Post(s) tagged with "life"

45 Minutes of Torture

I just came home from my suking Manong Barbero. I had my haircut since I will be an abay tomorrow on my cousin’s wedding. And it is my first time since I am not allowed to be one when I was still in the seminary.

I had this Robert Smith-ish hair before I went to manong barbero. Here it is:

When I arrived at the barber shop, there was a newbie barbero. I have been a suki of that barber shop for ages so I know whenever there is a new barbero.

I decided to give him a try. Hindi naman kasi ako mapili sa barbero ko. Wala naman kasi akong pinapangalagaang special na hairstyle. I have been sporting “Barbers” since I was a child. And the only hairstyle that I have tried aside from that is “Kalbong Zero.”

So much for that.

And off I went to the Barber’s throne. Ah, the feeling of a high chair where I can spread my legs and relax.

But it all suddenly changed when manong barbero started his ritual of cutting Robert Smith’s hair.

Holy crap! His breath smells like a crap. Seriously.

And since he is a newbie, hindi pa niya gamay kung paano gugupitin ang gupit ko. So nangapa pa siya kung paano tatabasin ang buhok ko. Ibig sabihin ay matagal niya akong ginupitan. Halos 45 minutes instead of the usual 25-30 minutes.

And so as my olfactory torture.

But I did not complain nor made an untoward and tactless gesture. I endured the grueling torture for a span of 45 minutes.

After that, I paid to the cashier and did not ask for my 10-peso change. I went out of the shop, smiling and waving to my Kuya Barberos. And to the newbie who tortured me.

I endured the foul smell of his mouth all because of one thing.

Respect.

He is still the same human being just as I am.

And Holy Week is near, i think that is a good sacrifice for me.

Ikaw, anong gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon ko?

And by the way, here’s my new hair. Goodbye Robert Smith, hello Morissey!

God bless everyone. Good times! Padayon! 

AMOY ALAK SI TEACHER (o Kung Bakit Hindi Ko na Dapat Gamitin ang Bench L' Amoreux Body Spray)

  • Student: Sir John, nakainom po ba kayo bago pumasok sa klase natin?
  • Juan: Ako? Hindi ah! Bakit ko naman gagawin yun? At paano mo naman nasabi?
  • Student: Amoy alak po kasi kayo.
  • Juan: (Smells Breath) Hindi naman ah? Amoy mouthwash nga.
  • Student: Hindi po. Yung damit niyo po.
  • Juan: (Smells his polo). Ah, hindi alak yan. Pabango ko yan. Bench L' Amoreux body spray.
  • Student: Ganun po ba? Amoy alak po kasi.
  • Juan: (Scratches head, smiles and thinks of changing his body spray.)

WEATHER WEATHER LANG! :)

Noong bata ako, madalas akong sermunan ng aking mga magulang at mga guro. Makulit kasi ako noong bata ako.

At nagpapasalamat ako sa kanila dahil sa mga sermon na iyon, natuto ako. Lumago ako bilang tao. Sila ang humubog kung sino at ano si Juan ngayong siya ay twenty-ish years old na.

Pero mababago ang takbo ng buhay bukas.

Ako naman ang magbibigay ng sermon.

Speaker ako sa isang paaralan dito sa Los Baños kung saan magkakaroon ng Lenten Recollection para sa mga guro at magulang. At ako ang naimbitahan ng mga madre at ng aking Kura Paroko para magbigay ng mensahe at reflections.

Ako naman ang susubok na “maghubog” sa kanilang buhay, na magbigay ng input tungkol sa pagmamahal ng Diyos lalo na ngayong panahon ng Kuwaresma.

Patnubayan nawa ako ng Maykapal bukas sa aking gagawin.

At ikaw na nagbabasa bito, ipanalangin mo si Juan.

Magdasalan tayo. Mahal tayo ng Diyos. Padayon!

I will give a Lenten Recollection to Parents and Teachers - with Less than 24 Hours of Preparation.

Oh yes. You have read that right. You see, my Parish Priest loves surprises. And I am one of his guinea pigs (wink!).

The Parish secretary called me this morning and said that I will give a recollection to Parents and Teachers tomorrow at 9 in the morning.

Ugh! With less than a day of preparation.

In the seminary, we were taught to have a foresight. That is, to prepare and anticipate things ahead of time.

But we were also taught to be obedient. And obedience, in our field, has no excuses.

So I have to prepare for my talk (considering that I still have a meeting tonight at 7-10PM). My Parish Priest trust me that I can share my reflections and deliver God’s message to these people.

And I pray to god that He will send the Holy Spirit to enlighten my mind and strengthen my will.

Buti na lang at nakapangumpisal ako kagabi. I’m in a state of Grace.

Make this Lenten season a fruitful and a holy one. God bless everyone.

BLESSED. This is my way of celebrating the first year of eviction from the seminary. Instead of being an emoterong frog all day, I spent my day giving recollection to the Grade 6 Students of San Antonio Elementary School, San Antonio, Los Baños, Laguna.
And it’s for free. Pro Bono. Wala akong honorarium. Pakain lang. 
I love to give talks, retreats, seminars and recollections because I want to be a part of their character formation and I want to share my thoughts and reflections to these students. Indeed, I am so blessed.
Do you want me to be the speaker of your retreat/recollection? Please send me message. ;)

BLESSED. This is my way of celebrating the first year of eviction from the seminary. Instead of being an emoterong frog all day, I spent my day giving recollection to the Grade 6 Students of San Antonio Elementary School, San Antonio, Los Baños, Laguna.

And it’s for free. Pro Bono. Wala akong honorarium. Pakain lang. 

I love to give talks, retreats, seminars and recollections because I want to be a part of their character formation and I want to share my thoughts and reflections to these students. Indeed, I am so blessed.

Do you want me to be the speaker of your retreat/recollection? Please send me message. ;)

Bakit Ako “Pinalabas” ng Seminaryo?

Today, March 17, I commemorate the first anniversary of my “eviction” from the seminary. I was advised to undergo a 2-year break. Here’s the whole story. And I hope, you will learn a lesson or two from my experience. Murder sa haba ang istorya so read at your own risk. Padayon!

«Warning»: Kung isa ka doon sa mga itinuturing ng lipunan na mga “conservative” at kung alam mo sa iyong sarili na ikaw ay ultraelectromagnetic conservative (that, my friend, is the extreme level), huwag mo itong basahin. I have a liberal upbringing, baka hindi tayo magkasundo. May mga bagay-bagay na nakasulat dito na taliwas sa iyong paniniwala.

