Post(s) tagged with "food"

Vice Ganda-Flavored Siomai

Since it is already late and we do not have an ample time to cook something for our dinner, my Nanay decided to buy siomai at the siomai haus somewhere in Junction.

Dinner came. I put some chili paste on my siomai for an extra kick. Minutes later, I was sweating like a pig. And my mother asked me:

Nanay: Maanghang ba yang siomai?
Juan: Hindi po! Pinapawisan na ako sa sobrang tamis ng siomai at hindi pa umuusok ang bibig ko. Hindi po. Hindi maanghang. Nanay naman! (laughs)
Nanay: (Boisterous laughter)

Simple moments. Simple happy moments with my family at the dinner table. This is the special bond and magic of the hapag kainan that Cardinal Rosales and the late Joey Velasco is trying to teach us on Hapag ng Pag-asa.

Ikaw? Kailan ka huling kumain at tumawa kasama ang iyong Pamilya?

Life is beautiful. Good evening everyone!

Lomi Overload
Isa sa mga pribilehiyo namin sa Seminaryo ay ang minsang paglabas sa kalapit na Lomi Haus upang ipagdiwang ang kaarawan ng isang kaklase. Isang beses lang iyon sa isang buwan. Kapag marami ang nagdiriwang sa isang buwan, sama-sama na ang pagdiriwang sa isang kainan.
Kung hindi naman kaarawan, maaaring magpaalam sa mga Prayle upang “mag-relax” matapos ang midterm exams o final examination. Ganiyan kami ka-simple kung magdiwang. Lomi lang, masaya na.
Iba ang Lomi sa Batangas. Kakaiba sa Lomi na nakilala sa Manila at Laguna. Loming Batangas na medyo malapot at mala-uhog ang texture pero pamatay sa sarap.Dalawa ang klase ng lomi - lomi at guisado. Mala-pancit/ chami ang texture ng guisadong lomi. Mala-uhog naman ang ordinaryong lomi.
Kanya-kanya ang bili ng Lomi. Iyong may birthday, siya ang bibili ng “bonus” - softdrinks at tinapay. Sabay-sabay lang kakain, tapos sabay kanta ng “happy Birthday”, okay na.
Halos lahat yata ng mga Seminarista ng Seminaryo namin ay nakatikim na ng Lomi. Paborito kasi namin ‘yun. Madalas nga, bago bumalik ng Seminaryo matapos ang buwanang pag-uwi sa aming mga bahay, dumadaan pa kami sa Lomihan para kimauin.
Kung magagawi ka sa Marawoy, Lipa City, subukan mo ang Lomi ng Bee Gee’s at LBN Lomi House. Silihan mo na din ang toyo para mas manamnam mo ang sarap. Binge! :)
Bee Gee’s at LBN, babayaran niyo ako sa pag-promote ng Lomi Haus niyo ha? Nostalgic ang pagsusulat kong ‘to. Ang dami kong nahahalungkat na mga pictures sa Multiply. Mga larawan during my seminary days. :’)

Pancit Canton Overload!
Ganito kami kung magluto ng aming paboritong Lucky Me Pancit Canton sa Seminaryo. Maramihan. Nasa kahon kapag bumibili sa Supermarket. At sa isang semi-batya/ palanggana hinahalo. Ganito ang espirito ng brotherhood. Lahat dapat ay makakakain. Walang lamangan. Communal ang mga bagay-bagay.
Pero iyan ay isa lamang privelege. Oo, isang pribilehiyo. Hindi basta-basta nakakapagluto ng Pancit Canton. Ang pagluluto at pagkain ay sa tuwing may okasyon lamang o may programa. Doon din namin natutunan ang asceticism - magtiis at pagtiyagaan kung ano ang nakahain sa iyo.
Dahil bihira nga kaming lumabas ng Seminaryo, espesyal na sa amin ang Pancit Canton. Hindi naman mahalaga kung ano ang kinakain - ang mas mahalaga ay ang salo-salo at kapatiran sa hapag kainan.
At iyon ang dahilan kung makit tayo kumakain: Hindi lamang upang mabusog at magkaroon ng sustansya kundi upang ipagdiwang ang buhay. pakikipagsalo, pakikipagkaibigan, at pagbibigayan.
Ako nga pala yung kalbo na naka-salamin na dumudukwang sa Pancit Canton. Malinis ang kamay ko. Kakatapos ko lang noon magbigay ng Banal na Komunyon. :)
Naghahalungkat ako ng mga nostalgic na larawan sa aking Multiply. Medyo naluluha ako sa tuwing makakakita ako ng mga larawan noong ako ay nasa loob pa ng seminaryo. Sana ay makabalik ako. Sana po. Amen.

