Post(s) tagged with "culture"

Mag-Divorce na lang Tayo! (O kung Bakit Mali ang Diborsyo)

Hindi pa man natatapos ang nakaka-high blood usapin tungkol sa Reproductive Health Bill, heto na naman at may bago na namang pakulo ang ating mga talentado at nuknukan ng galing na Crocodylus mindorensis na mga mambabatas.

Kesyo tayo na lang daw ang bansa sa buong mundo na hindi nagpapahintulot ng diborsyo (bukod sa Vatican City siyempre) matapos itong pahintulutan ng mga mababatas ng Malta, napapanahon na daw na pahintulutan ito sa Pilipinas upang “umayon sa makabagong panahon”. May mga nagsasabi pa ngang isang malaking ka-ipokritohan ang hindi payagan ang diborsyo sa isang bansang pinapayagan naman ang mas magastos na annulment (Matalino ka. Alam mo naman siguro ang pinagkaiba ng dalawang iyon. Hayaan na lang natin.).

Nagmula ako sa isang liberal-ngunit-konserbatibo-tungkol-sa-mga-turo-ng-Iglesia-Katolika na pamilya. Ang mga magulang ko ay kapwa mga naglilingkod sa aming Parokya. Kaming magkapatid ay parehong nasa Seminaryo at nag-aaral para maging Prayle sa hinaharap. Kaya’t ang usapin ng diborsyo ay malayo sa posibilidad na tanggapin ko at ng aking Pamilya.

Pero paano naman daw ang mga hindi Katoliko? Iyan ang madalas na katanungan ng ilan na palagi na lamang parang mga inasnang bulate kapag naglalabas ng pahayag ang mga tinatawag nilang Damaso. Ang usapin ng diborsyo ay hindi lamang usaping Katoliko. Ito ay usaping panlipunan. At may mga epekto ang diborsyo hindi lamang sa kabanalan ng matrimonya ng kasal kundi pati na rin sa usaping pangkalusugan, psychological at psycho-emotional.

Masuwerte ako at hindi sinasadyang nakahanap ako ng materyales para ipaliwanag ng mas maiintindihan ng nakararami ang aking punto tungkol sa aking pagtutol sa diborsyo. Nasa isang pagpupulong ako kahapon sa Seminaryo at hindi sinasadyang nakakita ako ng pahayagan ng Arsidyosesis ng Lipa at aking nabasa ang kolum ng isa sa aking mga iniidolong Pari - si Msgr. Ruben Dimaculangan, isang Pilipinong Pari na dating Ambassador ng Vatican City sa United Nations.

Bakit nga ba hindi mabuti ang diborsyo? Narito ang ilan sa mga puntong kanyang isinulat: 

  1. Kasi, kung merong mga failed marriages, meron ding mga bad divorces.
  2. Hindi karaka-raka binugbog ang babae ay diborsyo kaagad ang solusyon.  Ang gamot sa pambubugbog ay presinto. Pustahan at mas-dadami ang pambubugbog kung bubuksan ang pintuan para sa diborsyo.
  3. Ibinubukas ng diborsyo ang okasyon sa mga kabataan na maging iresponsable sa pagpili ng mapapangasawa. Lalo nitong ibinubuyo sila na paglaruan ang pag-ibig, lalo na ang kababaihan.
  4. Ibinababa ng diborsyo ang dignidad ng kasal bilang banal na pagsasama. Para bang ang pagpili ng pangangasawa ay pagpili ng kalakal at hindi isang pakikipagtipan.
  5. Ang diborsyo ay walang iniwan sa paglalagay lang muna ng iyong “lumang buhay” sa kapahingahan.  Tapos, susundan mo naman ito ng paglalalang ng sitwasyon ng bagong problema sa buhay sa muling pag-aasawa.
  6. Sa diborsyo, ang mga abogado ay pwedeng maging bahagi din ng problema. Merong mga iskwelahan na naghuhubog ng mga abogado upang maging analytical pero hindi naman talaga upang makatulong.  Ang inaatupag ay ang pag-atake sa kahinaan ng isa sa mga partner o ng kalabang abogado at sa bandang huli iniiwan ng diborsyo ang naghiwalay na mag-asawa na matabunan ng utang sa abogado o sa problemang emosyonal
  7. Ang diborsyo ay laging mali dahil pagtalikod ito sa sumpa ng mag-asawa na sila ay magsasama habang buhay. Maraming problema ang malulutas kung ang mag-asawa ay magdedesisyon na ibangon ang kailang kasal nang may determinasyon sa tulong ng Diyos at sa tulong rin ng kanilang kapwa (lalo na ng mga ninong/ninang).
  8. Ang diborsyo ay magiging suliraning panlipunan dahil inaatake nito at unti-unting winawasak ang pamilya, ang kakayanang magtalaga ng bawat salit-saling lahi hanggang sa marating nila ang puntos na maging okey lang para sa lahat ang maghiwalay kahit saang puntos ng pagsasama sila andoon.
  9. Mali ang diborsyo dahil sa bawat problema, diborsyo lagi ang nakikitang solusyon. Pinapapaglaho ng diborsyo ang halaga ng sakripisyo, pagsisikap, determinasyon, pagbibigay ng sarili, pagtatalaga at ang tulong ng biyaya ng Diyos.
  10. Pagtakas sa problema kaysa pagharap sa suliranin ang kulturang unti-unting itinuturo ng diborsyo.
  11. Pagkatapos ng mula hanggang 10 taon diborsyo, batay sa 20 taong pagsasaliksik, ito ang nagiging ugat ng kahirapang pinansyal ng asawang babae at ng kanilang mga anak. (Amberl, 1998; Bouchard et al, 1991:6; Ross, Scolt and Kelly, 1995 :67).
  12. Kaunting-kaunti lang ang ebidensya na nagpapakitang ang diborsyo ay nakakabuti sa mga anak.
  13. Nagdudulot ang diborsyo ng behavior problems sa mga anak, ng pagdami ng maagang pagbubuntis, pagdami ng gumagamit ng droga, problemang psychological (anxiety, loneliness, low self-esteem at physical (sakit sa puso,diabetes, cancer).
  14. Ang problemang ganito, na nakasaad sa itaas, ay nakikita na kaagad sa divorce process pa lang kung saan pinagtatalunan ng mga magulang kung sino ang dapat sisihin, kung papaano hahatiin ang ari-arian, kung papaano aalagaan ang mga anak, kung kanino titira ang mga anak at kung papaano magpapanimula muli ng kanilang social network.
  15. Kahit ang relasyon ng mga anak ay sinisira ng diborsyo. Nababawasan ang pagtitiwala nila sa isa’t-isa habang sila ay tumatanda.
  16. Kaya nga, sa pagdami ng hindi malusog na populasyon, ay kasunod ang pagbaba ng pangkalahatang standard of living ng lipunan.

