Post(s) tagged with "life"

Diyos Ko! Bakit Mo Ako Pinabayaan?

Para sa mga tinatamad makinig ng Siyete Palabras at mas piniling mag-tumbling dito sa Tumblr, narito ang aking alay. Ang aking pagninilay sa ikaapat sa huling salita ni Hesukristo habang nakapako sa Krus.


Isa sa mga “accusations” laban sa akin na naging dahilan ng “untimely demise” (o siya, eviction na) sa Bahay ni Kiko (seminary yun!) ay ang pagiging “liberal” at “reckless” ko na nagiging dahilan kaya ang mga compositions kong isinusulat (e ano pa?) ay maging straight to the point (hindi mahilig sa mga sugar-coated choice of words), matapang at maangas (define: madaming binabangga, as in madami).

Hindi mo pa rin mainindihan? Sugar-coated na yun ah? Alright, pinatawan ako ng dalawang taong supplementary regency ng mga pari. Sa madali’t sabi, gustuhin ko mang maging pari at tumuloy sa Theology Department pero kinakailangan ko munang “ayusin ang aking sarili” sa labas ng seminaryo. Kapag naayos ko na ito sa loob ng dalawang taon, maaari na akong bumalik sa loob ng seminary (sana).

Maaaring “huli” na nang ako ay magbago sa loob ng seminaryo ngunit ngayon, sa buhay ko sa labas ng bakuran ng seminary, unti-unti kong isasabuhay ang buhay na dapat ay noon ko pa isinabuhay.

Tanda ko noon, sinabi sa akin ng tatay ko na dapat daw, bilang isang manunulat, ay hindi sarili ko ang aking ilahad sa mga mambabasa kundi ang Diyos. Sinuway ko ang tatay ko. Karamihan sa mga isinulat ko ay para makilala ako bilang ako.

Ngayon, bilang unang hakbang, nais kong “ipakilala” sa inyo ang Diyos na nakilala ko sa loob ng seminaryo. Isa itong artikulo na nakalaan sa Biyernes Santo, sa pagbabahagi sa Siyete Palabras o ang pitong huling salita ni hesukristo habang nakapako sa krus. Heto na:


“Diyos ko? Diyos ko? Bakit mo ako pinabayaan?”

Marahil, karamihan sa atin ay nakapagtanong na minsan sa ating buhay ng mga katagang “Diyos ko? Diyos ko? Bakit mo ako pinabayaan?” Sa mga puntong iyon ng ating buhay ay para bang nararamdaman nating wala ng Diyos o kung meron man, siya ay natutulog at nagpapabaya sa atin. Totoo nga bang may Diyos? Totoo nga bang hindi natutulog ang diyos? Pero kung totoong nandiyan siya, bakit niya tayo pinababayaan?

Hindi kaila sa atin na sadyang mapagbiro ang tadhana. Dumadating ang mga pagkakataong para bang tayo na ang pinaka-abang tao sa mukha ng lupa. Na kahit ano mang bagay ang ating gawin para ito ay masolusyonan ay tila baga wala pa ring kahihinatnang malinaw na solusyon sa ating mga problema.

Dito pumapasok ang buhay at kaisipan ng kawalang pag-asa. Naiisip nating “Diyos nga ay walang pakialam sa akin at hindi ako tinutulungan, ako pa kayang hamak na tao ang makagawa?” Dito pumapasok ang buhay sa kadiliman. Ang buhay pagpapabaya. Ang buhay na malayo sa Diyos. Ilang beses na nating inakusahan ang diyos ng pagpapabaya sa atin? Kawawa naman si Lord, kahit walang sawang nagmamahal, lagi na lamang sinisisi sa mga hindi magagandang nangyayari sa buhay ng tao.

Dahil sa mentalidad na “wala namang diyos” (kahit meron naman talaga) ay nabubuhay tayo sa isang buhay na walang direksyon at walang kaliwanagan. Sa pagtahak natin sa ganoong klase ng “trip” sa buhay, hindi maiiwasang may mga tao tayong isasama at hahatakin doon sa “kakaibang trip” na iyon. Imbes na maging tagapagdala ng liwanag at pag-asa, dahil nga tayo ay nabubuhay ng malayo sa Diyos, tayo ay nagiging instrumento pa upang mapariwara ng landas ng iba. Imbes na tayo lang ang nakakaramdam ng “pagpapabaya ng diyos” (kahit hindi naman talaga), ipinaparamdam pa natin ito sa iba. Ilang beses na ba tayong naging instrumento para ang ating kapwa ay “mabuhay sa kadiliman?”

Bakit nga ba kapag tayo ay malayo sa Diyos, tayo ay nabubuhay sa kadiliman? Ito ay sa kadahilanang diyos ang siyang nagbibigay ng liwanag. Diyos ang talagang nagbibigay ng ilaw dahil ang Diyos ang ilaw, ang diyos ang liwanag. Mas maliwanag pa ang diyos kumpara sa ilaw na ibinibigay ng Meralco. Mas Masaya, mas maganda, kapag may liwanag ang buhay. At ang liwanag ng buhay ay atin lamang makakamit sa diyos. Walang ibang nilalang ang makakapagbigay ng ganap na kaliwanagan bukod sa diyos (katunayan nga, ang diyos ay hindi isang nilalang dahil wala naming lumalang sa kanya). Kung kaliwanagan ng buhay ang kailangan mo para sa madilim mong buhay, diyos ang kailangan mo.

Sa katunayan, kapag dumadating ang mga “kadiliman” sa ating buhay, hindi naman ito talagang ganap na kadiliman. Sabihin na nating, isa lamang itong “kulimlim” ng buhay. Kung atin itong ikukumpara sa ating buhay at diyos ang “araw”, hindi naman talaga nawawala o nagpapabaya ang Diyos, “nakakubli” lamang siya sa likod ng mga ulap ngunit hindi siya nawawala. Kung inaakala nating nawawala ang araw, o nawawala ang diyos sa ating buhay, iyon ay isang pagkakamali. Tayo ang nawawala, hindi ang araw. Tayo ang lumalayo sa Diyos, hindi Diyos ang lumalayo sa atin.

E bakit pa kinakailangang magkaroon ng mga “kulimlim” na parte ng ating buhay?

Ang buhay ng tao ay hindi palaging puno ng kasiyahan. Natural sa buhay ng tao na dumadating ang mga problema at pagsubok ng buhay. Ang mga pagsubok na ito ang nagdadagdag ng “kulay” at ganda ng buhay. Masyadong “patay” ang isang buhay kung pare-pareho na lamang ang kulay at lasa nito. Paano nating masasabing masaya ang ating buhay kung wala tayong punto ng pagkukumparahan nito. Nakakasawa ang isang buhay na punong-puno ng kasiyahan at walang halong kalungkutan. Masasabi kasi nating mas nagiging ganap ang kasiyahan ng buhay kung ang kasiyahang iyon ay ang pakiramdam ng tagumpay ng paglampas sa pagsubok ng buhay. Nakakaumay ang palaging matamis na buhay. Paminsan-minsan, kailangan din nating makatikim ng maalat, mapakla, at mapait na lasa ng buhay.

Ang buhay ay parang tiklada ng piano. Hindi lamang puro puting tiklada ang ating pinipindot, kinakailangan din nating daanan ang mga itim na tiklada. At alam ng mga musikero na ang kombinasyon ng mga itim at putting tiklada – na parang kombinasyon ng kaligayahan at kalungkutan ng buhay – ang siyang mas nakagagawa ng kaaya-aya at de kalidad na tunog.

Bukod sa pagbibigay ng lasa at kulay ng buhay, bakit kinakailangan pa nating maghirap? Bakit pa kinakailangang magbigay ni Lord ng mga pagsubok ng buhay?