Of Scythes and ‘Bahaw’

I hate Saturdays. I hate it especially when the assigned task is to cut grasses under the scorching heat of the sun. Curse those grasses who have nothing to do except to grow taller and be trimmed by seminarians and to grow again a few weeks after.

The process is already a cycle – a part of formation of any seminarian enrolled under the banner of St. Francis de Sales Seminary. You will never be a “true blue Anakiko” if you have not experienced cutting grasses within the confines of the seminary. Well. I have learned in our discussion in Philosophy of Man that the perfection of these green creatures is to grow – so nothing can stop them from growing taller and taller and creating a menace for seminarians like me for as long as their roots are still intact and planted in our fertile soil. In this case, it is but necessary to use our scythes to trim those grasses – and somehow add beauty to our compound. With this, I can say that literally, the grass is always greener at our Institution.

Oh, those scythes. Perhaps, aside from our textbook History of Philosophy by Fr. Frederick Copleston, this is a must have paraphernalia in the institution. For a better performance and result in cutting grasses, the Seminary Fathers provided us a quality 200 peso-worth scythe – the “super scythe” as what we call it. Well, the price is worth the result. It gives us the precision and accuracy in cutting those grasses. The blade is sharper than my previous scythe.

They have made a good choice in choosing a sharper blade – except that some of them were already detached from their handle after a few swings.

But the performance of this scythe will still depend on me. This scythe – as a non-living being – will not move by itself. It has no self-operation. It will not cut grass by itself. Its action is transient – it needs an agent to act upon itself (the patient). It needs the voluntary movement of my arm and hand for it to cut the grass. It needs an excellent, if not perfect combination of the swing of my arms, the force of the action, and a precise aim to cut the grass thoroughly. This is the great peculiarity between living and non-living beings: living beings are capable of self-operation while non-living beings are not.

Ironically speaking, there are times that I am “degrading” myself into a non-living being. I need to be “moved” by another, by an agent, before I act. Pressures, authority, deadliest deadline, name it. My reasoning? It is not a matter of life and death anyway and I will not gain great profit from that thing. I do not have a sense of initiative. Pathetic.

But don’t get me wrong. Saturdays are not always a hell-on-earth experience for those seminarians who are not born to be inclined in manual work – like me.

I love Saturdays because of the so-called “heavy merienda.” Define heavy merienda in the seminary parlance. A bun with peanut butter and orange juice is enough to relieve our hunger brought by morning’s work. It is but a variation from our usual everyday snack like Happy House, Spanish bread, Wafer Time, Coco Ube and all their relatives to the farthest degree

I love to eat – isn’t it obvious in my figure? But that love (or lust) for eating almost led me to a misconception in life – as a seminarian and as a growing young man.

It was January 23, 2002, a day before the feast of St. Francis de Sales, our patron. I was a freshman then in the minor seminary. We’ve just arrived from the college seminary after watching the Actus Academicus I entitled “Baril o Kaligtasan.” After our night prayers, I decided to pass by the refectory to drink water before retiring to bed.