O baka sabihin ninyo, bigotry itong ginagawa ko. Ang akin lamang, ibinabahagi ko ang aking natutunan para sa ikabubuti ng nakararami. Tutal, may kalayaan ka naman na gumawa ng sarili mong opinyon at igagalang ko iyon katulad na rin ng sana ay paggalang mo sa aking opinyon.

Maaaring sabihin ng iba na tayo na lamang ang natitirang bansa na walang diborsyo at sa tingin ko, hindi iyon maituturing na sumpa kundi isang biyaya ng Diyos. Marami sa ating kultura at mga tradisyon bilang isang Pilipino ay nakaugat sa pagkaka-ugnay-ugnay at pagkakabuo ng Pamilya at nakapanghihinayang kung may mga pamilyang tuluyag masisira.

Maaari ding tingnan ng iba na walang moral authority ang mga Obispo ang Simbahan dahil sa samu’t-saring kontrobersiya na hinaharap nito (Pajero Bishops, mga abusadong Pari, etc.). Ngunit tingnan niyo ito. Masasabi mo bang walanghiya ang isang pamilya kung may iisa o iilang black sheep dito? Masasabi mo bang dysfunctional ang isang angkan kung may isang Pamilya na nasira at nagkahiwalay? Hindi di ba? Ang iilan ay hindi sumasaklaw sa kabuuan. Mas marami diyan ang Obispo at mga Pari na mabubuti, banal, at tumutulong at naglilingkod sa Diyos at sa kapwa ng buong puso at buong pagkatao.

Na-e-exaggerate at nase-sensationalize lamang ng media (telebisyon, radio, print, at internet)  ang mga balita tungkol sa iilan.

Sila ang makabagong weapons of mass destruction ng kasalukuyang panahon.

Bumalik tayo sa paksa ng artikulong ito. Tama ba ang diborsyo? Hindi. Sa tingin ko, dapat munang unahin ang pinaka-ugat ng problema bago sugpuin ang problemang lumago na. Kumbaga sa commercial, patayin ang ugat ng fungi.

Hindi basta-basta ang pag-aasawa. Sa pagpili ng mapapangasawa, dapat ay naroon ang tamang pagkakakilanlanan, tiwala, respeto, at pagmamahal sa isa’t-isa. Dapat din sigurong ituro ang tamang values formation na siyang ugat ng pagkatao o kung “magiging ano” ang isang tao sa hinaharap.

Edukasyon at tamang values formation. Hindi Divorce revolution. At siyempre, ang patnubay ng Poong Maykapal. Amen?

Ipinapanalangin ko na maging matatag ang mga mag-asawa at ang mga Pamilya lalung-lalo na sa modernong panahon kung saan ang patnubay sa mga anak ay tila napapabayaan na at angvalues ng mga kabataan ay kung saan-saan na nakukuha .

Pag-ibig at kapayapaan sa ating lahat. Padayon!

Source: archlipa.org

Si Juan, Ang Doktor, Ang Burgis at si Lolo (Isang Dayalektiko)

“Philosophy graduate ka lang? Anong maitutulong mo sa amin?”

Iyan ang mga katagang sinabi sa akin ng isang propesyonal na nakasama ko noon sa aking trabaho. Isa siyang doktor. Isang inirerespetong Doktor ng Medisina sa kaniyang larangan. Sa pakiramdam ko noon ay parang niyurakan ang aking pagkatao, act and potency. Kasama na ang pakiramdam na para na ring naging biktima ng medical malpractice ang mga comrades ko sa loob ng seminaryo na nagpapagal at nagsusunog ng kilay sa pag-aaral ng Pilosopiya.

Aminin na nating mga alipin at mga minsang naging alipin nina Frederick Copleston, Henri Renard, Paul Glenn, Samuel Enoch Stumpf at Vincent Potter. Nangangagat ang katotohanan. Limitado ang oportunidad para sa ating mga nagtapos ng Pilosopiya. Kung wala kang malakas na backer at hindi ka madiskarte sa paghahanap ng trabaho, kadalasan, teacher ng Pilosopiya at Teolohiya o Kolboy sa BPO Industry ang bagsak mo. Kolboy na babad sa radiation ng computer at nakikipagtalo sa mga foreigner sa telepono gamit ang fake American accent.

Matapos ang carefully-planned at well-executed na mutiny laban sa akin ng mga comrades at superiors ko sa seminaryo, hindi agad ako nakapaghanap ng trabaho. Bukod kasi sa aberya sa transcript of records ng batch namin, hindi agad nag-sink in sa akin ang mga bagay-bagay. Planado na kasi ang pagtuloy ko sa Theology Department ng Arsidiyosesis ng Lipa (Taga Diyoseis ng San Pablo ako). At kasagsagan noon ng global financial crisis, hassle maghanap ng trabaho.

Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi sumama ang loob ko sa mga comrades at superiors ko. Pakiramdam ko noon ay para akong tinraydor ng aking mga kapatid at mga magulang. Na para akong itinakwil ng aking sariling Pamilya. Nilasing ako ng paniniwalang may mga taong traydor at magaling lamang kapag kaharap. Nilunod ako ng kaisipang biktima ako ng isang makabagong inkwisisyon ng simbahan.

Ngunit sa kabila noon, hindi ako nagtanim ng galit. Hindi ko sinubukang maghiganti a la Napoleon Bonapartre French Revolution-style o Ampatuan-flavored mass murder sa mga prayle at seminarista. Hindi nawala ang respeto at paggalang ko sa kanila. Dahil sa kabila ng lahat, nandoon pa din ang katotohanang mayroong pagkukulang at pagkakamali sa akin - na kailangan kong punuan at ayusin sa labas ng seminaryo. Na ginawa lamang nila ang kanilang parte bilang mga magulang at kapatid na nagtutuwid at nagdi-disiplina sa anak.