Ang diyos ay diyos na kahit wala ang mga nilalang. Hindi dagdag o kabawasan sa pagiging Diyos niya ang mga nilalang. Kung tutuusin nga, hindi na niya kinakailangan pang lumikha dahil diyos na siya. Ngunit dahil sa kanyang pagmamahal ay nilikha niya tayo. Nilikha tayo ng Diyos dahil sa pagmamahal niya sa sanilibutan. Bilang mga nlalang, natural lamang na ibalik natin ang pagmamahal na iyon sa diyos na siyang unang nagmahal at lumikha sa atin.

May mga pagkakataon kasi na sa kadahilanang masyado na tayong nagiging makasarili bunga ng ating tagumpay, nakakalimutan na nating magpasalamat sa diyos. Paminsan-minsan, kinakailangan tayong “kalugin” ng diyos upang magising tayo sa katotohanang mayroong diyos na pinagmumulan ng lahat ng tagumpay at ganap na kaligayahan.

Gayundin naman, ang Diyos ay umaakto bilang mga “traffic signs” sa “highway ng paglalakbay natin sa buhay.” Huwag natin itong ituring bilang mga balakkid sa paglalakbay sa buhay, bagkus, ituring natin ang diyos bilang isang gabay upang makarating tayo sa ating paroroonan ng ligtas. Dahil sa bandang huli, diyos din naman ang patutunguhan nating lahat. Ang diyos ang simula at katapusan ng lahat ng mga bagay. Siya ang Alpha at Omega ng sanlibutan at ng ating mga buhay.

Ang plano ng diyos para sa kanyang mga nilalang ay palaging “happy ending.” Kung sa istorya ng buhay natin ay para bang gusto na nating sumuko dahil sa mga pagsubok at problema nating hinaharap, alalahanin na nating hindi pa iyon ang “happy ending” na itinakda ng Diyos para sa atin. Iyong mga iyon ay ituring nating “pampagana at pampaganda” ng istorya ng ating buhay.

Sa bandang huli, nais kong sabihing hindi naman talaga nagpapabaya ang Diyos. Kung sa tingin nating parang “nilalayasan” tayo ng diyos sa ating buhay, sana ay sumagi sa ating isipan na “nagtatago” lamang ang diyos ngunit palagi pa rin siyang nagmamasid at gumagabay sa atin.

Nawa, ang ating isigaw sa buhay ay hindi ang “pagpapabaya ng diyos” kundi “DIYOS KO! DIYOS KO! SALAMAT AT HINDI MO AKO PINABAYAAN!”

Alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos sa loob ng dalawang taon sa labas ng bakuran ng seminary. Alam kong may maganda siyang plano sa akin.

Ano pa mang mga pagsubok ang dumating sa akin, kakayanin ko ito dahil alam kong may plano ang diyos sa akin. Padayon!

This was originally posted last year. I decided to repost this one to reach wider audience. Have a blessed Good Friday everyone!

Source: juanrepublic

Si Juan, Ang Doktor, Ang Burgis at si Lolo (Isang Dayalektiko)

"Philosophy graduate ka lang? Anong maitutulong mo sa amin?"

Iyan ang mga katagang sinabi sa akin ng isang propesyonal na nakasama ko noon sa aking trabaho. Isa siyang doktor. Isang inirerespetong Doktor ng Medisina sa kaniyang larangan. Sa pakiramdam ko noon ay parang niyurakan ang aking pagkatao, act and potency. Kasama na ang pakiramdam na para na ring naging biktima ng medical malpractice ang mga comrades ko sa loob ng seminaryo na nagpapagal at nagsusunog ng kilay sa pag-aaral ng Pilosopiya.

Aminin na nating mga alipin at mga minsang naging alipin nina Frederick Copleston, Henri Renard, Paul Glenn, Samuel Enoch Stumpf at Vincent Potter. Nangangagat ang katotohanan. Limitado ang oportunidad para sa ating mga nagtapos ng Pilosopiya. Kung wala kang malakas na backer at hindi ka madiskarte sa paghahanap ng trabaho, kadalasan, teacher ng Pilosopiya at Teolohiya o Kolboy sa BPO Industry ang bagsak mo. Kolboy na babad sa radiation ng computer at nakikipagtalo sa mga foreigner sa telepono gamit ang fake American accent.

Matapos ang carefully-planned at well-executed na mutiny laban sa akin ng mga comrades at superiors ko sa seminaryo, hindi agad ako nakapaghanap ng trabaho. Bukod kasi sa aberya sa transcript of records ng batch namin, hindi agad nag-sink in sa akin ang mga bagay-bagay. Planado na kasi ang pagtuloy ko sa Theology Department ng Arsidiyosesis ng Lipa (Taga Diyoseis ng San Pablo ako). At kasagsagan noon ng global financial crisis, hassle maghanap ng trabaho.

Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi sumama ang loob ko sa mga comrades at superiors ko. Pakiramdam ko noon ay para akong tinraydor ng aking mga kapatid at mga magulang. Na para akong itinakwil ng aking sariling Pamilya. Nilasing ako ng paniniwalang may mga taong traydor at magaling lamang kapag kaharap. Nilunod ako ng kaisipang biktima ako ng isang makabagong inkwisisyon ng simbahan.

Ngunit sa kabila noon, hindi ako nagtanim ng galit. Hindi ko sinubukang maghiganti a la Napoleon Bonapartre French Revolution-style o Ampatuan-flavored mass murder sa mga prayle at seminarista. Hindi nawala ang respeto at paggalang ko sa kanila. Dahil sa kabila ng lahat, nandoon pa din ang katotohanang mayroong pagkukulang at pagkakamali sa akin - na kailangan kong punuan at ayusin sa labas ng seminaryo. Na ginawa lamang nila ang kanilang parte bilang mga magulang at kapatid na nagtutuwid at nagdi-disiplina sa anak.

Respeto. Isang makatao at pang-taong ugali at gawain. Para lamang sa mga rational animals na pinagkalooban ng freedom at intellect. Kaugalian at gawaing ipinagkaloob lamang sa pinakamataas na uri ng nilalang - tao. Tao lang. Hindi kasama ang hayop. Hindi kasama ang mga irrational animals. Kaya’t ang mga katagang “Hayop Ka!” na sinasambit ng isang taong walang paggalang at respeto ay akma at may malalim na pakapahulugan.

Respeto. Sinasabing nagkakaroon lamang ng respeto kapag ganap na kilala ang isang tao. Kapag nagkaroon na ng koneksyon o kaya naman common ground sa pagitan ng dalawang indibidwal. Kapag na ng koneksyon at pagkakakilanlan, doon papasok ang tiwala. At kapag nabuo na ang tiwala, mabubuo ang respeto at paggalang. Maaari ding magkaroon ng respeto ang isang indibidwal sa mas nakakataas sa kanya. Ang empleyado sa kanyang bosing. Ang anak sa kanyang mga magulang. Ganyan ang respeto sa kontekstong pinaniniwalaan at tinatanggap ng lipunan. Ngunit hindi iyon ganap.

Sa paglabas ko ng seminaryo, mas namulat ako sa realidad ng buhay sa totoong mundo. Mas nakilala ko ang realidad ng buhay na malayo sa comfort zone ng seminaryo. Madami akong nakilalang mga tao na mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan. Naging libangan ko ang pagsusulat at pagba-blog ng mga bagay-bagay na aking nasasalubong sa isang araw. At ang madalas kong maisulat ay ang araw-araw kong karansan sa realidad ng marginalization ng mga burgis at dukha.

At ang isa sa hindi ko matanggap ay ang konsepto ng mga burgis ng “breeding.”

Breeding. Iyon daw ang distinction ng mga burgis sa masa. Ng may pinag-aralan sa mangmang. Ng sosyal sa jologs. Ng laking aircon sa mga hampas lupa. Wasak. Kung dati ay ginagamit lang ang salita sa besprend ng tao (read: anong breed ng aso niyo?), ngayon ay ginagamit na din sa tao. 