It happened that there are a number of seminarians devouring the “presbyteral leftovers” – the leftover dinner of the priests. Without a second thought in my mind and without taking into consideration that it is one of the heinous crimes in the seminary, I joined them and feasted on the food. Well, the reason is obvious. We are hungry and their food is much better than our food (talk about hierarchy and disparity). 

I was about to sleep when someone told me that I was called by Fr. Raul Martinez, the rector, in his room. I found out later that after I left the refectory, one of our partners in crime was caught by the kitchen staff and instead of suffering the consequences alone, he pinpointed all the seminarians involved in the “bahaw sessions.” The rector gave us a heart-piercing and ego-crushing admonition. Before leaving his room, he left us with these words that I can still remember up to this day – “Man eats to live but he does not live in order to eat.”

Some may judge that our snacks here in the seminary are not as good as those typical snacks of the college students outside. Well, they may have a point. But what gives the “real taste” for our heavy merienda, the stereotypical one-peso bread, and all our food here in the seminary (yes, including the dreaded rubber-turned-liver) is neither the ingredient nor the food preparation.

It is the experience of eating with your brother-seminarian over a good story or horsing around about a funny experience. Based on my experience, the food – no matter how good it is – would taste different if you eat it by yourself. After all, the purpose of rating is to celebrate life. It is but necessary to share what we have with others. If you are eating in order to fill up your hungriness and the empty spaces in you, then you are not different from an irrational animal.

I have my “super scythe.” I learned something from eating bahaw. I am a man endowed with intellect. I am not an irrational animal. I am thankful.

This article was written on July 31, 2007, 1:50 PM, as a requirement for the subject Philosophy of Man when I was still in the College Seminary.

I have decided to post and share this article, together with my other Philosophy papers in order for you to have a glimpse of the “practicality” of Philosophy and to share my insights when I was still inside the institution.

I believe that philosophy, despite being called an impractical and a “boring subject”, is the key on answering the timeless inquiry of man about life and a great tool for having a meaningful and reflected life.

Muffins and Kapeng Barako Anyone?
While most of the eLBikada went to Pansol, Calamba City for Max’s unlimited chicken promo, I am stuck here in my dungeon with responsibilities to take care of, munching these fresh-from-the-microwave-oven Kenny Roger’s muffins and my Ninoy Aquino mug of Kapeng Barako.
Oh well, there are things in life that you should do first. As the great Stephen Covey said in his book 7 Habits of Highly Effective People, "Put First things First."
Kapeng Barako straight from Batangas is love. Go and brew your own! 

Danggit and Kapeng Barako Overload!

My sister and I had this for our lunch. Tinatamad kasi akong magluto ng iba dahil frozen ang mga karne sa freezer. At sawa na din ako sa karne. Nakaka-high blood ang cholesterol at presyo.

Fresh from Cebu itong danggit namin. (Or should I say dried from Cebu? Hindi naman kasi siya fresh. Okay corny.) Salamat sa mabait na colleague na nagpasalubong sa amin. Wala kasi akong tiwala sa mga danggit na ibinebenta dito sa amin. Baka matagal ng naka-stock.

Tapos, panalo ang sawsawan. Suka na galing sa buli. Iyong puno na kapamilya ng palm na ang dahon ay ginagawang banig. Sakto lang ang acidity. Hindi nakakasamid. At natural ang pagkakagawa at walang halong kemikal.

Tapos may kasabay na mainit na kapeng barako. Oo, kapeng barako for lunch. Isasabaw sa kanin. Epic win!

Ah, the wonders of living here in the Philippines. Iba talaga ang mga pagkain. Why spend a lot sa mga mamahaling resto at fastfood kung merong mga available na pagkain mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas?

Merging of culture. Puwede sa pagkain. Sana puwede din sa totoong buhay. Tayong mga Pinoy kasi, we tend to be regionalistic. Kanya-kanya. Sila sila. Sana may unity. At kapag may unity, makakamit natin ang pagbabago.

Magandang tanghali sa inyong lahat. Padayon!