Respeto. Isang makatao at pang-taong ugali at gawain. Para lamang sa mga rational animals na pinagkalooban ng freedom at intellect. Kaugalian at gawaing ipinagkaloob lamang sa pinakamataas na uri ng nilalang - tao. Tao lang. Hindi kasama ang hayop. Hindi kasama ang mga irrational animals. Kaya’t ang mga katagang “Hayop Ka!” na sinasambit ng isang taong walang paggalang at respeto ay akma at may malalim na pakapahulugan.

Respeto. Sinasabing nagkakaroon lamang ng respeto kapag ganap na kilala ang isang tao. Kapag nagkaroon na ng koneksyon o kaya naman common ground sa pagitan ng dalawang indibidwal. Kapag na ng koneksyon at pagkakakilanlan, doon papasok ang tiwala. At kapag nabuo na ang tiwala, mabubuo ang respeto at paggalang. Maaari ding magkaroon ng respeto ang isang indibidwal sa mas nakakataas sa kanya. Ang empleyado sa kanyang bosing. Ang anak sa kanyang mga magulang. Ganyan ang respeto sa kontekstong pinaniniwalaan at tinatanggap ng lipunan. Ngunit hindi iyon ganap.

Sa paglabas ko ng seminaryo, mas namulat ako sa realidad ng buhay sa totoong mundo. Mas nakilala ko ang realidad ng buhay na malayo sa comfort zone ng seminaryo. Madami akong nakilalang mga tao na mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan. Naging libangan ko ang pagsusulat at pagba-blog ng mga bagay-bagay na aking nasasalubong sa isang araw. At ang madalas kong maisulat ay ang araw-araw kong karansan sa realidad ng marginalization ng mga burgis at dukha.

At ang isa sa hindi ko matanggap ay ang konsepto ng mga burgis ng “breeding.”

Breeding. Iyon daw ang distinction ng mga burgis sa masa. Ng may pinag-aralan sa mangmang. Ng sosyal sa jologs. Ng laking aircon sa mga hampas lupa. Wasak. Kung dati ay ginagamit lang ang salita sa besprend ng tao (read: anong breed ng aso niyo?), ngayon ay ginagamit na din sa tao. 

Para bang gustong sabihin ng mga taong “may breeding” na askal ka, may lahi ako. Iyon ang hindi ko matanggap at lubos na maunawaan. Gamitin nating halimbawa ang mga aso. Lahat naman ng aso ay may breed. Ang totoong issue lang ay kung imported o lokal. Nakasanayan lang natin na kapag sinabing ang aso ay “may breed”, ang iniisip natin agad ay ang magagandang lahi na imported.

Hindi ako sumasang-ayon sa pahayag ng mga burgis ng “kulang sa breeding” ang mga tao sa ibaba nila. Lahat ng tao ay may breeding, iba-iba nga lang. Kung paanong inirerespeto at dapat nating respetuhin ang kultura ng iba, gayundin naman ang “upbringing” at kinalakahian ng isang tao. Pantay-pantay tayo mga matapobreng utak aso.

Lahat tayong mga tao ay nilikha ng pantay-pantay at pare-pareho. Pare-pareho tayong mga Homo Sapiens. Pare-parehong binubuo ng mga cells, tissues, at organs para maging isang tao. Pare-parehong may freedom at intellect. Pare-parehong mamamatay. Pare-parehong nasa iisang puwesto sa Tree of Porphyry. Lahat tayo ay pantay-pantay ng mga substantial, corporeal, sentient at rational animals.

Nandiyan ang katotohanan ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao dahil sa yaman, pinag-aralan, at social status. Ngunit ang mga iyon ay aksidente lamang - maaaring andiyan, maaaring wala. 
Magpasalamat ka kung isinilang ka sa may kayang pamilya. Kung niloob na paglaruan ng Cosmos ang tadhana, puwede kang isilang sa isang dukhang pamilya. O kaya isa sa miyembro ng mga tribo sa Africa. Chumamba ka lang. Tandaan mong isinilang tayong lahat na walang saplot. At kapag namatay ay mabubulok at kakainin din ng lupa.

Kung sa buhay mo ay wala kang respeto at paggalang sa kapwa mo tao, wala kang pinagkaiba sa hayop. Kung ang tingin mo sa sarili mo ay hamak na mas mataas kumpara sa ibang tao, hindi ka tao. Itinuturing mo ang sarili mong Diyos. Hangal! Subukan nga natin ang kapangyarihan mo? Kung hindi mo naiisip na pantay-pantay tayo, ibigay mo na lang ang talinong ipinagkaloob sa iyo ng Lumikha. Sayang at hindi mo naman ginagamit.

Isinusulat ko ang artikulong ito sa malayo at bundok na Barangay ng De La Paz, Lungsod ng Batangas habang binabantayan ang aking lolo na iginupo ng stroke. Hindi man siya comatose, palagi siyang natutulog, hindi makapagsalita, ang pagkain ay ipinapadaan sa tubo, at kung huminga ay parang si Darth Vader - staggard at parang palaging nahihirapan. Kailangang palaging may nakabantay sa kanya dahil gusto niyang tanggalin ang tubo na dinadaanan ng kaniyang pagkain.

Nakakakilig at may kurot sa puso ang ginagawang pag-aalaga ng lola sa kaniyang asawa. Kinakausap. Nilalambing. Nililinisan. Pinapalitan ng diaper at damit. Kung minsan nga ay umaalis na lang ako sa tabi dahil baka hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking luha.

Nakakataba ng puso ang maya’t mayang dagsa ng mga taong dumadalaw. Bata, matanda, Thunder Cats, octogenarian, kamag-anak, kapitbahay, kakilala. Nakakatuwang isipin na sa simpleng pagdalaw at pakikipagkuwentuhan, nakakabawas ng pagod at sakit na nararamdaman naming pamilya. Iyon bang simpleng pagdalaw at pakikiramay dahil minsang naging parte ang lolo sa kanilang buhay. (Balita ko pa nga’y may mga pulitikong dumalaw noong nasa ospital pa ang lolo. Kung kawanggawa man o political strategy na maituturing, hindi ko alam).