Kung namulat ka sa mga isinulat na obra ng mga Catholic at Christian preachers at hindi mo gusto ang satire, maangas at straight to the point na istilo ng pagsusulat ng aking mga idolong manunulat na sina Eros Atalia, Bob Ong, Jose Lacaba, Lourd Ernest Hanopol-De Veyra, Chip Tsao (joke lang!) at Joey Dizon, huwag mo itong basahin.

Kung sarado at nakakahon na ang iyong pag-iisip, hindi bukas sa posibilidad ng pagbabago, at wala ng ibang pinapakinggan kundi ang mayabang na sarili, huwag mo itong basahin.

Kung isa ka doon sa (mga) mainit ang dugo sa akin, na itinuturing ako bilang isang hopeless na nilalang, mayabang, maangas, at palagi kang kinakalaban, huwag mo itong basahin.

Binalaan na kita. Kung isa ka sa mga nabanggit sa itaas, mangyaring mag-browse ka na lamang ng ibang site. Bilang isang tao, mayroon kang kalayaan. Hindi kita pinipilit na basahin ito. (Hihiramin ko ang pamosong linya ng aking kaklase at kaibigang itago na lang natin sa pangalang “Michael Phelps.” Madalas niyang sabihing “Kung ang Diyos nga, hindi kayang pakialaman ang freedom at free will ko, ikaw pa kaya.” You see my point? Gamitin ang natutunan sa philosophy.)

Pero kung isa ka doon sa maraming mga taong naghahanap ng kasagutan at nagtatanong ng “tunay na istorya” ng “pagpapalabas” sa akin sa seminaryo, narito na ang kasagutan.

Pinili kong isulat ang aking istorya dahil ayoko nang paulit-ulit pa itong ikuwento. Maaari kasing sa paulit-ulit na pagkwento, ay maiba, ma-fabricate, at ma-exaggerate ang mga detalye. Tutal, “nakilala” naman ako bilang nagpapahayag ng saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat, pangangatawanan ko na.

Isinusulat ko ito upang magkaroon ng kaliwanagan ang mga taong walang kaliwangan ang isipin at kung anu-ano ang iniisip na dahilan ng pagpataw sa akin ng mga pari ng “supplementary regency.” Kesyo may girlfriend daw ako (I wish I had one!) o dahil nagdala ako ng cellphone way back (see my blog entry “Confessions (this is not Augustine’s)” for that matter).

Medyo mahaba ito dahil madaming mga bagay ang “ibinato” sa akin. Pagpasensyahan niyo na. Heto na:

Prelude. March 17, 2009, bumalik kaming walong (8) magsisipagtapos sa seminaryo matapos “magpahinga” sa aming mga bahay matapos ang aming retreat. Desedidio na kami (in a way) kung ano ang mga landas na aming tatahakin matapos ang graduation. Naisulat ko na nung retreat sa aking “letter of intent/application” na “…I have decided to continue to the Theology Department under the same Patron Saint and eventually serve the Archdiocese of Lipa in the near future…”. Sa madali’t sabi, desidido na akong tumuloy sa Theology Department pagkatapos ng graduation. Ang hinihintay ko na lang noon ay ang recommendation ng mga pari – ang “huling barikada” sa aking pagtuloy sa Theology Deparment.

Pagkabalik ng seminaryo, binigyan kami ni Father Rector ng “Self-Evaluation form.” Ang laman nito ay katulad din ng sa Peer Evaluation, ang twist lang, as the name implies, ay i-e-evaluate naming ang aming sarili. To be honest, kung hindi mo talaga kilala ang iyong sarili, mahihirapan kang ito ay sagutan. Pagtutugmain ang evaluation mo sa iyong sarili sa evaluation ng mga superiors at kasama mong seminarista.

Ano ang laman ng Self-Evaluation Form? Ang evaluation form ay nahahati sa iba’t ibang bahagi. Ang unang parte ay ang “positive qualities you naturally possess.” Ang ikalawa ay “positive qualities you have shown noticeable improvement.” Mayroon ding “As a maturing young man, I need to acquire this positive qualities…” at “As attracted to the priesthood (my rating__), I need to acquire these positive qualities…”. Sumunod ay ang rating ng 21 qualities na tugma sa apat na haligi ng pormasyon sa seminaryo (Spiritual, Pastoral, Intellectual, at Human Formation). Then ilalagay mo din ang rating mo kung gaano ka ka-attracted sa pagpapari at ang mga “practical action plans” mo to attain your goal. Kung inaakala niyong mahirap pa sa bar exams yung self-evaluation, don’t freak out. Isang pahina lang yun at madaling sagutan kung lubos mong kilala ang iyong sarili.

Hindi alphabetical order ang pagpapatawag sa amin. Medyo kapuna-punang nasa huli yung mga “gigisahin” at “madaming “puwedeng pag-usapan” (at isa na ako doon, ako ay pang-anim sa walong pinatawag).

Enter the Dragon. Noong oras ko na, pumasok na ako sa pamilyar na opisina ni Father Rector at umupo doon sa komportable niyang upuan sa harap ng kanyang lamesa (medyo suki na ako ng upuang iyon, kaya medyo umayon na ang aking katawan sa pag-upo ng komportable). As usual ay nakangiti si Father, at ang una niyang pinansin ay ang aking bagong hairstyle – mula semi-kalbo na naging barbers at medyo flat top. Tinanong niya ako kung bakit ako nagpagupit. Sinabi kong bukod sa pangit mag-martsa sa graduation ng kalbo ay gusto kong gayahin at bigyang pugay ang yumaong master rapper na si Francis M…yeah! (Sabay tawa ni Father Rector).

Serios Part – Do I Know Me? Matapos humupa ang tawanan ay pareho na kaming nag-transform ni Father sa serious mode. Nagsimula ang lahat doon sa discussion namin sa unang parte ng evaluation form. Yung tungkol sa “Positive Qualities I Naturally Possess.” Kapag nasagutan mo ito ng tama, ibig sabihin ay mayroon kang sapat na self-knowledge. Pwede mo ng sabihing “I Know Me.”

Dalawa ang hininhingi ng evaluation form. Ang inilagay ko ay Creativity and Being Idealistic  at Passion to Explore New Things. Ayos naman, maraming tao sa loob ng
Bahay ni Kiko ang sumasang-ayon na ganoon nga ako at alam ko naman sa aking sarili na ganoon nga ako. Ayos, maliwanag sa akin na ako ay creative at idealistic sa mga bagay-bagay at pananaw sa buhay (yeah!).

Non Sequitur?It’s an accepted fact that I am creative, idealistic, and always yearning for something that is new. Mangyaring tandaan ninyo ang talong bagay na ito dahil ditto lahat iikot at uuwi ang mga bagay-bagay sa aking evaluation – sa mga bagay na natural na nasa akin.