Para bang gustong sabihin ng mga taong “may breeding” na askal ka, may lahi ako. Iyon ang hindi ko matanggap at lubos na maunawaan. Gamitin nating halimbawa ang mga aso. Lahat naman ng aso ay may breed. Ang totoong issue lang ay kung imported o lokal. Nakasanayan lang natin na kapag sinabing ang aso ay “may breed”, ang iniisip natin agad ay ang magagandang lahi na imported.

Hindi ako sumasang-ayon sa pahayag ng mga burgis ng “kulang sa breeding” ang mga tao sa ibaba nila. Lahat ng tao ay may breeding, iba-iba nga lang. Kung paanong inirerespeto at dapat nating respetuhin ang kultura ng iba, gayundin naman ang “upbringing” at kinalakahian ng isang tao. Pantay-pantay tayo mga matapobreng utak aso.

Lahat tayong mga tao ay nilikha ng pantay-pantay at pare-pareho. Pare-pareho tayong mga Homo Sapiens. Pare-parehong binubuo ng mga cells, tissues, at organs para maging isang tao. Pare-parehong may freedom at intellect. Pare-parehong mamamatay. Pare-parehong nasa iisang puwesto sa Tree of Porphyry. Lahat tayo ay pantay-pantay ng mga substantial, corporeal, sentient at rational animals.

Nandiyan ang katotohanan ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao dahil sa yaman, pinag-aralan, at social status. Ngunit ang mga iyon ay aksidente lamang - maaaring andiyan, maaaring wala. 
Magpasalamat ka kung isinilang ka sa may kayang pamilya. Kung niloob na paglaruan ng Cosmos ang tadhana, puwede kang isilang sa isang dukhang pamilya. O kaya isa sa miyembro ng mga tribo sa Africa. Chumamba ka lang. Tandaan mong isinilang tayong lahat na walang saplot. At kapag namatay ay mabubulok at kakainin din ng lupa.

Kung sa buhay mo ay wala kang respeto at paggalang sa kapwa mo tao, wala kang pinagkaiba sa hayop. Kung ang tingin mo sa sarili mo ay hamak na mas mataas kumpara sa ibang tao, hindi ka tao. Itinuturing mo ang sarili mong Diyos. Hangal! Subukan nga natin ang kapangyarihan mo? Kung hindi mo naiisip na pantay-pantay tayo, ibigay mo na lang ang talinong ipinagkaloob sa iyo ng Lumikha. Sayang at hindi mo naman ginagamit.

Isinusulat ko ang artikulong ito sa malayo at bundok na Barangay ng De La Paz, Lungsod ng Batangas habang binabantayan ang aking lolo na iginupo ng stroke. Hindi man siya comatose, palagi siyang natutulog, hindi makapagsalita, ang pagkain ay ipinapadaan sa tubo, at kung huminga ay parang si Darth Vader - staggard at parang palaging nahihirapan. Kailangang palaging may nakabantay sa kanya dahil gusto niyang tanggalin ang tubo na dinadaanan ng kaniyang pagkain.

Nakakakilig at may kurot sa puso ang ginagawang pag-aalaga ng lola sa kaniyang asawa. Kinakausap. Nilalambing. Nililinisan. Pinapalitan ng diaper at damit. Kung minsan nga ay umaalis na lang ako sa tabi dahil baka hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking luha.

Nakakataba ng puso ang maya’t mayang dagsa ng mga taong dumadalaw. Bata, matanda, Thunder Cats, octogenarian, kamag-anak, kapitbahay, kakilala. Nakakatuwang isipin na sa simpleng pagdalaw at pakikipagkuwentuhan, nakakabawas ng pagod at sakit na nararamdaman naming pamilya. Iyon bang simpleng pagdalaw at pakikiramay dahil minsang naging parte ang lolo sa kanilang buhay. (Balita ko pa nga’y may mga pulitikong dumalaw noong nasa ospital pa ang lolo. Kung kawanggawa man o political strategy na maituturing, hindi ko alam).

Ang mga taong iyon ay mga taga-bukid. Ang ilan ay High School lamang ang tinapos. Ang ilan ay pangingisda lamang at pagtatanim ang alam na ikabubuhay. Mga itinuturing na “lesser being” ng mga nasa itaas.

Hindi mo naman kailangang maging edukado at magkaroon ng mataas na pinag-aralan para ipakita ang iyong respeto, pakikiramay, at paggalang sa kapwa mo tao. Sapat na ang malaman mo at isabuhay ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay at pagkakaugnay-ugnay nating mga tao.

Hindi mga doktor ang mga ordinaryong tao na dumadalaw sa lolo. Pero napapagaan nila ang aming kalooban at nabibigyan ng kasiyahan na hindi kayang gawin ng ibang doktor. Hindi mo kailangang magtapos ng medisina para “makapagpagaling” ng isang tao. Sapat na ang marunong kang makiramay, rumespeto at makipag-kapwa tao.

At sa aking opinyon, hamak na mas mabuti iyon kumpara sa doktor na ang pananaw ay walang maitutulong ang mga pilosopong nag-iisip at nagninilay ng mga ganitong bagay.

Pag-ibig at kapayapaan para sa ating lahat. Padayon!

Ang artikulong ito ay nakalaan para sa “Virtually Unconditioned” column sa The Prolegomenon (Opisyal na pahayagan ng St. Francis de Sales Major Seminary, Lipa City). Ang column ay nakalaan para sa mga “virtual seminarians” - mga seminaristang nasa labas ng seminaryo at nasa ilalim ng regency program. Isang malaking pag-uuyam (irony) na noong panahon ko bilang editor-in-chief nagsimula ang Virtually Unconditioned. Magsusulat din pala ako dito? Wasak!

Una itong nalathala sa aking blog noong isang taon - bago mamatay ang aking Lolo. Pinili kong i-publish siyang muli para sa mas maraming mambabasa. At para ipaalala sa ilan ang tila nakakalimutang respeto sa kapwa - lalo na ngayong malapit na ang Mahal na Araw.

Source: juanrepublic

This Guy’s in Love with You Pare (Holy A Capella Version)

This was exactly two (2) years ago. Performed by yours truly together with my classmates for our Music Festival/ Valetine’s Day Celebration last February 14, 2009 at Saint Francis de Sales Major Seminary. At oo, kalbo pa ako noon.

Ganyan mag-celebrate ang mga celibates ng Valentine’s Day. Celibates are the best lovers! Dahil ang pagmamahal namin ay para sa lahat (All-encompassing kumbaga!). Hindi exclusive, Hindi romantic. Wala man kaming mga ka-date noong mga panahong yun, ayos na rin. :)

Ramdam ko nga, mas okay pa ang Valentine’s Day ko a loob ng seminaryo kumpara ngayon. Doon, kahit kami-kami lang, may celebration. Ngayon, wala, forever alone.

Nanalo nga pala kami at nag-first place sa kompetisyon. Meron kasing “aliw factor”. Pasensya ka na sa kalidad ng audio. Ecstatic ang audience at pangit ang camera namin.

Ito ang aking unang post dito sa Tumblr. Ini-repost ko ulit ngayong araw bilang paggunita sa Capitalist Holiday. Huwag sanang mawala ang respeto niyo sa akin (kung meron man) pagkatapos niyo itong panoorin. Biro lang. Pero pwedeng seryosohin. Ayos. Padayon!

Source: juanrepublic

True Love is a Sacrifice

This article, which was one of my articles written on my school publication column back in college, was originally posted at my Multiply account and here on Tumblr when I was still a newbie. I have decided to repost this one in celebration of, uhm, today’s Capitalist Holiday. Enjoy reading!

Hindi ito isang ma-kesong sanaysay (wala kasing eksaktong salita sa Tagalog para sa cheesy) tungkol sa walang kamatayan at laging pinag-uusapang paksa na kung tawagin ay pag-ibig. Nawalan na kasi ako ng motibasyong magsulat ng tungkol sa mga nakakakilig na bagay simula nang (puwersahang) ipapanuod sa akin (ng mga kasama kong mga pari at seminarista) ang pelikula ni Aga Muhlach at Anne Curtis na When Love Begins – ang pinakabasurang pelikukang ginawa ng Star Cinema.