Ang mga taong iyon ay mga taga-bukid. Ang ilan ay High School lamang ang tinapos. Ang ilan ay pangingisda lamang at pagtatanim ang alam na ikabubuhay. Mga itinuturing na “lesser being” ng mga nasa itaas.

Hindi mo naman kailangang maging edukado at magkaroon ng mataas na pinag-aralan para ipakita ang iyong respeto, pakikiramay, at paggalang sa kapwa mo tao. Sapat na ang malaman mo at isabuhay ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay at pagkakaugnay-ugnay nating mga tao.

Hindi mga doktor ang mga ordinaryong tao na dumadalaw sa lolo. Pero napapagaan nila ang aming kalooban at nabibigyan ng kasiyahan na hindi kayang gawin ng ibang doktor. Hindi mo kailangang magtapos ng medisina para “makapagpagaling” ng isang tao. Sapat na ang marunong kang makiramay, rumespeto at makipag-kapwa tao.

At sa aking opinyon, hamak na mas mabuti iyon kumpara sa doktor na ang pananaw ay walang maitutulong ang mga pilosopong nag-iisip at nagninilay ng mga ganitong bagay.

Pag-ibig at kapayapaan para sa ating lahat. Padayon!

Ang artikulong ito ay nakalaan para sa “Virtually Unconditioned” column sa The Prolegomenon (Opisyal na pahayagan ng St. Francis de Sales Major Seminary, Lipa City). Ang column ay nakalaan para sa mga “virtual seminarians” - mga seminaristang nasa labas ng seminaryo at nasa ilalim ng regency program. Isang malaking pag-uuyam (irony) na noong panahon ko bilang editor-in-chief nagsimula ang Virtually Unconditioned. Magsusulat din pala ako dito? Wasak!

Una itong nalathala sa aking blog noong isang taon - bago mamatay ang aking Lolo. Pinili kong i-publish siyang muli para sa mas maraming mambabasa. At para ipaalala sa ilan ang tila nakakalimutang respeto sa kapwa - lalo na ngayong malapit na ang Mahal na Araw.

Source: juanrepublic

Ang Kulturang Pamana ni Willie sa mga Noypi

“Hindi niyo ba alam ginagawa kayong tanga?” - Itchyworms (2006)

Exploiting poor people’s stories para tumaas ang ratings, magmukhang bida at mabait ang host (konti na lang Messiah na), at makalikom ng maraming pera at sponsor. Ganyan ang tingin ng ilan sa istilo ng entertainment ng modern-day Messiah Willie Revillame.

Mula Wowowee hanggang sa Willing-Willie. Kunsabagay, halos wala ng namang pinagkaiba ang formula ng dalawang programang iyon. Matatandaang naghabol pa ang ABS-CBN noon sa TV-5 at sa Wil Productions dahil sa diumano’y copyright infringement ng Willing-Willie sa Wowowee.

Sinasabing ang mga nasabing programa ni Revillame ay puno ng exploitation sa masa at paggawa sa mga itong uto-uto at tanga kapalit ng ligaya (ng mga manonood) at pera.

Pero iyon nga ba ay maituturing na exploitation? O isang mababaw lamang na uri ng kaligayahan at entertainment dala na din ng ilang dekadang ganoon-na-lamang-palagi-ang-format na mga programa? Dahil ba nasanay na ang mga gumagawa ng mga programa na ganoon ang aliw na kinagigiliwan ng masa? Ano nga ba ang naghihiwalay sa exploitation at entertainment?

Exploitation o entertainment? Narito ang ilan sa aking mga napansin.

Bakit kailangan pang i-broadcast sa telebisyon kung gaano mo kamahal ang kapamilya mo? Dahil ba nasa TV ka? O mas madrama? O dahil hindi mo kayang sabihin nang harapan at kapag walang mediator? O dahil sa pera? Non sequitur.

Kapag mas kahabag-habag ang istorya ng kalahok, kapag mas makawasak cardiovascular system ang mensahe ng hinilang kamag-anak, kapag mas nakakatuwa ang ipinakitang talento, at kapag sumipsip at mas napasaya ang host, mas malaki ang perang ibibigay sa iyo. 

Para bang sinasabing kung gusto ninyong magka-pera at mabago ang buhay, pumila lang kayo dito at ibuhos ang luha ninyo. 

Isama mo pa ang mga kasamahan niyang mga mananayaw na tinipid ang tela ng mga damit at co-host na ginagawang katawa-tawa ang sarili para mapaligaya ang mga manonood  (Ito ay napansin ko doon sa nauna niyang programa. Hindi na kasi ako ngayon masyadong nakakapanood ng bago niyang programa). Ganoon ang kanilang depenisyon ng pagpapaligaya at pagbibigay inspirasyon sa milyun-milyong manonood sa buong mundo.

Matanong ko lang, napansin mo ba ang set-up ng kanilang studio? Pabilog na parang arena. Sino ang nasa itaas at sino ang malapit sa “gitna ng arena”? Hindi ba ang madalas makuhanan ng kamera at nasa ibaba ay iyong mga burgis na nangibang bayan, pagkatapos ay bumalik ng bansa, pilipit ang dila, at tinitingala.

Sino ang nasa itaas? Ang madla na araw-araw ay nagtitiyagang pumila at nagbabakasakaling mababago ang kanilang buhay. Ang masa na pinangakuan na sila ang numero uno sa programa. ang masa na ginagamit ang wasak nilang storya at kawalan ng pera para tumaas ang kita ng palabas.

Pero sino ba talaga ang bida? 

Ang masa o ang host na ipinangangalandakan ang sandamakmak niyang endorsements, araw-araw kinakanta ang mga kanta na parang opening prayer na ng programa, at ang pagpo-promote ng kaniyang album? 

Hindi naman sa pine-personal ko ang naka-salaming host pero mayroon siyang kasaysayan ng pananakit ng babae at nasirang kasal. Ganoon ba ang taong dapat hangaan ng nakararami at araw-araw pinapalakpakan?