Sa pagiging creative at idealistic ng isang tao, natural lamang na palagi siyang naghahanap at nag-iisip ng ano mang “bago” at “hindi tipikal.” Sa kadahilanang ako nga ay creative at idealistic, tinanong ako ni Father kung ano pa sa tingin ko ang mga salita na puwedeng mag-fit kapag sumobra ang pagiging creative at idealistic. Sinabi kong “radical.” Hindi daw. So para pa kaming naglaro ng Wheel of Fortune sa paghula ng mga letra. Dahil nararamdaman kong hindi na maganda (para sa akin) ang mga susunod na kabanata, nablangko ang isip ng kinikilalang creative. Sa banding huli ay na-decipher ko din, liberal pala ang salitang kanyang pinapahulaan. In a way, inaamin kong “liberal” nga ako (sa ilang mga bagay-bagay at pananaw sa buhay). Ngunit sasabihin ko ring hindi naman lahat ng aking mga pananaw sa buhay ay liberal. Hindi lahat ng bagay ay gusto kong lagyan ng aking “creative at idealistic touch.”

At sa pagiging liberal, isang katangiang nag-ugat sa aking pagiging creative, idealistic, at ang pagnanais sa mga bagong bagay, “umusbong” ang iba’t iba kong mga katangian, ugali, at pananaw na naging “catalyst” ng eviction ko sa seminaryo. May nakita ka bang logical order? Does it necessarily follow? You decide.

Ang Lahat ng Bagay ay Magkakaugnay. Sa pagiging liberal (oo na, payag na), umusbong ang iba’t-ibang “accusations” laban sa akin. Narito ang mga iyon:

» The Rise Against – Dahil medyo liberal nga, nasa mindset at ibang salita at gawain ko ang maging “kakaiba.” I strike my own path. How can I make a difference if I go with the flow? Kaya iyon, ang nangyari sa akin ay “I go against the flow” at “I go against what is stereotypical.” At dahil dito, parang domino effect na sumunod ang ibang mga bagay.

» Express Yourself – Medyo kakaiba ang “taste” ko pagdating sa sining. May mga kanta akong pinapakinggan na hindi ma-appreciate ng iba katulad ng Radioactive Sago Project ni Propeta Lourd de Veyra (ikaw ba naman nag magkaron ng album entitled “Tanginamo andaming nagugutom sa mundo fashionista ka pa rin!”). and I admit, na inamin ko din naman kay Fr. Rector, na “wala” akong “distinction” ng art at pornography. Yung mga X-rated na movie ay tinatawag kong “art film.” (Natutunan ko lang yun kay Direk RA Rivera. Di mo siya kilala? Award-winning director yun ng mga music videos, TV Shows, at effects man ng ubod ng luput na bandang “Pedicab.”). Bale yung “kawalan ng distinction” ko ng porno at sining ay kadalasang “biro” lamang at kung minsan ay paraan ng pagpapatawa, sineryoso naman ng iba. Ayos! Naging mitsa pa ng eviction. (Hindo ako defensive, nagpapaliwanag lang).

Avid collector din ako ng PULP Magazine (Music/Style in Your Face!) at kilala ang magazine na yun sa malulupit na art design, theme, at pictorial. Kaso, merong na-misinterpret yung pagbabasa ko minsan ng isang issue nun. Sabihan ba namang “Satanic” dahil nagkataong medyo dark and crimson yung kabuuan ng theme for that issue. To add up, metal band pa ang naka-feature na nagngangalang “Sin” (ni Charles Daza). Ayos! Satanic na pala ang PULP. Iapaliwanag mo yan sa libu-libong Pulperos, tingnan natin kung may maniwala.

Doon nga pala sa isang parte ng evaluation form, kung inyong matatandaan ay mayroong 21 qualities na tugma sa apat na haligi ng pormasyon sa seminaryo. Isa doon ay ang “tactfulness.” Doon sa rating, iyon ang lowest na ibinigay ko sa aking sarili. Alam ko at alam ng Rector na mababa nga ako doon. Kung minsan kasi ay reckless ako sa pagsasalita. Dahil reckless, katulad ng pagmamaneho, ay mayroong mga nasasagasaan. Straight to the point ako kung magsalita. Kung ano ang nararamdaman, kailangang ilabas, kailangang ipahayag. Outspoken. Kapag sumobra, ay hindi maganda.

» Nagtataeng Bolpen – isa na siguro sa “imahe” na iniwan ko sa loob ng seminaryo ni Kiko ay ang pagbansag sa akin ng karamihan bilang isang “manunulat.” Tatlong termino din kasi akong naging punong patnugot (yun ba ang English sa editor-in-chief?) ng malupit pa sa L Magazine ng De La Salle-Lipa (yeah!) na The Prolegomenon.  

Anyhoo, dahil nga medyo “liberal” e maangas din ako sa pagsusulat (hindi mo pa ba nahahalata?). Katulad nung “Tulfo guy” (kung sino man yun, pare-pareho naman sila) at Conrado de Quiros na mga manunulat sa Philippine Daily Inquirer, ay mayroong mga “nababangga” ang aking mga isinusulat. Kung hindi man tao at indibidwal, binabangga din nito ang ilang mga nakagisnang istilo ng mga konserbatibong mambabasa.

Hindi ako mahilig sa mga “sugar-coated” na salita. Diretso kung diretso. Straight to the point ika nga. Bayag kung bayag. Hindi ko na kailangang isulat na “scrotum-covered-thing-responsible-for-the-reproductive-operation-of-a-fertlile-and-matured-man organ.” Bukod sa mahaba, gusto ko kasi na kapag nagsusulat e yung madaling maiintindihan ng aking mga mambabasa. Sa pagiging “creative” ko, hindi ko na pinapakialamanan kung merong mga mambabasang may phobia sa salitang “bayag.” Kung interesado kayo dun sa mainit kong artikulong iyon, tingnan niyo yung blog entry ko entitled “War of Testicles.” (Trivia: Lowest reflection paper ko ang “War of Testicles”, binigyan lamang siya ng grade na “A minus.” Mas may substance naman kumpara dun sa iba kong papers, nahila lang siguro ng bigat ng “scrotum-covered-thing-responsible-for-the-reproductive-operation-of-a-fertlile-and-matured-man organ.” Iyon naman ay opinion ko lamang.)

Pasensya na nga pala sa salitang “nagtatae” sa itaas. Iyon ay terminolohiya kong naisip para sa isang katangian ng manunulat na katulad ng nabanggit sa itaas. Isang manunulat na may nagatataeng bolpen at kung saan-saan kumakayat ang angas at ideya na tinta, nagiging makayat, at mahirap, kung hindi imposible, na tanggalin.