Ito ay isang pagninilay tungkol sa malalim na pakapahulugan at paraan ng paglilingkod at pagmamahal. 

Likas sa tao ang magmahal at maglingkod sa kapwa. Ito ay nakatatak na sa kanyang katauhan. Sa pilosopiya ng tao, masasabing hindi tao ang isang tao kung hindi siya nagmamahal. Gayundin naman, dahil batid ng tao na hindi siya maaaring mamuhay mag-isa, ang paglilingkod o ang pagbibigay ng sarili para sa isang tao, bagay at ano pa mang dahilan ay nakaukit rin sa kanyang kalikasan. 

Nasa natura din ng tao na ang lahat ng kaniyang ginagawa at ikinikilos ay may motibo. Sa pilosopiya, ito ay tinatawag na “end” o “purpose.” Ito ang dahilan kung bakit gumagawa ang isang tao. Lahat ng kaniyang gawa at kilos ay may patutunguhan. Walang tao ang gumagawa ng para sa wala (Naiintindihan mo pa ba? Kung hindi ay mas magaling! Alam mo na ngayon ang pakiramdam ng mga seminaristang nag-aaral ng pilosopiya) . 

Dito pumapasok ang iba’t ibang uri ng paglilingkod. May mga taong naglilingkod na ang motibo ay ang mga “napapala” sa paglilingkod. Mayroong mga naglilingkod dahil gusto nila ang kanilang ginagawang paglilingkod. At mayroong mga naglilingkod na may elemento ng sakripisyo para sa iba. Iisang pagkilos ngunit may iba’t ibang motibo. 

May mga taong naglilingkod na ang layunin ay ang kapalit o ang napapala nila sa kanilang paglilingkod – pera, kasikatan, at papuri ng kapwa. Ang mga taong ito ay hindi maglilingkod o magbibigay ng kanilang sarili kung walang kapalit o kung wala ang mga kaginhawaan sa likod ng paglilingkod. Sa madali’t sabi ay pronta lamang nila ang paglilingkod sa kanilang hangarin. Kaya naman hindi kaila sa atin ang dami ng bilang ng mga elitista at pulitikong ginagawa ang lahat (sukdulan ng mandaya at makipagpatayan) makaupo lamang sa puwesto at liderato at magpanggap na naglilingkod. Mas malaki kasi ang kanilang “kikitain” mula sa kaban ng bayan kaysa sa kanilang nagastos sa pangangampanya. Ang gandang negosyo hindi ba? (Hindi ko na kailangang isa-isahin ang baho ng mga pulitiko. Maraming mga manunulat na ang nagsulat sa kanila. Pero para sa mas mabahong basura para sa mga pulitiko, bisitahin niyo yung isa ko pang blog entitled OF SACERDOS AND POLITICOS

May mga naglilingkod naman dahil gusto nila ang kanilang ginagawa. Kalimitan, ito ay pagbabahagi ng talento o kung anong meron ka sa kapwa. Halimbawa, kung hilig ng isang tao ang pagsusulat, maaari siyang makapaglingkod sa pamamagitan ng pagsulat ng mga bagay na makakapagpamulat sa kamalayan ng tao upang kumilos para sa ganap na pagbabago (Naks! Trapong-trapo ang dating ko!). Sa madali’t sabi ay kasiyahan na niya ang paglilingkod sa kapwa – isang paglilingkod na walang kahirap-hirap dahil gusto niya ang kaniyang ginagawa. Ang kalimitang motibo nito ay upang mahasa pa ang sariling kakayanan at pagpapasarap ng sarili o “self-gratification” – na walang ibang patutunghuhan kundi ang pagputong ng korona sa sariling ulo at paghalik sa sariling puwet. Ngunit hindi ito dapat na ituring na masama o isang “self-centered” na serbisyo. Ito ay likas na mabuti ngunit mayroong mas marangal na uri ng paglilingkod. 

Mayroon namang naglilingkod ngunit hindi nila gusto ang kanilang ginagawa o isinasakripisyo ang sariling kagustuhan sa kanilang paggawa. Hindi katulad ng sa ikalawang uri ng paglilingkod na nagmumula sa kanilang sariling kagustuhan, ang ikatlong uri ay ang paglilingkod na ang motibo ay ang makapaglingkod na may elemento ng sakripisyo. Ibinibigay nila ang kanilang sarili – hanggang sa punto na isinasakripisyo nila ang sariling kagustuhan at kaginhawaan maibigay lamang ang sarili sa kapwa. At ito, ang tunay at marangal na pakapahulugan ng paglilingkod at pagbibigay ng sarili – ang pagbibigay ng buong sarili sukdulan ng kahit buhay ay ialay. Ito ang marangal na uri ng paglilingkod – ang may elemento ng sakripisyo. 

Isang napakagandang halimbawa at ang pinakamagandang “love story” na yata na nalaman ko ay ang sa ating Panginong Hesukristo (hindi ito yung kasinungalingan tungkol sa kanilang dalawa ni Maria Magdalena). Kung iyong maaalala (at kung nagbabasa ka ng Bibliya), noong si Hesus ay nagdadasal sa halamanan ng Getsemane ay idinalangin niya sa Diyos Ama na “tanggalin sa kanya ang Kalis ng paghihirap.” Ngunit sinunod pa rin niya ang kalooban ng Ama. Ibinigay niya ng buong-buo ang kanyang sarili nang ipako siya at mamatay sa krus para tubusin ang ating kasalanan. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangang gawin iyon dahil Diyos na siya. Pero ginawa pa rin niya iyon nang dahil sa pagmamahal. Mayroon pa bang hihigit sa ganoong uri ng pagmamahal? Ang sweet ni Hesus ano? 

Sa tuwing ibinibigay natin ang ating buong sarili ay laging mayroong elemento ng sákit. Ito ay sa kadahilanang pinapahalagahan natin ang ating sarili kaya tayo ay nasasaktan kapag ibinibigay natin ang pagpapahalagang iyon sa iba. Hindi ito tunay na pagmamahal o pagbibigay ng sarili kung hindi ka nasasaktan. Ang tunay na nagmahal ay ang taong nasaktan. Tunay ang iyong pagmamahal na ibinibigay kung patuloy kang nagmamahal kahit ilang ulit at paulit-ulit kang nasaktan at sinasaktan. 

Hindi ako naniniwala sa mga nagsasabing gusto nilang maglingkod sa kanilang kapwa Pilipino kaya gusto nilang maupo sa puwesto. Mayroong mas marangal na paraan upang magbigay ng buong sarili sa kapwa. Maaari tayong maging bayani at tagapaglingkod sa ating mga sariling marangal na paraan. Alam mo na siguro ang gagawin mo sa mga kandidatong nagsasabing “gusto kong makapaglingkod sa taong bayan kaya nais kong tumakbo sa darating na halalan.” Maging matalino ka. 

Minsan, sinabi ng isang pari sa amin na isa daw sa pinakamagandang love story ay ang daan ng isang binata patungo sa pagpapari. Tunay nga naman. Sa pagpapari ay madaming kailangang isakripisyo – ang pamilya, ang sarap ng buhay ng isang ordinaryong binata, ang (mga) “karelasyon”, at ang mismong sarili.

Totoong napakahirap ng daan patungo sa pagpapari. Kailangang talikdan ang sarili at buhatin ang sariling krus upang sumunod kay Kristo. Iyon siguro ang dahilan kung bakit maraming naaakit sa aming mga seminarista at mga pari – kahit pa gaanong kasamang lalaki ay nagiging kaakit-akit at kaibig-ibig sa mata ng mga dalaga at mga manang. Pasensya na lamang kayo. Mas mahal namin si Kristo at ang pagpapari. Teka, nahulog na rin ba ang loob mo sa akin?