Kung inyo ding mapapansin, nanghihiya siya ng co-host, dancer, staff, at mga bongbong na contestant. Kung conscious man o hindi niya iyong ginagawa, wala na akong pakialam. 

Hindi ko na gagatungan pa ang gusto nila sa kanilang sistema. At ikaw na nakababasa nito na suki ng programang tinutukoy ko, huwag mo agad akong paniniwalaan. Subukan mong magmasid at ito ay obserbahan para lubusan mo akong maunawaan.

Ilan lamang iyan sa aking mga napansin sa kanyang mga programa.

Kamakailan lamang, muli na namang sumailalim sa kontrobersya si Ginoong Revillame. Ito ay nang sumayaw ng mala-macho dancer ang isang batang nagngangalang JanJan habang umiiyak. Tiningnan ng karamihan ito bilang isang pang-aabuso sa bata. At as usual, pinuntirya na naman ng libo-libong pambabatikos si Willie.

May mga nakisawsaw na mga artista sa issue. May mga dumipensa kay Willie (mga taga-hanga at manunulat kasama na si Tita Cristy Fermin). May mga lumapit sa Pamilya ng bata para umano’y mabigay ng tulong at suhulan ang mga magulang na kalabanin si Willie. May mga advertisers na nag-pullout ng kanilang produkto. May mga opisyal na nagalit at nangako ng imbestigasyon. At kung saan-saan pa sumuot ang isyu.

At as usual, may mga nagsasabing naiinggit lamang ang mga kritiko sa yaman ni Ginoong Revillame. Walang basehang akusasyon pero pabayaan na lang natin.

Nagkaroon nga ba ng exploitation sa parte ni Janjan? Totoo nga bang siya ay inabuso? Katanggap-tanggap ba ang pamamaraan na ginawa niya at ng kanyang pamilya upang magkaroon ng konting salapi? Dadaan pa ito sa mahabang debate. Pero kung tatanungin mo kung ano ang opinyon ko sa isyu na ito, walang nagbago, sapat na ang nabasa mo sa itaas.

Panigurado diyan, may mga magsasabing, “Buti pa nga si Willie, nakakatulong. eh yung iba diyan, o ikaw, ano na ba ang nagawa?

Pero katanggap-tanggap nga ba ang ganitong klaseng entertainment para sa masa? Ano nga ba ang mas matimbang? Yung okay lang na magmukhang katawa-tawa ang contestant kapalit ng pera at ligaya? O iyong araw-araw silang nakikipagsapalaran sa kanilang buhay pero wala namang nangyayari?

Pera o kahihiyan? Karangalan o kaligayahan? Mahaba-habang inuman pa ito.

Naniniwala ako na hangga’t nandoon sa “lebel” na iyon ang antas ng entertainment ng masa (na hindi ko naman inaalipusta), magpapatuloy pa din ang ganitong kalakaran.

At hangga’t mayroon pa ding milyon-milyong Pilipino na naghihirap, hangga’t kakaunti pa din ang pagkakakitaan, hangga’t mayroon pa ding mga palabas sa telebisyon na nagbibigay pag-asa at instant na kayamanan, mananatili pa din ang ganitong kalakaran.

Nakakabahala lamang tingnan. Yung dating pinupuna, nagiging katanggap-tanggap at nagiging bahagi na ng ating sistema.

Nagiging isa ng kultura.

Nagsimula ang Wowowee noong 2005. 2011 na ngayon, Willing-Willie na. Anim na taon na ang nakakalipas at mukhang magtatagal pa. Pero ganoon pa din ang nakikita ko.

Walang nagbago. 

Source: juanrepublic

Mighty Hoax and the Pinoy Culture of Chismis

I had a real life over the past weekend so I was away from the internet during the height of the tragedy in Japan. No tweets. No Tumblr posts. Just glued on the television and broadsheets for news and updates.

I have been backreading some of my favorite bloggers here on Tumblr and I have seen their sentiments, posts, and other stuff to deliver news, information, and awareness to netizens of the cyber empire created by David Karp.

Technology played a vital role in spreading the news and information during the height of the tragedy. We have seen photos and videos here on Tumblr and Facebook. Twitter played an important role to seek help to rebuild the devastated nation. News agencies became an instrument to find missing people after the tragedy.

And while technology was used to spread information faster, it was also used by some cunning individuals to spread malicious items and hoax to induce fear.

Let’s Just Leave It to the Angry Birds

Earlier this morning, while having a caffeine break and waging war to pigs using my angry birds armada to refresh my mind, I received a text message about the alleged BBC report about the nuclear fallout in one of the nuclear power plants in Japan and how allegedly, a radioactive rain (brought by the wind from Japan) will wreak havoc in the Philippines. It also warns the people to take extra precaution. And according to a friend, some versions of the text messages went as far as advising the people to use umbrellas, raincoats, putting Betadine (iodine solution) on the neck, and taking generous amount of iodized salt.

So there you go my friends, in case of a nuclear war in the future, you already know that some of our Kababayans‘ protections would be the following: umbrella, kapote, Betadine, and iodized salt (Sing “Iodized salt! Iodized salt! Mag-iodized salt tayo” dekada nobenta jingle here).

I immediately dismissed the text messages as a hoax for I have read beforehand the tweets and updates of respected journalists and news agencies.

I bet the one/s who created this hoax was/were laughing like the King of the Pigs on Angry Birds - Mighty Hoax level. 

“Yehey! Walang Pasok!”

I switched the TV on and look for a local news program. As expected, most of the people who were unaware of the real score about the chismis would panic. But I was taken aback when I learned that a school/college suspended their classes because of this chismis.

Seriously, why didn’t they (the administration and whoever who is in-charge) verify first the reports before suspending the classes? With today’s technology, one can easily know whether an item is true or not. There’s Twitter. There’s Facebook. There’s the internet.

I now wonder if some bored students were the ones who were behind this hoax.

Let’s be Mutants like the Ninja Turtles

Though there are people who panicked on this chismis, some, after knowing that it was just a hoax, were smart enough to poke fun on this chismis. Pinoy na pinoy!

Some said that if the radiation leak reaches the Philippines, we will be mutants - but mutants with super powers. And I had fun reading the would-be “powers” of some people and celebrities I follow on Twitter.