»Tough Guys…Wear Pink?! Tinanong ako ni Father Rector kung ano daw ang pananaw ko sa pananamit. Sinabi kong hindi naman ako yung nakikiuso, kontento na ako sa shorts at t-shirt kapag lumalabas ng bahay (at alam iyon ng mga tunay na nakakakilala sa akin). Medyo pinaikot pa ng niya ng konti hanggang sa dumating din kami dun sa punto niya.

Way back kasi in third year e meron akong primary pic sa friendster. Naka fuchsia pink polo-shirt, naka “Uma head band” (yung colorful na headband na pinauso sa boob tube ni Uma ng PBB), at may caption na “tough guys wear pink.” Ano daw ang nasa isip ko naoon? Sinabi kong to show the netizens and other people na ang pink ay hindi lamang para sa babae, na babasagin ko ang stereotypical at established na pananaw na ikinahon ng lipunan na ang pink ay para sa babae. Iyon! Strike na naman. Going against the flow. Sinasagasa ang “established norm” ng lipunan. Liberal.

Kung hindi niya daw ako kilala ay iisipin niyang bakla ako dahil nag-pose at nag-post ako ng ganoon. Tumawa na lang ako. Pero maitanong ko lang, di ba nagkalat ang mga ganoong t-shirt? Na madaming emo, punk, at posers na binata ang nagsusuot ng pink? Na hindi porke’t nag-pose ng “statement” e ganoon ka na? iiwanan kong nakabitin ang katanungang iyan (naks! “hanging question”).

»A Growing Sub-Culture – Heto na ang pinakamasayang parte. Dito kami nagtagal (ng konti) ni Father Rector. Talagang nilagyan ito ng “emphasis factor.” Hindi kaila sa atin na madami ang mga naglipanang babae na nakakulong sa katawan ng lalaki. Sige na, maraming naglipanang bakla / bading / PGH (pa-girl na halimaw), binabae, bayot, bake-la sa lipunan. Hindi rin kaila sa inyo na kahit sa mismong Presbyterium ay may mga mapagpanggap na matipuno (huwag na kayong magtaka, sa seminaryo nga ay mayroong mga naliligaw at nakakalusot).

Anyhoo, tinanong ako ni Father Rector kung ano ang pananaw ko sa mga bakla. Sinabi kong mayroon silang magandang “sariling mundo” at “kultura.” Siguro ay alam niya rin na may alam akong ilang mga salitang bakla (gay lingo) kaya inokray (hehehe!) niya rin ito. Sinabi kong ang mga bakla ay mga anak din ng Diyos (nasa Catechism of the Catholic Church yun) at kailangan natin silang “intindihin” at “unawain” para maiparating sa kanila ang Salita ng Diyos – kaya iyon, “pinasok” at “inintindi” ko (ng konti) ang kanilang kultura.

Tinanong ako ni Father Rector kung ang pagiging cross dresser at transformers ba katulad ni BB Gandanghari ay paraan ng pagiging “liberal” at “expressive.” Medyo nagpaikot-ikot ako dahil bukod sa mahirap yung tanong, e medyo nalilito ako sa isasagot ko (ikaw ba naman ang tanungin ng ubod ng lupit na prof sa pilosopiya). Nakahalata yatang wala akong konkretong kasagutan ay medyo ni-rephrase niya ang katanungan. Binigyan niya ako ng situational na katanungan. Kung halimbawa daw na may estudyante ng UPLB na lumapit sa akin at nagtanong na “brader, ano po ang inyong pananaw sa mga katulad ni BB Gandanghari at sa mga ibang bakla?” Bilang naka-perfect sa final exams ng Special Ethics (kunwari ay importanteng isulat yun), sinabi kong mali ang kanilang mga homosexual acts, dahil immoral yun. Nagpalit ng gear si Father. Labas daw sa issue ang moralidad dahil alam nating lahat na immoral at intrinsically wrong yun. Ang issue ay ang pagigng expressive at kung iyon ba ay paraan ng pagiging liberal. Medyo pinaikot-ikot ko pa ulit at sa banding huli, nanaig ang pagiging conservative ko sa ilang mga bagay. Sinabi kong kung sa pagiging expressive mo, ay may nasasagasaan ka na, then its wrong, you have to stop it.

Siguro ay naintindihan na ni Father ang gusto kong iparating kaya wala ng lumabas pang follow-up question. With that, natapos ang mahabang discussion at pakikipagbuno naming sa mundo ng mga transformers na bading. Maigi naman daw, dahil kung pumayag ako ng lubusan sa “demand” ng “umuusbong na sub-culture” (term niya yun, pero para sa akin, naka-usbong at malago na ang kultura ng mga wasak na bading), something is wrong with me.  Ayos, saving factor.

Bonus Track – Kung ating babalikan, mayroong parte sa evaluation form na “practical action plans.” Dalawa din ang hinihingi. Ang una kong inilagay ay To have focus and self-control at ang ikalawa ay To practice what I have learned for eight (8) years in the seminary. Ang tinatanong ay “practical”, ang labo ng sagot ko ano?

Masyado daw “generic” ang sagot ko. Napatawa ako dahil alam kong generic at hindi masyadong paractical in the sense of being practical ang sagot ko. Ipaliwanag ko daw kung anong ibig sabuhin noong To have focus and self-control dahil yung To practice what I have learned for eight (8) years in the seminary ay maliwanag na.

Sinabi kong high school pa lang ako ay ang pagkakaroon na ng focus at self control ang goal ko. Bakit daw. Sinabi kong iyon ang pinaka-ugat ng lahat ng mga “struggles” ko sa buhay – ang kawalan ng focus at self-control. Dahil obviously, e hindi pa rin practical at direct to the point, sinubukan niyang i-decipher kung ano ang ibig kong sabihin.

Maybe, just maybe daw, ay mayroon akong goal pero bara-bara o bahala na kung ano ang kalalabasan. Medyo tama si Father doon. Isa sa mga libangan ko ay ang procrastination. Mahilig akong mag-aksaya ng oras dahil hindi ako “gumagana” kapag hindi “pressured.” In short, I am practicing the art of cramming (katulad din ng ibang mga kaibigan at estudyanteng kakilala ko). Naniniwala kasi ako sa aking ability na “gumaganda” ang mga bagay-bagay kapag nagka-cramming ako. Na meron pa akong naiisip na something new, something creative, at something great kapag under pressure ako. Ayos hindi ba? Pero sa paglalagom sa akin (anlalim!) ay hindi iyon masyadong ayos.

