Failure!
I saw this post of Thea about this mala-FLAMES/ LOVES na application. At dahil inggitero at chismoso ako, at wala rin masyadong magawa, I decided to give it a try.
And guess what? 1% lang ang lumabas sa amin. Wasak na wasak! TNT! :)) At narito pa ang description ng mokong na application:

Dr. Love thinks a relationship might work out between_____________ and ________________, but the chance is very small. A successful relationship is possible, but you both have to work on it. Do not sit back and think that it will all work out fine, because it might not be working out the way you wanted it to. Spend as much time with each other as possible. Again, the chance of this relationship working out is very small, so even when you do work hard on it, it still might not work out.

Okay. Matagal ko na namang alam na walang mangyayari sa atin. Haha! Another reason para bumalik to pursue my Theological Studies. 0:)
Click the Photo para subukan ang inyong kapalaran.

And susunod na Istorya ay hango sa kathang-isip na tunay na pangyayari..
Umuwi ako, duguan ang puso, umiiyak, dahil sa isang nabigong pag-ibig. Naisip kong wasakan ang aking buhay. Nakakita ako ng blade, binalak kong maglaslas. Pero natakot ako. Takot kasi ako sa dugo. Naisip kong magbigti, kaso ay walang lubid.
Pero napaisip ako, wala namang mangyayari kung magpapakamatay ako. May hitsura naman ako. Marami pang mahuhumaling sa akin. Marami pa ang maglalaway sa akin. Marami pa ang maghahabol sa akin.
Pero kailangan kong ilabas ang aking nararamdaman. Nakakita ako ng ipis. Napag-pasyahan kong sa kanya ko na lang ibuhos ang aking galit na nararamdaman.
Hinampas ko ng tsinelas. Nakatakbo. Hinampas ko pa ulit. Ngunit lumipad. Hinampas ko ulit ng maka-ilang ulit. Bumagsak sa sahig. Iniwanan ko sa pag-aakalang patay na. Ngunit maya-maya pa ay muling nakatakbo sa ilalim ng lababo.
Ang ipis. Hindi madaling mamatay. Katulad ng pagmamahal ko sa iyo.
Pasensya ka na sa drowing. Hindi talaga ako magaling sa photoshop. Nilagyan ko lamang para mas makabagbag-damdamin ang kuwento. Bonus na lang yan.

This is a personal blog where rants, raves, and everything in between is written and posted.

About the Blogger: His name is Juan, a frustrated writer who hails from a sauna town at the foot of Mount Makiling. He spends his being an overworked and underpaid High School teacher and being a self-proclaimed superhero who is dreaming and trying to make a difference, one post at a time.

For correspondence, please email me at juanrepublica@gmail.com

You can also find me at these websites:

Ninjas are Lurking at the Republic

Personal - Top Blogs Philippines

My Lakbayan grade is C!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

"Speak now or forever hold your peace.."
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...