Having fun, smiling amidst a nakaka-badtrip na item. That’s a Pinoy classic.

Chismis Culture?

It all started with a chismis - an unconfirmed text message that was repeatedly forwarded because of fear. Whoever was the one behind this fiasco, he succeeded. He induced fear and changed the normal routine of some of the Filipinos. He created an instant talk-of-the town. Or if he did it for fun, for sure, he laughed his ass out.

It’s just so disappointing that some idiots grab the opportunity of a disaster to create something stupid and for self-gratification.

Should our chismis culture be blamed? Our love for showbiz-oriented shows and tabloid-liked stories may be a factor. But I saw something “good” with this incedent.

It also showed the culture of Pinoy compassion.

They forwarded the messages to their friends and loved ones hoping that it will save them from impending harm and disaster.

Unfortunately, they passed the wrong message.

And the rest was an infamous story.

With today’s technology, news and information can be delivered faster. But technology doesn’t give us accuracy or veracity instantly.

So here’s a thing my friends: Check your sources, verify the reports, look for the other side of the story, and dare to ask.

Mas mahusay ang may alam. Ngunit mas lalong mahusay kung tama ang nalalaman.

But for now, I will resume my war against these pigs. I need to gain more stars on this Mighty Hoax level of Angry Birds to have more golden eggs. Padayon! 

Source: juanrepublic

Only in the Philippines: Santo Niñong Galà
Pamilyar sa atin ang mga imahe sa larawan. Halos lahat siguro ng Pilipinong Pamilyang Katoliko ay may ganitong imahe sa kanilang bahay.
Naging kalakaran na sa Pilipinas lalo na sa mga Pamilyang Katoliko ang bihisan ang Santo Niño na nakapambahay, nakabihis ng uniporme ng kung ano mang propesyon o trabaho ng may-ari, o kung ano mang bihis na malayo sa mga nagkikintabang mga imahe sa mga Simbahan. Mas popular ito sa tawag na “Santo Niñong Galà”. 
Sinasabing kaya daw ito ginagawa ng mga Katolikong Pamilya ay upang mas mapalapit sa Santo Niño o upang mas mapalapit sa Diyos. Mas maamo at mas approachable kasi ang imahe ng isang bata kumpara sa matanda. Kaya’t ang paniniwala ng karamihan, mas tutuparin ng Santo Niño ang kanilang kahilingan dahil mas madali itong lapitan.
Isang paalala lamang para sa mga mananampalataya. Sa pagbibihis ng ganitong imahe sa Poong Santo Niño, lumalabas na nasusunod kung ano ang ating niloloob. Ating alalahanin na hindi dapat ang kalooban natin ang masusunod ngunit ang kalooban ng Diyos. Maligayang kapistahan ng Santo Niño!
Viva Santo Niño! Pit Senior!
Photo taken earlier this afternoon, January 16 2010, at San Antonio de Padua Parish, Batong Malaki, Los Baños, Laguna.

Only in the Philippines: Santo Niñong Galà

Pamilyar sa atin ang mga imahe sa larawan. Halos lahat siguro ng Pilipinong Pamilyang Katoliko ay may ganitong imahe sa kanilang bahay.

Naging kalakaran na sa Pilipinas lalo na sa mga Pamilyang Katoliko ang bihisan ang Santo Niño na nakapambahay, nakabihis ng uniporme ng kung ano mang propesyon o trabaho ng may-ari, o kung ano mang bihis na malayo sa mga nagkikintabang mga imahe sa mga Simbahan. Mas popular ito sa tawag na “Santo Niñong Galà”. 

Sinasabing kaya daw ito ginagawa ng mga Katolikong Pamilya ay upang mas mapalapit sa Santo Niño o upang mas mapalapit sa Diyos. Mas maamo at mas approachable kasi ang imahe ng isang bata kumpara sa matanda. Kaya’t ang paniniwala ng karamihan, mas tutuparin ng Santo Niño ang kanilang kahilingan dahil mas madali itong lapitan.

Isang paalala lamang para sa mga mananampalataya. Sa pagbibihis ng ganitong imahe sa Poong Santo Niño, lumalabas na nasusunod kung ano ang ating niloloob. Ating alalahanin na hindi dapat ang kalooban natin ang masusunod ngunit ang kalooban ng Diyos. Maligayang kapistahan ng Santo Niño!

Viva Santo Niño! Pit Senior!

Photo taken earlier this afternoon, January 16 2010, at San Antonio de Padua Parish, Batong Malaki, Los Baños, Laguna.

Source: juanrepublic

[Flash 9 is required to listen to audio.]

Simbang Gabi - Parokya ni Edgar

Anong oras na ba? Magfo-four o’clock na yata!
Maguumaga na, bagsak pa ang aking mata
Kahit inaantok pa ko, pipilitin kong maligo,
Matagal maginit ng tubig mamatay na sa lamig!
*Excited na ako Siyempre dahil sa’yo
Kasama na naman kita Hanggang sa mag-umaga
Simbang Gabi! Magsi-simbang Gabi kami!

Masarap, malamig ang hangin Masarap din maglambing
Magkayakap magdamagan Hindi ka bibitawan
Ililibre pa kita ng bagong luto na bibingka
Tapos maglalakad pauwi, bukas nanaman uli!

Mamayang umaga, December 16 dito sa Pilipinas, ay simula na ng Misa de Gallo (Mas kilala sa simbang Gabi) o ang siyam na araw ng paghahanda para sa kapaskuhan. Kung tinatamad ka namang gumising ng maaga, madaming Simbahan at mga kapilya ang magdidiwang ng anticipated mass simula ngayong gabi, December 15.

Sinasabing magkakatotoo ang anumang wish kapag nakumpleto ang Simbang Gabi. Pero base sa karanasan ko, ilang taon ko ng nakukumpleto ang Misa de Gallo, hindi pa din nagkakatotoo ang hiling ko. Medyo imposible daw siguro sabi ni Jesus. Isa lang naman ang hiling ko:

Magkaroon ng 6-pack abs.

Inaanyayahan ko kayo na gumising ng maaga mamaya, magsakripisyo, at makiisa sa Banal na Misa. Hindi para makita ang mga kabarkada, hindi para makita ang nililigawan (mala-Piolo Pascual sa pelikulang 9 Mornings), hindi para makiuso, ngunit magsimba ng buong puso at magpasalamat sa Poong Maykapal at ihanda ang ating mga puso sa kanyang pagdating ngayong Kapaskuhan.