Source: juanrepublic

Ultraelectromagnetic Lotto

Maaga akong tumaya ng Lotto kaninang umaga sa pag-aakalang kakaunti pa ang nakapila. Pero nagkamali ako. Iyong tatlong Lotto outlet dito sa may Junction – Crossing, Sakto, at Olivarez Plaza, ay kinabog pa ang pila sa pelikula ni Bossing Vic Sotto. Box office kung box office.

Pinili kong sa Olivarez Plaza tumaya para kahit matagal na naghihintay sa mahabang pila, de-aircon naman kaya’t medyo komportable.

Pumunta ako sa may window para kumuha ng blangkong card. Wala sa may bintana. Nakatago pala sa loob at limited lang ang inilalabas na card. May shortage siguro ng supply sa dami ng tumataya. Ang sistema pa, kapag dalawang box lang ang tatayaan, isusulat na lang sa kapirasong papel at bahala na ang nag-o-operate ng makina na i-punch ang mga napiling numero.

Dahil nagpataya ang pinsan ko ng anim na box, bukod pa yung sa akin na recycled na card, dalawang card ang kinuha ko. Hindi ako nag-aalaga ng numero. Tinatamad lang talaga akong mag-fill-up ng bagong box. Random naman kasi ako kapag tumataya sa Lotto. Basta’t kapag namarkahan ko na yung numero ng kaarawan ko, titingala na lang ako sa langit, o titingin sa paligid, at bahala na yung natitirang limang numero.

Matapos kong fill-up-an ang mga card, agad akong pumila sa dulo. At dahil alam kong matagal-tagal pa ang ipaghihintay ko, gumawa ako ng paraan para libangin ang aking sarili.

Medyo makapal ang mukha ko at hindi naman sa pagyayabang, ay malakas din ang charm sa mga bata at matatanda. Dala na rin siguro iyon ng ilang taon kong exposure sa mga tao at pakikipamuhay sa iba’t-ibang komunidad noong ako’y nag-aaral pa.

May kasunod ako sa pila na isang matandang lalaki na sa tingin ko ay game naman sa isang mahaba-habang kuwentuhan. Sa tantya ko ay mga nasa 60 o 70 taong gulang na siya. Agad akong nag-initiate kung paano sisimulan ang kuwento.

Tinanong ko siya kung paano at saan niya gagastusin ang kanyang mapapanalunan kung saka-sakali. Sinabi niya sa akin na ipang-ne-negosyo daw niya at para sa pag-aaral ng kanyang mga apo. Pabiro pa nga niyang sinabi sa akin na kaya pang mag-develop ng isang Probinsya ang jackpot sa Lotto.

Napangiti ako at sa loob-loob ko, malamang ay may balak tumakbong Gobernador si Lolo sa susunod na halalan at talunin si Governor Jorge Estregan kung sakaling siya ang mananalo. Siya naman ang nagtanong sa akin kung saan ko gagastusin ang premyo kung sakaling ako ang mananalo.

“Bibilhin ko na po yung kompanyang pinagta-trabahuhan ko Tatay..”, ang pabiro kong sabi.

Tumawa si Lolo. At sinabi niyang no match pa rin daw ang mapapanalunan namin sa Lotto sa napanalunan ni Manny Pacquiao sa nakaraang niyang laban. At alam niyo na siguro kung saan nauwi ang aming usapan. Para kaming sina Ronnie Nathanielsz at Chino Trinidad na nagpalitang ng kuro-kuro sa boxing. Ayos! Instant boxing analysts sa pila sa Lotto.

Sa sarap ng aming kuwentuhan, hindi namin namalayan na malapit na pala kami ni Lolo sa may window. Pareho kaming napatingin sa mga resulta na nakapaskil sa may bintana. Kakaunti ang nananalo sa 6/55 dahil mas mababa ang probability ng mga mananalo dahil mas madami ang numero.

Tinanong ako ni Lolo kung pwede pa daw bang dumami pa sa 55 ang magiging Lotto sa hinaharap. Sabi ko ay may posibilidad para mas madami ang tumaya dahil mas magiging malaki ang jackpot. Tinanong niya ako kung ano ba ang puwedeng tawag sa Lotto na iyon. Meron na kasing MEGA, SUPER, at GRAND.

Ngumiti ako kay Lolo at sinabi kong “ULTRAELECTROMAGNETIC LOTTO” (Hayun! Pasok ang title!).

Tumawa si Lolo. Kilala din niya siguro ang Eraserheads.

Nakarating kami sa may window, isinalpak ang mga card sa machine, at kinuha ang ticket. Maya-maya pa, nagpaalam na din ako kay Lolo. Dumiretso sa aking suking Barbero sa may palengke (Oo, hindi ako fan ng mga de lecheng salon na mahal maningil. Ipangkakain o ipangkakape ko na lang ang matitipid ko doon.), si Kuya Nilo.

Pagkaupo ko sa upuan, ang bungad ko agad sa kanya ay “Tumaya ka na ba sa Lotto?”

At alam mo na siguro ang kasunod na kuwento.

(Photo Source)

Maraming tumataya sa Lotto. Marami ang nagba-bakasakaling yumaman ng instant. Isa na ako doon. Wala namang masama. Ang mahalaga ay nagsisikap pa rin at hindi umaasa ng lubusan sa Lotto.

Ikaw? Tumaya ka na ba sa Lotto? Kung sakali mang ikaw ang manalo, huwag mong kakalimutang mamahagi ng balato. Padayon!

P.S. Nabola na ang Lotto kanina. 495 Million Pesos ang jackpot. As of writing, hindi ko pa alam kung may nanalo o wala. O baka naman isa ka na sa mga nanalo. Balato ha?

Source: juanrepublic

Kumpisal

Ngayong araw na ito, November 12, dapat ay nasa Lipa ako. Sa Metroplitan Cathedral ng San Sebastian to be exactly. Ordinasyon kasi sa Banal na Orden ng Pagkapari ng dalawa kong kuya sa Seminaryo, si Kuya Jumy at si Kuya Bok.

Mga kuya ko sila noon sa Seminaryo. Ilang batch lang ang tanda nila sa akin. Kasabay ko noong mamuhay sa iiusang compound. Kasabay maglaro, kasabay mag-aral, kasabay maglinis, kasabay manalangin.

Kung bago ka lang sa blog ko, hindi mo siguro alam na isa akong Prayle-in-the-making dati at kasalukuyang nasa labas para magpahinga.

Pero iba na ang ihip ng hangin ngayon. Hindi ko na sila basta-basta puwedeng biruin ng hardcore. Hindi ko na puwedeng batukan. Hindi na puwede ang basta Kuya na lang ang itatawag ko sa kanila. Kuya Father siguro, puwede pa.

Madrama ang seremonyas ng ordinasyon. Nandoon ang galak ng mga magulang. Ang tuwa ng mga kaibigan. Ang pananabik ng mga kasamahan. At ang pag-iyak ng mga babae sa nakaraan ni Brader (Yeah! Yun talaga ang inaabangan ko. Biro lang.).

Pero mas nakakaiyak sa parte ng mga katulad namin.

Pinili kong hindi pumunta ng Lipa, bukod sa tinanghali ako ng gising at meron pa akong trabahong dapat asikasuhin, sa kadahilanang alam kong baka hindi ko mapigil ang aking emosyon.

Aaminin ko sa inyo, nandoon pa din ang pagsisisi kung bakit hindi ako hindi nagpakabait dati sa seminaryo kung kaya’t sinabihan akong magpakabait at magpahinga muna sa labas ng dalawang taon. Nandoon pa din ang panghihinayang na baka hindi na ako makabalik next year. (kung kailan due akong bumalik ng seminaryo.)

Sa tuwing nakakakita ako ng ordinasyon, dalawa lang ang pumapasok sa isipan ko. Motibasyon at panghihinayang.