Tinanong pa niya ako kung anong mga praktikal na bagay ang puwede kong gawin. Naisip ko yung passion ko sa visual arts at photography. Dahil nga mayroong mga hindi matanggap yung uba kong choice sa visual arts, I decided na gamitin din yung passion na iyon para sa aking “pagbabago.” Ganito yung sinabi ko kay Father Rector. Gusto kong sumali doon sa photography contest dito sa eLBi, iyong “Turismo Los Baños.” Imbes na tipikal na Peyups, Laguna Lake at Mount Makiling lamang ang entry, ang gagawin kong entry ay iyong mga simbahan at religious images dito sa eLBi. Para bang, may halo ng evangelization ang art (Naks! Kabanalan!).

Hindi ko na matandaan kung paano ito naikonekta ni Father Rector pero lumabas din yung “pamamalagi ko sa aking comfort zone.” Dati kasi ay may iniwan sa aking hamon si Father. Kapansin-pansin kasi na ang mga committee kong hinahawakan ay iyong mga “magaan” sa akin. Kung saan ako komportable. Mahilig ako sa pagsusulat kaya kinukuha ko ang committee on publication. Hindi ko sinusubukan ang ibang mga bagay, ang ibang mga committee na hindi ko forte. Iyon, dapat daw ay sinusubukan ko ang ibang mga bagay-bagay. Tama yung conference ni Father dati sa amin, we have to hit the opposites in our life to strike the balance.

The Premonition – Malinaw na sa akin ang mga “issues” tungkol sa aking mga sarili. Ang mga “bagay-bagay” ay sa akin nanggaling. Sa isang analogy, napiga na ang katas. Ang mga issues ang katas, ako ang prutas, at si
Father ang tagapagkatas (o ang pumiga, ginamit ko lang yun para may rhyme, yeah!). Walang duda, sa akin nanggaling ang mga bagay-bagay, sa mga labi ko namutawi, at naiintindihan ko ang mga sinasabi ko.

Dati, sa isang “shepherding sessions” namin ni Father bago mag-comprehensive exams (o “revalida”) ni Father kung ano ang gagawin ko kung “huli” na ang ginagawa kong “pag-aayos sa aking sarili”? Sinabi kong “life must go on” para sa akin. Masakit ngunit kailangang tanggapin ang katotohanan. Sinabi ko ang mga plano ko if ever, ang magtrabaho at magmina ng kayamanan, ipagpatuloy ang aking pagsusulat, i-pursue ang passion ko sa photography at ituloy yung napurnada naming planong “statement shirts” business ni Sancho Noel C. Cabatay, isa ring seminarista. (Sancho, pasisikatin ulit kita dito!).  Hindi ko alam na ang plano ko palang iyon ay kailangan kong ituloy sa pagbababa ng hatol sa akin.

The Verdict – Kahit nakasulat sa aking ‘”letter of intent” na gusto kong tumuloy ng Theology Department, kailangan muna itong “pigilan” ng mga pari, ng aking mga formators, ng aking mga tatay. Kinakailangan ko munang “ayusin” ang mga issues sa aking sarili sa labas ng seminaryo. Kinakailangan muna akong “palabasin” para mapunan ang mga “kakulangan” sa akin. Pinatawan nila ako ng dalawang taong “supplementary regency.”

“Supplementary Regency” ang ipinapataw doon sa mga seminaristang malinaw ang atraksyon sa pagpapari ngunit kailangan munang punan ang mga pagkukulang sa kanilang sarili. Dalawang taon. Kinakailangan ko pa ring magreport sa seminaryo, para ma-update ang aking mga formators sa kung ano mang “development” sa akin.

Iyong “ipinakita” ko kasing pagbabago ngayong fourth year ay nasapawan ng talong taon kong hindi-masyadong-matamis na imahe. Nakakagulat daw. Baka nabibigla lamang ako. Ikinumpara iyon ni Father Rector sa isang magkarelasyon, isang babae at isang lalake, na tatlong taong “nagloko” ang lalaki, tapos bigla niyang sasabihin sa ika-apat na taon na siya ay “nagbago” na at nagyayang magpakasal? Nakakatakot hindi ba? Kaya dapat ko munang “ayusin” ang aking sarili sa labas.

Opportunity ang “tunay na mundo” na malayo sa “comfort zone” ng seminaryo para lubusan ko pang makilala ang aking sarili. Subukan ko ang daw ang “ibang lasa” ng buhay. Exciting nga daw ako e, alam niyang maraming mga possibilities at unexpected things ang puwedeng mangyari sa akin. Subukan ko din daw mag-girlfriend para malaman ko kung para saan talaga ako. (I admit, single-since-birth ako e! Hindi ko kasi priority ang pagkakaroon ng kasintahan…naks!).

Hindi ako umiyak noong sinabi sa akin ang hatol. Napasandal sa reclining chair at tinanggal ko lamang ng bahagya ang salamin ko dahil medyo nasisilaw ako doon sa kanyang ilaw sa lamesa. Pinaghandaan ko na ang mga possibilities sa akin.

Ang tanging nasa isip ko na lamang noon ay kung paano ko sasabihin sa aking mga magulang, kaibigan, at sa mga taong umaasa na ako ay tutuloy sa Theology  na ako ay pinatawan ng regency. Mahirap. Lalo na kapag duper ang expectation sa iyo ng ibang tao. Mas pinroblema ko noon kung paano ko sasabihin sa aking mga magulang, alam ko kasing mabibigla sila.

Ultraelectromagnetic Curiosity – Matapos noon, tinanong ni Father kung bakit ko daw naisipan ang “pagbabago.” Kung ano ba daw ang nag-push sa akin to undergo change. Sinabi kong noong ako ay naging sesionista (ng bongos) at dumalo sa Eucharistic Celebration ng Neo Catechumenal Way (Tingnan niyo yung blog entry ko entitled Ultraelectromagnetic Experience).

Kung pamilyar kayo sa Neo, alam ninyong medyo weird ang kanilang celebration, parang kulto at ang kanta ay parang pang-rebolusyonaryo ang tono. Kung hindi naman, tingnan niyo sa You Tube yung ibang video clips nila. Sinabi sa akin ni Father na hindi kaya, baka lamang ako na-engganyo sa Neo ay dahil curious ako at “kakaiba” ang kanilang pagdiriwang? Because it’s not the usual? Baka offshoot ng katangian ko na “to look for something new and different.” Tanging “siguro” na lamang ang naisagot ko.

