“Kamukha ni Lourd”
Kagabi, nanonood kami ng Tatay ko ng Bubble Gang. Bata pa lang kasi ako ay idolo ko na ang comic genius na si Michael V. at fan na ako ng Bubble Gang.
Eksakto na ang segment kagabi ay si “Demo Demonyito”, ang demonyong nagde-demo. (Kung pamilyar kayo at nanonood kayo ng Bubble Gang, alam niyo na siguro na laugh trip talaga ang panibagong antic ni Michael V.)

Sa kalagitnaan ng panonood namin ng tatay ko, bigla niyang sinabi sa akin na: “Tingnan mo si Demo Demonyito, kamukha ni Lourd.”
Napatawa ako dahil oo nga naman, may kaunting resemblance sina Lourd de Veyra at Bitoy as Demo Demonyito.

At mas natawa ako dahil kilala ng Tatay ko si Lourd de Veyra ng Radioactive Sago Project. Nanonood din kasi siya ng Word of the Lourd segment dati sa TEN (The Evening News) sa TV5 at nakikinig din siya sa Rock Ed Radio.
50’s na ang edad ng Tatay ko at ganoon pa rin siyang ka-cool. Nakiki-jam pa rin siya sa hilig naming mga kabataan. Cool eh?