Simbang Gabi na! Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Source: juanrepublic

Kailan ka Huling Natulog sa Banig?

Kagabi, pinili kong sa sahig matulog gamit ang banig na binili namin sa Lucban, Quezon. Gawa daw ito sa dahon ng pinya. Hindi siya makati katulad ng banig na gawa sa dahon ng buli ngunit pareho silang malamig sa pakiramdam.

May katagalan na kasi akong hindi natutulog sa banig. Usually ay kapag umuuwi lang ako sa mga lola ko sa bukid o kaya naman kapag ako ay napapa-destino sa mga remote at pobreng komunidad kung saan ang malambot na kutson ay maituturing ng luho.

Banig. Proudly Pinoy made. Kung nasanay ka na matulog sa komportable at malambot na kutson ng iyong kama, magrereklamo dahil sa tigas ng sahig at sakit na mararamdaman mo sa pgtulog. Baka nga hindi ka pa makatulog.

Hindi ako orthopedic, pero ang alam ko ay mas makabubuti ang matulog ng tuwid ang iyong likod. Kapag kasi sa kutson ako natutulog, may tendency na maging curve ang spinal column ko dahil lumulubog ang aking likod sa kutson. nagiging tuwid lang ang aking paghiga kapag natutulog ako sa banig.

Hindi ako nahirapan sa pagtulog. Sa katunayan nga, napakahimbing pa ng aking pagkakatulog sa banig. Hiyang siguro ang aking katawan.

Oh mahal kong banig, mukhang mapapadalas pa ang tulog ko sa’yo sa mga susunod na araw. Maraming salamat sa iyo.

Magandang umaga sa inyong lahat. Padayon!

Danggit and Kapeng Barako Overload!

My sister and I had this for our lunch. Tinatamad kasi akong magluto ng iba dahil frozen ang mga karne sa freezer. At sawa na din ako sa karne. Nakaka-high blood ang cholesterol at presyo.

Fresh from Cebu itong danggit namin. (Or should I say dried from Cebu? Hindi naman kasi siya fresh. Okay corny.) Salamat sa mabait na colleague na nagpasalubong sa amin. Wala kasi akong tiwala sa mga danggit na ibinebenta dito sa amin. Baka matagal ng naka-stock.

Tapos, panalo ang sawsawan. Suka na galing sa buli. Iyong puno na kapamilya ng palm na ang dahon ay ginagawang banig. Sakto lang ang acidity. Hindi nakakasamid. At natural ang pagkakagawa at walang halong kemikal.

Tapos may kasabay na mainit na kapeng barako. Oo, kapeng barako for lunch. Isasabaw sa kanin. Epic win!

Ah, the wonders of living here in the Philippines. Iba talaga ang mga pagkain. Why spend a lot sa mga mamahaling resto at fastfood kung merong mga available na pagkain mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas?

Merging of culture. Puwede sa pagkain. Sana puwede din sa totoong buhay. Tayong mga Pinoy kasi, we tend to be regionalistic. Kanya-kanya. Sila sila. Sana may unity. At kapag may unity, makakamit natin ang pagbabago.

Magandang tanghali sa inyong lahat. Padayon!

Of Sacerdos and Politicos (A Comparison between Priests and Politicians)

I have been living with priests for more than half of my life. A year after my regency, eight (8) years inside the seminary and an additional four (4) years as an altar knight before I decided to lock myself up in the institution. Also, I have been criticizing politicians since the advent of my reasoning as a child (blame too much television news for that!). I grew up with a religious mother and a critical father (or he has just a high YQ – Yabang Quotient? I don’t know!). I used to admire priests and bung politicians with my activist and critical side – but not anymore.

Acquired knowledge affects the way of thinking, point-of-view, and the philosophy of an individual. My acquired knowledge from experience, write-ups and discussions has changed my view of sacerdos and politicos – for worse. A priest is not always your typical simple, bread and wine consecrating, manang and chick magnet, Good News preaching handsome man in the altar in his white chasuble. A politician is not always a crocodile in his/her elegant suit receiving oodles of people’s money every year while the rest of the Filipinos succumb in poverty. A politician is not always a typical clown baptized as “corrupt” etched in the books and minds of every Filipinos.

Since they are both prominent figures in our society (in the eyes of both the rich and the poor), why not have a comparison between the two of them? Based on my observations, conversations and readings, I have ended up with some similarities between Sacerdos and Politicos.

The disposition of their functions is based on authority. In many Christian churches, the priest is a member of the clergy ranking below a bishop but above a deacon and having authority to administer the sacraments. The authority emanates from an established and recognized entity, the Church, with a definite hierarchy and system of communication flow that braces up the authority. Politicians in similar manner relies their power on government hierarchy established within the Constitution. It thus reflects that both the priest and the politician are both mediatory agents between the one that gives the authority and the people. (This part is still subject to discussions. Some would say that the proposition is almost heretical. Forgive me. I am only halfway of studying the teachings of the Catholic Church. If, this part is proven heretical, you can blame either me not listening to my professors or my professors not thoroughly discussing their lessons.)

They both hold office. Both need to be anchored on an established system of a chief and his subordinates. Being central figures in their domain, thing are done either by persuasion or by mere orders. The priest is supported by church organizations in parishes with their specific charisms and this support is based on what these laity perceived as authority in that office-the priesthood.

One such classic example is the ever loyal Manang Incorporated. A parish can be considered “dead” without these good old ladies acting as collector, prayer warriors, lector, members of different organizations and a (demanding) benefactor of the parish. A manang is always there to support the parish, and of course, the priest. Also, they can be a potential source of “Parochial gossip” which can lead into a “Parochial and Presbyteral scandal.”

Politicians on the other hand have their formal and informal offices characterized by a network of supporters, at different levels, each performing specific tasks to achieve the very objectives of his office. In both cases, what is needed is a critical mass of people to assure the perpetuity of his office, for the priest, his parishioners and for the politician his potential voters.