I have this weird combination when it comes to food. Go ahead. Binge! :)

I have this weird combination when it comes to food. Go ahead. Binge! :)

BAKIT MALIIT NA ANG PANDESAL? Oo na. Mahal na ang harina at asukal. Kaya naapektuhan na ang paboritong almusal nating mga Juan at Juana. Sa lapad kong ito, bite size na lang sa akin ang pandesal. Huwag sanang dumating ang araw na kasing laki na lang ng munchkins ang pandesal.
Photo taken this morning at Barangay Dela Paz, Batangas City sa bahay ng mga grandparents ko. 9 days kasi ngayon ng kamatayan ni lolo kaya umuwi kami ng bukid. Kagigising ko lang niyan kaya mapungay ang mata ko - hindi po ako nagpapa-cute. :)

Mga Aral ng Buhay Mula sa Atay

Isa sa pinakasikat – kung hindi man isinusumpa – na ulam sa seminaryo ay ang atay. Kinasasabikan ng (ng iilan) at pinagtitiyagaan (ng nakararami – emphasis needed). Nginit huwag sana kayong maiiskandalo o simulang i-boycott ang pagkain ng liver. Hindi lahat ng atay ay katulad ng tinutukoy sa artikulong ito. Ang tinutukoy ko lamang ay yung mga nililuto ni Mama Esther (Cook namin sa Seminaryo).

Sabihin na lang natin na mayroong pambihirang sangkap at espesyal na paraan ng pagluluto ang (in)pamosong atay sa loob ng seminaryo. Kung iyong titingnan ay para lamang itong isang ordinaryong “pacham” na putahe (Sa mga die-hard Coño at trying-hard Coñologs na hindi naintindihan ang “pacham”, that means “Pachamba” o bahala na kung ano ang kalabasan).

Ngunit ang tunay na dahilan kung bakit ito sumikat ay kapag isinubo mo na ito sa iyong bibig at nginuya (The million-dollar question: Kayanin mo kaya?). Sa pagnguya mo ay parang nararamdaman mo na lang ang iyong mga ngipin na tila ba gustong kumalas mula sa pagkakakabit sa iyong gilagid. Na parang gulong ng kotse ang iyong nginunguya at puwedeng i-donate sa vulcanizing shop para ipangtapal sa mga butas ng gulong. Mapalad ka na kung hindi mag-lock ang iyong mga panga pagkatapos mo itong nguyain.

At ito ang dahilan kung bakit bininyagan ang kaawa-awang atay bilang “mala-gomang atay” o “Libber” – contraction ng liver at rubber!

(Trivia: Minsan e medyo hilaw pa ang loob nito. Yung nalalasahan mo pa ang lansa at may konti pang mga dugo. Waw! At katulad ng ordinaryong goma, wala itong lasa. Panalo hindi ba?)

Ako ‘yung klase ng taong hindi masyadong nagrereklamo sa pagkain na inihahain sa loob ng seminaryo. Kinakain ko kahit ano pa man ang inihain. Ngunit may mga pagkakataong sumusuko na ang aking panga sa pagnguya ng goma. Katawan ko na ang nagrereklamo sa akin na tila gustong sabihin na: “Wala ka na bang ibang matinong puwedeng kainin?”

Pero salamat na rin sa pagkain ko ng goma. Natuto ako sa iba’t ibang kaalaman. Namulat ako sa katotohanan ng buhay. Natutunan ko ang ang maraming bagay.

Ang buhay ng tao ay hindi puro sarap. Alam mo ba kung bakit hindi nakakaumay ang kanin kahit araw-araw mo itong kinakain? Bukod kasi sa ito na ang likas at nakasanayang pagkain nating mga Noypi, ang kanin kasi ay sinasamahan ng ulam. Ang ulam ang nagbibigay lasa sa kanin.

Per malinaw sa atin na ang buhay ay hindi lagging kasing sarap ng ating paboritong ulam. Lagging may dumadating na “mala-gomang atay” at iba pang kinaaayawang ulam. Dapat nating tanggapin ang malasang katotohanang kahit ano pang sarap ng ating tinatamasa ay may dumarating na hirap.