A Different Methodology – Bilang isang creative (pangangatawanan ko na) at palaging gumagamit ng kakaiba, kapag nagpapa-recollection ako ay gumagamit ako ng “lengwahe” na maiintindihan ng mga kabataan na aking tinuturuan. Karamihan, kung hindi man lahat, ng kabataan ngayon ay mahilig sa musika, particular sa mga banda. Kaya naman, gumagamit ako ng mga kanta ng mga sikat na banda na may malalim na mensahe at alam kong maiintindihan ng mga kabataan.

Halimbawa, kapag ang module ko ay ang “Hands”, ginagamit ko ang kantang “Sala” ng banding Pupil ni Ely Buendia. Maganda kasi ang liriko at mensaheng ipinaparating ng kanta. Iyon bang “Tara na’t sumama, sa mundong puno ng sala…isa lang ang iyong mundo, wag mong tatapusin, tawag ka’t nandiyan na ako, sinong hahabulin..kinabukasan nakasalalay sa iyong mga kamay.” Tapos sabay paliwanag na “kahit ano man ang “sala” na dumating sa ating buhay, huwag natin itong tapusin, dahil ang kinabukasan natin ay nakasalalay sa ating sariling mga kamay.” Ayos hindi ba? Sound trip na may lesson.

Pero dahil nga “wala” (payag na kahit papaano) akong distinction sa porno at sining, may pagka-liberal at kakaiba, binigyan ulit ako ng scenario ni Father Rector. Paano daw, baka lamang, kung gawin ko na kapag ako ay nagpaseminar sa kasal (pre-Cana) ay gumamit ako ng kakaibang metodolohiya ng pagpapaliwanag? Ganito ang ibinigay niyang halimbawa: What if ipapanood ko daw sa mga ikakasal ang isang porno para ipakita ang pagtatalik na walang love at isa pang eksena ng pagtatalik na medyo modest para ipakita ang pagtatalik sa konteksto ng kasal? To show the difference of sex within marriage and outside marriage? Puwede nga namang mangyari iyon. Pero promise, hindi pa iyon sumasagi sa aking isipan. Doon siguro sa mga nakakabasa nito, why don’t you give it a try? Biro lamang. Oo nga’t naiparating ko ang aking mensahe, katulad ng isang paring nagmumura at kung ano-ano ang sinasabi sa pulpito, ngunit magtataka at magtatanong ang mga tao. Hindi kasi lahat ay tatanggapin at mauunawaan ng lubusan ang ganoong paraan ng pagpapaliwanag. Hindi lahat ng tao ay liberal. You cannot force everybody to understand what you are trying to deliver or explain.

Epilogue – Marami pa kaming napag-usapan ni Father Rector, mostly ay mga katanungan, kung anong reaksyon at plano ko, nasabi ko rin sa kanya yung “takot” ko sa mga posibleng mangyari sa loob ng dalawang taon at kung makakabalik pa ba ako, pero pinili kong ang ikuwento na lamang sa inyo ay ang dahilan ng aking eviction sa Bahay ni Kiko

Pumasok ako sa kuwarto niya ng mag-a-ala cinco ng hapon at lumabas ako ng 6:15 ng gabi. Pagkatapos noon ay dumiretso na ako ng Kapilya kung saan ang mga seminarista ay tahimik nang nagdadasal. Marahil ay batid ng iba ang “kinahinatnan” ko dahil bakas sa aking mukha ang kalungkutan. Tahimik akong pumunta sa aking kneeler at pumunit ng maliit na piraso ng papel at nagsulat ng “Pare, regency ako ng dalawang taon, tulungan mo akong maghanap ng trabaho…” at ibinigay kay Monra na nakaupo sa aking likuran. In return, isinulat niya na “okay lang yan pare, ganyan talaga ang buhay, magpakatatag ka…”. Doon, sa kinauupuan kong iyon, natutunan ko ang tunay na kahalagahan ng mga taong makakaramay mo sa buhay. Pagkatapos, tahimik akong lumuhod at kinausap ang Diyos.

Isinusulat ko ang artikulong ito upang magkaroon ng kaliwanagan ang mga isipang walang liwanag dahil hindi ito nagpapaliwanag o nagbibigay liwanag kapag hindi lumiwanag mga isipang walang kaliwanagan.

Sa huli, nais kong iwanan sa inyo iyong isinulat ni Rick Warren sa kanyang librong “Purpose-Driven Life.” Lahat tayo ay may purpose. Ang mga nangyayari sa atin ay hindi aksidente. My personality, your personality, their personality is not bad, it’s just different.

Iiwanan ko ang artikulong ito na nagbibigay ng hamon sa aking mga mambabasa. Nawa ay may natutunan silang mga aral mula sa aking karanasan.

Ang buhay ay magpapatuloy para sa akin. 19-anyos lang ako. I have a life ahead of me. Ang “eviction” ko ay hindi ang katapusan. Isa itong paanyaya ng bagong simula. Magpapatuloy ang buhay. Padayon!

Oh Haters, I thank Thee!

Isa sa pinaka-gasgas na kasabihan ay ang “you cannot please everybody.”

Tunay nga naman, hindi lahat ng tao ay matatanggap ka. Hindi lahat ng tao ay matutuwa sa iyo. Hindi lahat ng tao ay pupuri sa ginagawa mo. Darating at darating ang pagkakataong may hindi matutuwa sa iyo.

At napatunayan ko na yan sa loob ng walong (8) taon ko sa seminaryo. Madami na akong napagdaanan doon. Madami ng hindi masyadong natuwa sa akin. Madami ng nagbagsak sa akin sa evaluation.

Pero nagpapasalamat ako. Dahil in a way, nalalaman ko ang pagkakamali ko. At in a way, nalalaman ko kung ano ang dapat kong ayusin sa aking buhay. Kung sa anong aspeto pa ako dapat magpursigi.

At sa mga hindi natutuwa sa akin, maraming salamat. Sa mga kritiko at namumula, maraming salamat.

Sabi nga noong mentor ko, katulad ng isang restaurant na humihingi ng feedback sa mga customer, dapat nating isaisp na hindi iyon para siraan ang restaurant kundi para mas mapabuti pa ang serbisyo.

At ganyan din sa buhay. Ang mga puna at mungkahi ay paraan para mas tumibay ka sa laban ng buhay.

Pag-ibig at kapayapaan para sa lahat. Padayon!

BETTER THAN WHITE DAY

Sorry guys. I do not intend to ruin your day (or your night). Especially those who attended the White Day at The Fort.

Actually, I suffered from ultraelectromagnetic envy for those who attended the much-awaited event for the magta-Tumbling of the Republic of the Philippines (Well, not The Philippines. Mostly Metro Manila and Greater Manila Magta-Tumblings lang).