Motibasyon dahil sila ay nagiging inspirasyon ko na ipagpatuloy pa ang aking ipinundar sa loob ng walong taon. Panghihinayang dahil baka hindi ko na maipagpatuloy ang aking nasimulan at hindi na ako maging pari.

Isasaisip ko na lang ang naisulat ko noon. Na wala namang “better” kung maging pari ako o hindi. Dahil “good” lagi ang plano ng Diyos para sa atin.

Dalangin ko na lang ngayon na sana ay gabayan ako ng Poong Maykapal sa tamang landas at sana ay maging tama ang mga desisyon na gagawin ko sa buhay sa mga susunod na araw, buwan at taon.

Isama niyo ako sa inyong mga panalangin ha? Magdasalan tayo.

Diyan na muna kayo. Iiyak muna ako dito. Padayon!

Source: juanrepublic

"The Day the Music Died"
Today is a bad day for the Republic. Medyo nadismaya at nanghina ako sa nadiskubre ko ngayong araw. Hinahalungkat ko ang cabinet na lalagyan ng mga collection kong CDs nang madiskubre ko ang mga ito.
Nabasa siya ng tubig ulan. Hindi ko alam na umampyas (o tumulo) sa may bintana at nadamay ang aking mga CDs. Malas pa, ang ilan sa mga ito ay may sentimental value at rare collection. Okay naman yung mga CD. Gumagana pa naman. Pero nanghihinayang ako sa packaging at sa sleeve ng ilang album. Isipin mo na lang yung paborito mong libro na nabasa ng ulan.
Ang mga napahamak sa aking koleksyon ay ang mga sumusunod:
Apparition - Urbandub (Lumobo ang sleeve pero okay pa naman ang lyric sheet)
Sugarfree Live! with the Manila Symphony Orchestra (Extensive damage. Nagdikit-dikit ang mga page at kapag pinaghiwalay ay mas masisira)
Solid - Parokya ni Edgar (Nasira ang lyrics sheet at ang CD)
Mahal kong Radyo - The Company (Nasira ang lyrics sheet. Dumikit sa CD)
Isang Ugat Isang Dugo - Rivermaya (Nabasa ang buong album)
Isa sa mga dahilan kung bakit ako bumibili ng original na material, bukod sa pagsuporta sa mga artista, ay dahil sa album art at packaging. Itinuturing ko kasi itong priceless at mas nakapagpapatingkad ng artistry at creativity ng isang artist.
Ngayon, nabasa at nasira ang ilan sa aking mga pinakaiingatang koleksyon. Nakakalungkot pero kailangang mag-move on.
Mag-iingat na ako sa susunod. Promise.

"The Day the Music Died"

Today is a bad day for the Republic. Medyo nadismaya at nanghina ako sa nadiskubre ko ngayong araw. Hinahalungkat ko ang cabinet na lalagyan ng mga collection kong CDs nang madiskubre ko ang mga ito.

Nabasa siya ng tubig ulan. Hindi ko alam na umampyas (o tumulo) sa may bintana at nadamay ang aking mga CDs. Malas pa, ang ilan sa mga ito ay may sentimental value at rare collection. Okay naman yung mga CD. Gumagana pa naman. Pero nanghihinayang ako sa packaging at sa sleeve ng ilang album. Isipin mo na lang yung paborito mong libro na nabasa ng ulan.

Ang mga napahamak sa aking koleksyon ay ang mga sumusunod:

  • Apparition - Urbandub (Lumobo ang sleeve pero okay pa naman ang lyric sheet)
  • Sugarfree Live! with the Manila Symphony Orchestra (Extensive damage. Nagdikit-dikit ang mga page at kapag pinaghiwalay ay mas masisira)
  • Solid - Parokya ni Edgar (Nasira ang lyrics sheet at ang CD)
  • Mahal kong Radyo - The Company (Nasira ang lyrics sheet. Dumikit sa CD)
  • Isang Ugat Isang Dugo - Rivermaya (Nabasa ang buong album)

Isa sa mga dahilan kung bakit ako bumibili ng original na material, bukod sa pagsuporta sa mga artista, ay dahil sa album art at packaging. Itinuturing ko kasi itong priceless at mas nakapagpapatingkad ng artistry at creativity ng isang artist.

Ngayon, nabasa at nasira ang ilan sa aking mga pinakaiingatang koleksyon. Nakakalungkot pero kailangang mag-move on.

Mag-iingat na ako sa susunod. Promise.

Source: juanrepublic

Medyo masaklap ang season finale ng eLBikada. At literal na masaklap, nakapanghihina, at nakakaiyak.
Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap kaninang bandang a las nueve ng umaga, sa national highway sa may boundary ng Nasugbu, Batangas at Cavite.
Kasalukuyang naka-play sa radio ng jeep namin ang “I’ll Be Over You” nang biglang may biglang lumagabog ng malakas. Akala ko ay sumabog ang gulong namin. Nagulat na lang ako nag makita ko na may dalawa ng nakabulagta sa likod namin, may wasak na wasak na motorsiklo, at umuusok ang hood ng jeep.
Hindi ko lubos maisip na may bumangga sa aming motorsiklo, isa sa maraming mga bikers mula Maynila na papunta ng Matabungkay Beach kaninang umaga. Nag-overtake kasi ang motorsiklo. At hindi nakita na kasalubong ang aming jeep. 

Ako ang unang bumaba ng jeep para tingnan ang nangyari. Nakayapak dahil nasira ang aking tsinelas. Pero hindi ko nakuhang lumapit o kunan man ng litrato ang mga biktima (hindi gumana ang feelingero kong journalist instinct). Blangko ang isip ko. Nabigla pa din sa mga pangyayari.
Nang makita kong tumatagas ang gasolina mula sa motor, agad kong sinabihan ang aking mga kasama na bumaba na ng jeep at baka sumabog ang motorsiklo. Mabuti na lamang at hindi. Ngunit mas masaklap ang mga sumunod na pangyayari.
Sa paligid, nagkalat ang shades at sapatos ng driver, at ang mga parte ng wasak na wasak na motorsiklo.
Walang ambumalansya ang pinakamalapit na Ospital. Wala daw kasing driver ang ambulansya. Wala din sigurong medic. Kaya medyo natagalan bago nadala sa ospital yung naka-angkas sa motorsiklo. Ang ginamit pa ngang stretcher ay ang upuan mula sa sinasakyan naming jeep.
Pero mas naawa ako sa driver ng motorsiklo. Halos tatlong oras na nakahandusay sa kalsada ang kanyang duguang bangkay. Siguro, kung maagang dumating ang rescue team, maisasalba pa siya.

Dumating ang mga pulis para mag-imbestiga. Naka-impound ngayon ang sinakyan naming jeep. At under investigation ang aming driver. Naiwan sa mga pulis sa Nasugbu, Batangas.
Halos tatlong oras din kaming naghintay para hintaying matapos ang procedures ng mga imbestigador. At nang may dumating ng panibagong jeep, napagdesisyunan namin na dumaan muna sa Kumbento ng mga Pink Sisters sa Tagaytay upang magdasal. 
Hindi na namin alam kung ano ang nangyari sa kaangkas ng driver ng motorsiklo. Pero sana ay okay lamang siya. Sana ay ligtas siya.
Sa puntong ito, inaanyayahan ko kayong manahimik ng sandali at ipagdasal ang mga biktima ng aksidenteng ito at ang kanilang mga pamilya.

Medyo masaklap ang season finale ng eLBikada. At literal na masaklap, nakapanghihina, at nakakaiyak.

Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap kaninang bandang a las nueve ng umaga, sa national highway sa may boundary ng Nasugbu, Batangas at Cavite.

Kasalukuyang naka-play sa radio ng jeep namin ang “I’ll Be Over You” nang biglang may biglang lumagabog ng malakas. Akala ko ay sumabog ang gulong namin. Nagulat na lang ako nag makita ko na may dalawa ng nakabulagta sa likod namin, may wasak na wasak na motorsiklo, at umuusok ang hood ng jeep.