At ng dahil sa katotohanang dumadating ang mga Jurassic na bagay sa ating buhay, natutunan ko ang kahalagahan ng pagtitiis. Kung wala sa’yo ang gusto mo, gustuhin mo kung anong mayroon sa’yo. Ang buhay naming ditto sa loob ng seminaryo ay lagging may kakambal na hirap at pagtitiis – sa hirap ng pag-aaral ng mga nakakapraning na Aralin sa pilosopiya, ang palagiang paghahanap ng matrikula (aminin na nating pinapatakbo ng kapitalismo ang seminaryo at mayroong patakarang “no pay, no exam”), pakikisama sa mga kapwa seminarista – na ‘yung iba e parang mga “chicks” kung umasta (hehehe!), apostolado at paglilingkod sa mga mahihirap, hampas lupa, maysakit, bilanggo, kabataan, at sa sambayanan ng Diyos, ang pagiging malayo sa pamilya, mga “karelasyon” at minamahal, at sa buhay ispiritwalidad na lagi na lamang inaatake ng panunukso ni Taning.

Laging may mga tukso at panghihina ng loob. Hindi madali ang pagsunod kay Kristo. Madaming kailangang isakripisyo. Ngunit pagkatapos ng dilim ay sisikat din ang araw. Konting tiis. Matitikman mo din ang ibang ulam – lumpiang wrapper, kahit-na-anong-luto-sa-bangus, laing na may hitsura at teksturang poopoo, at ang miswa’t balatong (monggo) na pampataas ng talon sa basketball. Hindi laging “mala-gomang atay” ang buhay.

Nang dahil sa pagtitiis at pagtitiyaga, natutunan ko ang kahalagahan ng pagsunod. Kainin mo kung anong pinaghirapang ihain sa iyo. Totoong napakahirap ang sumunod. May kanya-kanya kasi tayong gusto. At isa pa, masarap ang bawal. Ang prinsipyo ko at nung mga “idol” ko sa paggawa ng kalokohan: “Hindi bawal hangga’t hindi nahuhuli.”

Mahirap makawala. Nagiging alipin tayo ng ating mga sariling kagustuhan. Ngunit walang mawawala kapag tayo ay sumunod sa tamang landas. Sadyang ginawa at dinisenyo ang mga patakaran at batas upang tayo ay mapabuti at mahubog sa mabubuting bagay. Walang batas ang ginawa upang mapahamak ang tao.

Ngayon, alam ko na ang tunay na kahulugan ng pagnguya ng mala-gomang atay. Pero please Lord, bigyan niyo po ako ng mas matibay na ngipin at panga.

SWEET AND DELICIOUS. I always crave for this sweetcorn. Mas gusto ko ito kumpara sa Japanese sweetcorn on a stick with butter and salt. Hirap kasi akong kumagat dahil hindi masyadong alligned ang teeth ko sa unahan (I have yet to go to the dentist and have an expensive alambre placed).
A mixture of cheese powder (na puro asukal lang naman), butter (more of a lard), corn, its sabaw, and bonus buhok ng mais. Sweet satisfaction! Who needs an expensive treat if you have Manong’s twenty-peso cheese-flavored sweetcorn?
Go ahead! Binge! :)

This is a personal blog where rants, raves, and everything in between is written and posted.

About the Blogger: His name is Juan, a frustrated writer who hails from a sauna town at the foot of Mount Makiling. He spends his being an overworked and underpaid High School teacher and being a self-proclaimed superhero who is dreaming and trying to make a difference, one post at a time.

For correspondence, please email me at juanrepublica@gmail.com

You can also find me at these websites:

Ninjas are Lurking at the Republic

Personal - Top Blogs Philippines

My Lakbayan grade is C!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

"Speak now or forever hold your peace.."
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...