You see, if and only if na malapit lang ako sa The Fort (I’m from Los Baños), nakapunta na ako dun to have fun with you and to actually meet new people.

Pero hindi lang distance ang problema. Madali naman yun. 

You see, may klase ako sa mga bata kaninang hapon (Alright, almost 30 minutes akong late dahil tinapos ko pa ang laban ni Manny Pacquiao. May pay-per-view kasi kami sa bahay).

Yung mga bata na hindi ko maiwan dahil walang magtuturo sa kanila.

Yung mga batang umaasa sa akin.

Yung mga batang palagi kong kasama.

Yung mga batang may natututunan din akong mga aral sa kanila.

And I think, in my opinion, my presence to these kids is better than the White Day.

Sana magkaroon ulit. This summer para bakasyon na ang karamihan sa mga students? (I noticed na parang puro mga college students at mga baby face ang umattend. Wink!) At sana mas mahaba ang preparation at mas detailed. Para makapunta yung mga outside the greater Manila area. Do you think that’s a good idea?

Well, congrats sa mga nakapunta. I hope na nag-enjoy kayo.

Nag-enjoy din naman ako - kasama ang mga estudyante ko.

Good times! Padayon!

Let’s Blame the COMELEC!

No, this is not the stupidities of the COMELEC per se. Well, sort of. You’ll understand as you read this article.

Nakausap ko kanina yung katekista na sanhi ng aking Ultraelectromagnetic Failure noong Huwebes. Iyong hindi ako sinabihan na kanselado pala ang recollection at pinaghintay ako ng matagal sa isang Public School dito sa Los Baños.

Sinabi niya sa akin na biglaan daw kasi na kinansela ng school ang recollection dahil may pa-seminar ang COMELEC sa mga teachers na magiging Board of Election Inspectors sa Mayo.

Alright, let’s blame the effin’ COMELEC! Sinabi niyang hinarang daw ng Department of Education at ng Commission on Election ang schedule na para sa recollection ng mga estudyante.

We cannot blame the public school, kailangan nilang sumunod doon sa nasa itaas. And then the catechist goes intoi a litanya na “hinaharangan daw ng mga makamundong bagay ang gawaing pang-kabanalan.”

True enough, dalawang ibang public school pa kasi ang nagpa-kansela ng recollection dahil sa mga activities na related sa 2010 elections. Kesyo may activities ang teachers at hindi matututukan ang mga estudyante.

True enough. Naaawa ako sa mga public school students. Minsan na nga lang sila mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng recollection, mahaharang pa at makakansela.

Masuwerte yung mga nasa private schools. Meron silang pagkakataon na magkaroon ng recollection at walang makahaharang na ahensya ng Pamahalaan. Malaya ang administration na gumawa ng sariling schedule. Kaya kayong mga estudyante na nasa private schools, masuwerte kayo.

Huwag niyong palalampasin ang mga pagkakataon na meron kayong mga activities na gaya ng recollections at retreat. Pagkakataon yan para makapag-reflect sa inyong mga buhay at panahon din yan para makapag-dasal at makapagbalik loob sa Maykapal.

Pero ang punto ko ay hindi pa rin nila ako sinabihan na kanselado pala ang recollection. Pinaghintay pa rin nila ako doon kahit umuulan at maputik. Boo!

Pag-ibig at kapayapaan para sa ating lahat. Padayon!

SI JUAN AT SI “SPONGEBOB”. This is me and my good friend/pare whom I baptized as “Spongebob” (for obvious reason that she likes Spongebob Squarepants). This photo was taken on July of last year. And the last time that I saw her was on October 24, 2009. Ugh! Five (5) long months Pare! Ang tagal na!
But hopefully, I will finally see her tomorrow during the independent film festival organized by their department on DLSL.
I hope to see you pare. But for now, I will just stare at our picture. (Fingers crossed).
Yes. We call each other “Pare”. Cool eh?

SI JUAN AT SI “SPONGEBOB”. This is me and my good friend/pare whom I baptized as “Spongebob” (for obvious reason that she likes Spongebob Squarepants). This photo was taken on July of last year. And the last time that I saw her was on October 24, 2009. Ugh! Five (5) long months Pare! Ang tagal na!

But hopefully, I will finally see her tomorrow during the independent film festival organized by their department on DLSL.

I hope to see you pare. But for now, I will just stare at our picture. (Fingers crossed).

Yes. We call each other “Pare”. Cool eh?

ULTRAELECTROMAGNETIC FAILURE!

No dear. This is not about the Eraserheads. I love them and I don’t think na failure ang pag-disband nila.They had their awesome contribution to our culture and the industry and let us just leave it there.

This is about me. And the EPIC FAILURE that happened on this day.

You see, I was asked to give a recollection in a public school here in Los Baños. Three (3) weeks pa lang before the date ay sinabihan na nila ako. Good enough. Para naman makapaghanda ako.

And then I prepared. Even to the point of sacrificing my time to take care and to be with my beloved Lolo Antonio who is very sick and dying.

But merciful comos! It all turned into a crap.

I went to the school kahit umuulan at maputik - all for my love for sevice to the students (Hindi ko naman alam kung may honorarium o wala. Hindi ko naman hinahabol yun.).

And I waited.

And I waited for some more.

Hangang sa nabagot na ako at sinubukang tawagan ang office ng Simbahan. And it turned out na kinansela pala kahapon, Thursday, ang recolletion.

At hindi nila ako ini-inform gayung ako ang facilitator.

Pang-asar lang ano?

And so umuwi na ako at nagpasyang dumaan sa office ng Parish para itanong kung bakit hindi ako in-inform ng coordinator-catechist. Kaso sarado pa siya kaya andito ako ngayon sa computer shop sa Robinson’s Town Mall Los Baños na katapat lang ng Simbahan at isinusulat ang arikulong ito.

Here’s the thing: Isa sa pinakamagandang paraan ng pag-respeto sa kapwa ay ang pag-respeto ng kanyang oras.

Limited ang oras ng tao. Tumatakbo ang oras. Maraming nasasayang. At sa mga oras na nasasayang, marami pa sanang makabuluhang bagay na puwedeng gawin.

Respeto lang kaibigan. Iyong simpleng hindi pagiging late sa tagpuan ay malaking bagay na at nagpapakita ng respeto. Ano pa kaya yung mismong pagsipot sa itinakdang appointment?

Respeto. Paggalang. Basic na mga bagay lang yan kaibigan.

Sa bandang huli, ayokong magalit at masira ang buong maghapon ko dahil sa isang bagay na puwede namang palampasin. Smile pa rin. Relax pa rin. Optimistic pa rin.