Hindi ko lubos maisip na may bumangga sa aming motorsiklo, isa sa maraming mga bikers mula Maynila na papunta ng Matabungkay Beach kaninang umaga. Nag-overtake kasi ang motorsiklo. At hindi nakita na kasalubong ang aming jeep. 

Ako ang unang bumaba ng jeep para tingnan ang nangyari. Nakayapak dahil nasira ang aking tsinelas. Pero hindi ko nakuhang lumapit o kunan man ng litrato ang mga biktima (hindi gumana ang feelingero kong journalist instinct). Blangko ang isip ko. Nabigla pa din sa mga pangyayari.

Nang makita kong tumatagas ang gasolina mula sa motor, agad kong sinabihan ang aking mga kasama na bumaba na ng jeep at baka sumabog ang motorsiklo. Mabuti na lamang at hindi. Ngunit mas masaklap ang mga sumunod na pangyayari.

Sa paligid, nagkalat ang shades at sapatos ng driver, at ang mga parte ng wasak na wasak na motorsiklo.

Walang ambumalansya ang pinakamalapit na Ospital. Wala daw kasing driver ang ambulansya. Wala din sigurong medic. Kaya medyo natagalan bago nadala sa ospital yung naka-angkas sa motorsiklo. Ang ginamit pa ngang stretcher ay ang upuan mula sa sinasakyan naming jeep.

Pero mas naawa ako sa driver ng motorsiklo. Halos tatlong oras na nakahandusay sa kalsada ang kanyang duguang bangkay. Siguro, kung maagang dumating ang rescue team, maisasalba pa siya.

Dumating ang mga pulis para mag-imbestiga. Naka-impound ngayon ang sinakyan naming jeep. At under investigation ang aming driver. Naiwan sa mga pulis sa Nasugbu, Batangas.

Halos tatlong oras din kaming naghintay para hintaying matapos ang procedures ng mga imbestigador. At nang may dumating ng panibagong jeep, napagdesisyunan namin na dumaan muna sa Kumbento ng mga Pink Sisters sa Tagaytay upang magdasal. 

Hindi na namin alam kung ano ang nangyari sa kaangkas ng driver ng motorsiklo. Pero sana ay okay lamang siya. Sana ay ligtas siya.

Sa puntong ito, inaanyayahan ko kayong manahimik ng sandali at ipagdasal ang mga biktima ng aksidenteng ito at ang kanilang mga pamilya.

Source: juanrepublic

Mga Pangaral ni Itay tungkol sa Pag-aaral

Katabi ko siya ngayon. Nagkakape. Habang nakikinig sa Matic, ang ikalawang album ng Cambio. At binigyan niya ako ng mga pamatay na words of wisdom. Nais kong ibahagi sa inyo. Baka sakaling may mapulot kayo.

  • Mas gusto ko kapag dire-diretso kapag naggagawa ng paper. Kaya mas masarap gumawa kapag malapit na ang deadline. Pareho tayo ano?
  • Limang paper? Kaya yan hanggang Lunes.
  • Yung nireport ko kaninang umaga, kaninang madaling araw ko lang sinimulan at tinapos. Partida, nakatulog pa ako. Hayun! Na-very good pa!
  • Na-master na natin ang sining ng cramming.
  • Mas gusto ko talaga ang environment sa loob ng classroom. Hinahanap-hanap ko yung atmosphere ng nagka-klase kapag mahaba ang bakasyon. Kaya tingnan mo hanggang ngayon, nag-aaral pa din ako. 

Kita niyo na? May pinagmanahan nga kasi ako. Kaya idolo ko ang tatay ko eh. Cool. Jeprox. Young at heart. Madaling pakisamahan. At may mga pamatay na payo.

Teka, diyan na muna kayo. Magca-cram pa kami para mahabol ang mga sari-sariling deadline. Padayon!

Meet my Favorite College Professor, Tatay, and Idol
He’s the one in a light brown shirt, holding a siopao. He’s my Rector in the College Seminary, my Metaphysics, Theodicy, and Liturgy Professor, my Class Adviser, my Tatay, my motivator, my favorite teacher, Fr. Jesse Balilla.
Paborito ko siyang guro sapagkat sa kanya ko natutunan kung paano talaga mag-isip at maging isang responsableng estudyante. Siya rin ang madalas magkumbunisi sa akin na huwag akong makuntento sa kung anong meron ako, na dapat ay matuto pa akong sumubok ng ibang mga bagay. At siya din ang taong huli kong iniyakan noong ako ay magpaalam sa aking paaralan.
Maraming salamat po Padre sa pagiging guro, Tatay, at kalakbay. Hihintayin ko ang araw na magkasabay tayong magmimisa sa Altar. Happy Teacher’s Day po! Padayon! :)
Photo taken at Biak-na Bato National Park. Ako yung naka-black na mukhang rock star.

Meet my Favorite College Professor, Tatay, and Idol

He’s the one in a light brown shirt, holding a siopao. He’s my Rector in the College Seminary, my Metaphysics, Theodicy, and Liturgy Professor, my Class Adviser, my Tatay, my motivator, my favorite teacher, Fr. Jesse Balilla.

Paborito ko siyang guro sapagkat sa kanya ko natutunan kung paano talaga mag-isip at maging isang responsableng estudyante. Siya rin ang madalas magkumbunisi sa akin na huwag akong makuntento sa kung anong meron ako, na dapat ay matuto pa akong sumubok ng ibang mga bagay. At siya din ang taong huli kong iniyakan noong ako ay magpaalam sa aking paaralan.

Maraming salamat po Padre sa pagiging guro, Tatay, at kalakbay. Hihintayin ko ang araw na magkasabay tayong magmimisa sa Altar. Happy Teacher’s Day po! Padayon! :)

Photo taken at Biak-na Bato National Park. Ako yung naka-black na mukhang rock star.

Meet One of my Favorite Teachers in Elementary
Siya si Sir Edwin Suizo. Guro sa Maquiling School Incorporated dito sa loob ng UPLB. Guro ko noong grade 4 at grade 6 sa HEKASI - Heograpiya, Kasaysayan, Sibika at Kultura. ISa sa mga paborito kong guro. Ever.
Hindi naging boring ang pag-aaral ng history noong elementarya dahil sa kanya. Bukod sa nakuha niya ang aming kiliti, napaka-light lang ng atmosphere sa classroom kapag siya ang nagtuturo kaya’t hindi malabong magustuhan siya ng mga mag-aaral. At dahil sa kanya, naging paborito ko ang HEKASI.
Lumipas ang sampung taon, hindi na kami nagkita (Naks! Parang “Huling El Bimbo” lang). At salamat na lang sa Facebook, nagkaroon kami muli ng komunikasyon. Nakakatuwang isipin na natatandaan pa niya ako sa dami ng kanyang mga naging estudyante.
Dahil siguro na kilala ako noon bilang si “Father.”
Kapag ayos na ang schedule ko, babalik ako sa aking alma mater, sa Maquiling School Incorporated, para sila ay kamustahin.
Happy Teacher’s Day po Sir Edwin! Maraming-maraming salamat po sa lahat! Padayon!

Meet One of my Favorite Teachers in Elementary

Siya si Sir Edwin Suizo. Guro sa Maquiling School Incorporated dito sa loob ng UPLB. Guro ko noong grade 4 at grade 6 sa HEKASI - Heograpiya, Kasaysayan, Sibika at Kultura. ISa sa mga paborito kong guro. Ever.

Hindi naging boring ang pag-aaral ng history noong elementarya dahil sa kanya. Bukod sa nakuha niya ang aming kiliti, napaka-light lang ng atmosphere sa classroom kapag siya ang nagtuturo kaya’t hindi malabong magustuhan siya ng mga mag-aaral. At dahil sa kanya, naging paborito ko ang HEKASI.