If a priest has his Manang Incorporated, a politician has his bunch of ghost employees and die-hard supporters who would even offer their lives for him. Usually, these supporters are given mesmeric promises by politicians – job, position in the office, and other collaterals for the support they have given him.

Both are effective and appealing when they talk of the poor but will be most effective if they associate with the rich. Understandably, their offices need resources and they do not have sufficient resources to meet the demands made on them unless sufficient resources are at hand. Disregard corruption and talk of the plight of the poorest of poor, chances are hearts will bleed and alms and donations will pour in. The basic tenets in both their hierarchies dictate that the poor are the disadvantaged and must be afforded with help. In poor countries like the Philippines, the poor is always a nice rallying point and it still quantity over quality when it comes to assistance and donations, one thing the rich can reach.

I knew some socialite (if that would be the proper term) priests who are only good in associating with the rich and the middle class to the point of neglecting the poor in their respective parishes – the ones they urgently need to be with. I cannot blame them for socializing with the rich and (in)famous. The church’s fund is not enough for her projects and the needs of the priest and the rectory staff. She needs a benefactor; but a priest must never forget the poor who cannot support the Church (at least, financially) whose income is enough to sustain his family.

A politician associates with the rich simply because he himself is also rich. This is the system of politics in the Philippines – elite politics. Our government is runner by those who has bunch of riches. It is very seldom, or never has it known that a representative from the grass roots (the masa) is elected in high position in the government. In fact, one of the impediments on running for a seat in the government is “lack of political machinery” usually possible if a candidate has oodles of money. It is within the system, as long as there are traditional politics and politicians.

Aren’t the sacerdos (prayles and arzobispos), the Gobernador General, Gobernadorcillos and the rich Illustrados composed the elite circle during the heydays of Spanish colonization?

As intermediary agents, they need to articulate their basic tenets effectively. Both parties, aside from proclaiming the truth need to hone up rhetoric in public dealing and speaking. They would both need anecdotes, parables, metaphors, analogies, innuendos, circumlocution, and even exaggeration to be listened at, the priest in their homilies, the politicians in their campaign speeches. The better they talk the more they get in return, priests win parishioners, politicians win voters.

A speech of a priest and a politician could be sharper than a two-edged sword. It is very powerful. A priest can either save souls or be an anesthesiologist to his parishioners in his homily. A politician’s words can strike a verbal war and a cause of various protests in the whole archipelago.

Priests and politicians are men of the hour during crises. As both professions talk of hope it is but natural that they are the central figure during crises and that they both shepherd the faithful. It is the natural response of human in quandary to seek comfort and refuge, their authority, their persuasion, their power to make things done through other people make them figures for safe haven.

That only implies that they must protect their credibility and make it sure that they are worthy of the trust entrusted to them by the people. But we are all aware that that is not the usual case and the observable reality. Pathetic.

Both priests and politicians agree to the separation of the Church and State but simply cannot make them separate in their turf. Who really espoused the idea in the Constitution? On what grounds? Was it history with the conquistadores or we simply copy the idea from a foreign land? A lot of discourse has been written on this regard but a priest who does not talk of state matters will save fewer souls and a politician who shouldn’t be singing the tune of the Church himself loses his very soul.

Both priests and politicians have been manifesting shoddy and scandalous example to the people, worthy of scandals and criticisms. Human as they are, they are vulnerable to temptations, mistakes, and deficiencies.

We are all familiar of priests who have walked astray and who does not practice what they preach. Various scandals involving priests and bishops rocked the Catholic Church through the ages. If there are “womanizers” among the clergy, there are also “manizers.” (Commonly known as homosexuals. My professor in psychology – a member of the assist program for the priests – could prove that to you.). Some are smokers, drunkards, gamblers. Some live in a not-so-simple life with their luxury vehicles (Hey, a vehicle is a necessity for a priest but luxury is not). Some live like an ordinary happy-go-lucky and deviant bachelor without any distinction of being a priest if he is not wearing his chasuble or clerical. Are these acts of an “Alter Christi? “They must remember that priesthood is not a mere ecclesiastical office, a mere service to the community; it is a sacrament, an interior sanctification that consists in the bestowal of special powerful acts to act In Persona Christi.

A politician must be a servant-leader to the people but look at them. I need not to write the bad images of politicians, their scandals, their immoralities, and all the filth thrown to them by critics. I’ve had enough. I don’t need to write the obvious.

Sounds too offensive? Truth hurts.

- 0 -

You may judge me as dirt within the backyard of the Catholic Church, a critic trying to destroy the very social institution where he belongs. I am just trying to express my sentiments over the neglected reality around us. I am just writing to express myself.

I did not intend to write these things to attack the church and the government (Perhaps, I thought of it subconsciously). I believe that exposing the dirt can help us clean it. A hidden dirt is difficult to clean. They are one of the most notable persons in our society – respected, honored, and obeyed. They must show that they are worthy and credible. After all, the people trust them. We are counting on them. Please pray for holy priests and an upright servant leader in the person of our politicians. We need them. We urgently need them.

You may judge me as a bias and one-sided writer. You cannot blame me. My experiences are not yours. Just as the ordinary people who cannot understand the life within the confines of the seminary unless they become a seminarian, you cannot judge me unless you fit in my shoe and experience my experience.

The Patron Saint of our institution, Francis de Sales, patron saint of writers and journalists, once said, “It is better to be silent than to say truth without charity.” Jesus Christ the Nazarean, the son of God, the second person of the Holy Trinity, once said during his earthly ministry, “The truth shall set you free.”

I am writing (and not screaming and preaching to public) this things because this is the only way I know of being halfway of saying the truth and being charitable. Forgive me. There is no such thing as satirical charity.


This is a personal blog where rants, raves, and everything in between is written and posted.

About the Blogger: His name is Juan, a frustrated writer who hails from a sauna town at the foot of Mount Makiling. He spends his time juggling a volunteer work and being a superhero who is dreaming and trying to make a difference, one post at a time.

For correspondence, please email me at juanrepublica@gmail.com

You can also find me at these websites:



Ninjas are Lurking at the Republic

Personal - Top Blogs Philippines


View John Emmanuel Leviste-Ebora's check-ins on GetGlue



My Lakbayan grade is C-!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.



Juan Republic followers


"Speak now or forever hold your peace.."
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...