Sabi nga ng dakilang si John Maxwell, “Do not let the situations mean more than the relationship.”

Magpapatuloy ang buhay. Pag-ibig at kapayapaan para sa lahat. Padayon!

Memoirs of the Eraserheads

I grew up listening to the songs of The Eraserheads, or shall I say, to the noise of the Eraserheads from our neighbor’s (actually my cousin’s) explosive stereo. The Eraserheads – and any form of “musical noise” up to the third degree of audibility – is a big no in our house. You see, my mother hates rock music back in the day. I just satisfy myself hanging out in my friends’ and neighbors’ house where Eraserheads is not censored, jamming and head-banging in the tune of our favorite Eraserhead songs.

Perhaps, this is my biggest regret as an Eraserhead fan – having not known them and their songs thoroughly plus the fact that I am still too young when their career was in full swing.

Come on, who doesn’t know the Eraserheads? For most Filipino youth of the musically rich era of the nineties, the Eraserheads was the band that defined their generation. From the underground scene, the band led the alternative music’s invasion of the mainstream and ushered a new era of Pinoy Music. They were even dubbed as the local fab four – The Beatles of the Land of Juan de la Cruz. A marker in the OPM history. Seminal. Legendary.

Unfortunately, my inclination to their music went into a hiatus when they disbanded early in 2002. They say that the mainstream-turned alternative music scene died upon the disbanding of the Eraserheads. There was a sudden death of the OPM rock industry, and with that, a death of a pop icon whom we consider a messiah, a trend setter that gave a definition to a generation. The legend was replaced by the craps of Lito Camo and his numerous novelty songs who ruled the airwaves. (See the degradation? It is like a double murder for the industry).

Why am I talking about these things? You see, it has been almost thirteen years since I first heard of the songs of the Eraserheads (I was a pre-schooler then). I still do memorize their songs and sing them whenever they are played on the radio or whenever I feel nostalgic about the band.

I feel like dancing whenever I hear Ang Huling El Bimbo. Remembering my childhood sweetheart whenever I hear Harana and With a Smile puts me in a trance. Tindahan ni Aling Nena. Toyang, Kaliwete, and Magasin reminds me of my head-banging jamming sessions with my cousings using containers of biscuit (Skyflakes, ang Pambansang Biscuit, is preferable) and gasoline as our improvised drum set. The songs of the Eraserheads remind me of my good old experiences of my childhood. But how come I remember those things of the distant past but not some of my lessons in Latin which I studied in the Institution for almost six years? All I can remember is the two tres that I received when I was a sophomore.

I have learned in our discussion in the Philosophy of Man the difference between the Memory of Data and the Memory of Senses. Memory of senses are those who are retained in our mind because it signifies an importance, a significant event, and treasured memories which we continue to reminisce and recall even after a long period of time.

Most of the lessons taught within the confines of the school are mostly memory of data. We can easily forget it after memorizing. What is retained is the memory of senses. We may remember after a long time something funny that happened during the class but not the lesson itself.

Perhaps, that is the reason why I almost failed my Latin subject. Aside from not being good in memorizing, the lessons I learned from Monsignor Rolando Catillo’s Ka Dilaw (the infamous yellow latin book from UST used as a textbook in the institution) are just a memory of data.

With this memory of senses, the struggle of reminiscence in man comes about. You can neither undo nor erase these memories. The act of reminiscing is the function of one of the internal senses of man – the memorative sense. In the act of reminiscing, there is an element of emotion contained in this process of recalling which could be either positive or negative.

Listening to the songs of the Eraserheads brings back good memories, life’s lessons, old friendship and values which I learned outside the classroom. Memories that cannot be forgotten. Memories from the experiences that helped shape my personality. Moreover, I do believe that after my stint in the diploma mill as a student, after all the injections of the memory of the data in the academe, there are still a lot to learn. Lessons that will not be easily forgotten for it involves the memory of the senses. Lessons that will not be erased from my head just like the songs of the Eraserheads.

My rector, on the night after our investiture, summoned me in his room and told me that I am not being fair to myself. Flabbergasted, I asked him why. He told me that he believes in my capacity and expect me to do more effort in my studies. Don’t get me wrong. I was not on the edge of being kicked from the institution because of numerous failing grades. I have high grades and a few not-so-high grades. He told me that I could do more had I been more serious and studied my lessons well.

I agree with him. I hate the objectives. I am not that good in the traditional way of examination in the academe wherein a student is tested on how much he has memorized and not on how much he has learned. I think that is not the right way of testing the students.

After giving me bits of advice with occasional exchange of laughter, I left his room, pondering about his challenge.

If only the Eraserheads – Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala, and Marcus Adoro – and the influence they have made were my professors. If only learning inside the classroom is like listening to the songs of the Eraserheads.

I was inspired on writing this piece when I bought the book “Tikman ang Langit: An Anthology on the Eraserheads.”

This article was written on September 25, 2007, 9:35 PM, as a requirement for the subject Philosophy of Man when I was still in the College Seminary.

I have decided to post and share this article, together with my other Philosophy papers in order for you to have a glimpse of the “practicality” of Philosophy and to share my insights when I was still inside the institution.

I believe that philosophy, despite of being called impractical and a “boring subject”, is the key on answering the timeless inquiry of man about life and a great tool for having a meaningful and reflected life.

PADAYON by Rivermaya (Cover of the Joey Ayala original)

If you have noticed, I always use “Padayon” in the last part of my blogs. Many of you have asked the meaning of that word.

“Padayon” is a Visayan word which means “continue” or “go on.” (Ilonngo and Cebuano friends, please correct me if I am wrong).

The word became my motto in life. Just go on! Continue! Na kahit ano mang mga pagsubok at kasawian ang dumating sa buhay, padayon! Tuloy lang! Huwag susuko! Hangga’t nabubuhay, may pag-asa.

Joey Ayala is such a genius to make this wonderful song. It stresses on the spirit and attitude of the hardworking manggagawa.

Enjoy the music. Padayon!


This is a personal blog where rants, raves, and everything in between is written and posted.

About the Blogger: His name is Juan, a frustrated writer who hails from a sauna town at the foot of Mount Makiling. He spends his being an overworked and underpaid High School teacher and being a self-proclaimed superhero who is dreaming and trying to make a difference, one post at a time.

For correspondence, please email me at juanrepublica@gmail.com

You can also find me at these websites:



Ninjas are Lurking at the Republic

Personal - Top Blogs Philippines






My Lakbayan grade is C-!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.



Juan Republic followers


"Speak now or forever hold your peace.."
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...