Lumipas ang sampung taon, hindi na kami nagkita (Naks! Parang “Huling El Bimbo” lang). At salamat na lang sa Facebook, nagkaroon kami muli ng komunikasyon. Nakakatuwang isipin na natatandaan pa niya ako sa dami ng kanyang mga naging estudyante.

Dahil siguro na kilala ako noon bilang si “Father.”

Kapag ayos na ang schedule ko, babalik ako sa aking alma mater, sa Maquiling School Incorporated, para sila ay kamustahin.

Happy Teacher’s Day po Sir Edwin! Maraming-maraming salamat po sa lahat! Padayon!

Meet our Kindergarten Teacher
I would like you to meet our Kindergarten teacher - Mrs. Naty Robiso.
Siya ang teacher naming magkakapatid noong Kinder. Ibig sabihin, lahat kaming tatlo ay dumaan sa kanyang pag-aalaga, pagtuturo, at paggabay. Isa siya sa mga pinakamahuhusay na guro sa pre-elem department.
Naging teacher namin siya ng kapatid ko sa now-defunct-naging-dormitory-na Holy Angels School sa may UPLB Gate, katabi ng CCP Hostel. Nang magsara ang paaralan, lumipat siya sa TRACE College kung saan siya ay naging guro ng bunso naming kapatid. Hanggang ngayon ay nagtuturo pa din siya doon.
Isa siya sa mga guro na madalas ko pa ring makita hanggang ngayon. At sa tuwing magkikita kami, palagi niya akong pinapaalalahanan na kailangan kong matuloy sa pagpapari (pressure!).
Maraming salamat po Teacher Naty sa paglilinang ng aming kaisipan at sa pagiging pangalawang ina namin sa paaralan. Happy Teacher’s day po!
Photo taken at TRACE College, during the school’s recognition day last March.

Meet our Kindergarten Teacher

I would like you to meet our Kindergarten teacher - Mrs. Naty Robiso.

Siya ang teacher naming magkakapatid noong Kinder. Ibig sabihin, lahat kaming tatlo ay dumaan sa kanyang pag-aalaga, pagtuturo, at paggabay. Isa siya sa mga pinakamahuhusay na guro sa pre-elem department.

Naging teacher namin siya ng kapatid ko sa now-defunct-naging-dormitory-na Holy Angels School sa may UPLB Gate, katabi ng CCP Hostel. Nang magsara ang paaralan, lumipat siya sa TRACE College kung saan siya ay naging guro ng bunso naming kapatid. Hanggang ngayon ay nagtuturo pa din siya doon.

Isa siya sa mga guro na madalas ko pa ring makita hanggang ngayon. At sa tuwing magkikita kami, palagi niya akong pinapaalalahanan na kailangan kong matuloy sa pagpapari (pressure!).

Maraming salamat po Teacher Naty sa paglilinang ng aming kaisipan at sa pagiging pangalawang ina namin sa paaralan. Happy Teacher’s day po!

Photo taken at TRACE College, during the school’s recognition day last March.

Liham para kay “Spongebob”

Dear “Spongebob”,

Kumusta naman ang araw mo? Sana naman ay naging espesyal ang araw na ito para sa iyo. Sana naman at naging masaya ka sa espesyal na araw na ito sa buhay mo.

Una sa lahat, binabati kita ng maligayang ika-19 na kaarawan. Hinihiling ko na sana ay patnubayan ka ng Poong Maykapal sa iyong buhay, biyayaan ka pa ng mas maraming grasya, mabuting kalusugan, at mas masayang buhay.

Medyo matagal na tayong hindi nagkikita. Ang hirap kasi ng magkaiba ang schedule natin. Busy ka, busy din ako. May katagalan na noong huli tayong nagkita. Mga dalawang buwan na siguro. Iyon ay noong pumunta ka dito sa Los Baños:

Read More

"Ayokong panty, ayokong brief, ayokong t-back, labas puwit.."

Naglalakad kami sa may kanto para mag-abang ng sasakyang jeep papunta ng Baranggay Poblacion (o mas kilala dito sa Los Baños bilang “Bayan na hindi mukhang Bayan”). May swimming competition kasi ang kapatid ko sa Martes. At wala pa siyang practice. Kaya’t sasamahan kong mag-swimming sa isang resort doon.

Napadaan kami sa may “Pagawaan ng Bata Road” dito sa may Junction. Ito yung kalsada na every month, may bagong mukha kang makikita, may bagong batang naglalaro na hindi mo na mamukhaan kung sino, at may mga babaeng perpetually pregnant.

Pagdaan namin, hindi ko naiwasang mapakinggan ang mga batang naglalaro at kumakanta. Mistulang isang orasyon o mantra ang namumutawi sa kanilang mga mumunting tinig:

"Ayokong panty, ayokong brief, ayokong t-back, labas puwit.."

Kinakanta nila sa tono ng unang verse ng sa-sobrang-sikat-at-overplay-nakaksuka-na kanta ni Justin Bieber, ang “Baby”. Paulit-ulit. Tila isang orasyon. Tila isang mantra. Ad infinitum.

Noong bata pa kami, iilan lang ang mga mantra at orasyon na kinakanta ng mga batang ka-edad ko. Ilan na dito ay ang mga sumusunod:

"1,2,3, Asawa ni Marie. Araw-gabi, walang panty.."

"Sabihin mo sa ate mo break na kami. Nakita ko ang panty niya ganong kalaki.."

Anong napansin niyo sa mga mantra? Parehong kasama ang panty. Eh ano naman ngayon kung panty? Bakit parang okay lang kahit na mga lalaki ang kumakanta nito?

Ilan lamang iyan sa mga nauso at nauusong mga kanta ng mga kabataan. Kumbaga sa kultura at buhay kalsada, iyan ang kanilang mga unang nursery rhyme. Sa mga kantang iyan, nahahasa ang kaisipan at at boses ng mga kabataan. At bonus na rin ang paglinang sa kanilang magagandang boses.

Pero sana, ang mga kinakanta nila, appropriate sa edad. Walang halong malisya. Walang double meaning. Walang elemento ng pagtawa dahil medyo bastos. Naniniwala kasi akong napaka-crucial ng pundasyon ng karunungan at paglinang sa pagkatao ng isang bata.

Bago pa man nila matutunan ang mga ganoong bagay, sana ay malinang na sa kanilang kaisipan ang mga magagand at may mga kabuluhang mga bagay.

Patnubay ng magulang ang kailangan. Tamang patnubay ng magulang ang kailangan.

Pero malabo yatang mangyari yun kung ang mga magulang nila ay nagto-tong-it at nag-iinom sa gilid ng “Pagawaan ng Bata Road.”

Justin Bieber, pray for us.

"Kubrador"

Natapos ko na ang mga revisions sa libro ng grade 4 at na-i-forward ko na rin sa lay-out artist. Salamat na lang sa aking 24-hour marathon sa pagtatrabaho.

For approval pa yung ginawa ko. Kapag pasado, may bonus pokus.

Kapag hindi pasado, magbebenta na lang ako ng isaw sa may kanto para may pera ako sa pasko.

Ang hirap kumita ng pera.

Makapag-jueteng na lang siguro. Milyones siguro ang kukubrahin ko doon.

Magpapaturo na lang ako kay Archbishop Oscar Cruz kung sino yung mga Jueteng Lords. Bow.


This is a personal blog where rants, raves, and everything in between is written and posted.

About the Blogger: His name is Juan, a frustrated writer who hails from a sauna town at the foot of Mount Makiling. He spends his being an overworked and underpaid High School teacher and being a self-proclaimed superhero who is dreaming and trying to make a difference, one post at a time.

For correspondence, please email me at juanrepublica@gmail.com

You can also find me at these websites:



Ninjas are Lurking at the Republic

Personal - Top Blogs Philippines






My Lakbayan grade is C!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.





"Speak now or forever hold your peace.."
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...