Post(s) tagged with "brewrats"

Mga Librong Paparating na Hindi ninyo Dapat Palampasin

Sa darating na Sabado, ika-10 ng Setyembre, ay gaganapin ang kauna-unahang WIT: Visprint’s First Annual Reader’s Day. Anong ibig sabihin noon? Ewan. Pero sabi sa kanilang Facebook event ay magkakaroon sila ng exhibit ng mga obra ng kanilang mga artists, behind-the-scene revelations mula sa mga may akda, pa-seminar tungkol sa pagsusulat ng libro, pasilip sa mga iba pang aabangan nating mga libro na makakapagpaubos ng mga inipon nating allowance at savings, at as usual katulad ng iba pang event, at marami pang ibang sorpresa.

At balita ko nga, kung hindi ako nagkakamali, doon ipapasilip ang ika-siyam na libro ni Bob Ong. Nakasali ka ba sa kanyang pakulo sa Facebook at Google+ nitong mga nagdaang linggo?

Kilala natin ang Visprint dahil sa pagbibigay sa atin ng mga libro ng ating mga idolo na sina Bob Ong at Eros Atalia, ng ubod ng asteeg na Kikomachine Komix ni Manix Abrera, ang anthology tungkol sa Eraserheads na Tikman ang Langit, at marami pang iba.

Lubos akong nagagalak dahil sa pamamagitan ng mga ganitong klaseng pagtitipon, muling nabubuhay ang hilig ng bagong henerasyon sa pagbabasa ng libro.

Pero bukod sa mga libro sa roster ng Visprint, na inaamin kong totoong nakakaubos ng aking ipon, mayroon pang ibang mga libro akong inaabangan bago magtapos ang taon na tiyak na ibabawas ko sa aking Christmas budget.

At narito sila, hayaan mong magbigay ako ng ilang kuwento tungkol sa kanila.

  • LIBRO NI TADO- Wala pang eksaktong pamagat pero hitsura pa lang, alam mong nakamamatay na ang ka-astigan. Matagal na akong fan ni Tado. Tagapakinig ako ng show nila ni Ramon Bautista at Angel Rivero na Brewrats simula pa lang noong day 1 nila sa radyo.

Noong mawala sila sa ere, inaamin kong na-miss ko si ang kanilang trio, especially si Tado lalo na ang kanyang bobonic English at ang mga malaman na banat. Kaya nang bumisita ako sa kanilang Facebook page (The Brewrats Republic), walang pagsidlan ang aking naging kaligayahan nang makita ko na magkakaroon ng libro si Tado mula sa PSICOM publishing.

Hinihintay ko ang pagkakataong muli kong makakakuwentuhan si Arvin Jimenez sa bawat pahina ng kanyang libro. 

Katulad ng nasa teaser photo, tungkol din ito sa Pinoy Pop Culture ngunit mas malawak ang magiging saklaw at mas wasak ang humor - daw.

Lubos ang paghanga at pasasalamat ko sa PSICOM Publishing sa pagbibigay ng oportunidad sa ibang mga Pilipinong manunulat upang ang kanilang mga obra ay mabasa.

  • ASWANG (RICKY LEE) - Kung kayo ay nakapagbasa noong makapunit-lacrimal gland na nobela ni Ricky Lee na Para Kay B, nandoon sa likod na bahagi ang patikim tungkol sa kanyang susunod na nobela - ang Aswang, isang political satire tungkol sa isang baklang impersonator na nagiging manananggal.

Makailang ulit ko nang natapos basahin ang Para Kay B sa sobrang inip sa paglabas ng ikalawang nobela ng premyadong manunulat na si Ricky Lee. Huwag nang mangamaba. Sa darating na ika-27 ng Nobyembre, sa Skydome, SM City North EDSA, ilalabas ang Aswang.

Handa ka na bang makipag-wrestling kay Amapola? Para sa iba pang detalye tungkol sa librong ito, mangyari lamang na “i-like” ang pahinang ito sa Facebook,

______

Marami sa atin ang nahuhumaling sa pagbabasa ng libro ng mga banyaga tungkol sa mga wizard at witches, vampires, pakikipagsapalaran, giyera, kasaysayan, pag-ibig, at iba pa. Mabuti naman kung sa ganoon. Pero huwag sana nating isantabi at balewalain ang libro ng ating mga kababayan.

Kahit pa ang mga ito, ika nga ni kumpareng Soriano, ay nakasulat sa language of the streets and not of the learned.

Hindi ako sociologist at dalubhasa pero sa tingin ko, makakatulong sa pagkakaroon ng identity nating mga Noypi ang pagbabasa ng libro na nakasulat sa sarili nating wika, at sa mas mahaba pang patutunguhan, magiging susi ito sa ating kaunlaran.

Inaanyayahan kita ngayon na bumili at magbasa ng mga libro ng ating mga kababayan (Pare, wala kang mada-download na eBook ng mga yan). Suportahan natin ang lahat ng mga Pilipinong may hawak ng panulat! 

Handa ka na bang magbasa?

Today is DJ Angel Rivero’s Birthday
If you do not know her, then I have the right to assume that you are not a Brewster - a listener of the famous radio show The Brewrats (by Tado Jimenez, Ramon Bautista, and Angel Rivero).
We all know her back in the day as Erning of the phenomenal TV show Stangebrew. She used to say “Tama!” on that show. Then she later brought that famous line on the radio. She says “Tama!” in a straightforward and astig tone - not the bastardized “tuuh-maaah” that we know today.
Happy Birthday DJ Angel! You will always be my Erning, my Neknek ang Babaeng Patapon, and a certified Kartada Diyes.

Today is DJ Angel Rivero’s Birthday

If you do not know her, then I have the right to assume that you are not a Brewster - a listener of the famous radio show The Brewrats (by Tado Jimenez, Ramon Bautista, and Angel Rivero).

We all know her back in the day as Erning of the phenomenal TV show Stangebrew. She used to say “Tama!” on that show. Then she later brought that famous line on the radio. She says “Tama!” in a straightforward and astig tone - not the bastardized “tuuh-maaah” that we know today.

Happy Birthday DJ Angel! You will always be my Erning, my Neknek ang Babaeng Patapon, and a certified Kartada Diyes.

[Flash 9 is required to listen to audio.]

“Alembong” by Sylvia La Torre

Isa sa mga imortal na obra ni Sylvia la Torre. Una ko itong napakinggan bilang audio bed ng “Cultural Wednesnight” ng The Brewrats nina Ramon Bautista, Angel Rivero, at Tado Jimenez noong sila ay nasa Hit 99.5 pa (na naging 99.5 Campus FM na bumalik ulit bilang 99.5 RT).

Simula noon, naging paborito ko na ang awiting ito. Kagiliw-giliw pakinggan sa tenga. Mayroong kurot sa puso. At alembong ang pagkaka-awit.

Mahigit sa isang taon ko ng ring tone sa aking telepono ang awiting ito. At pareho kami ng tatay ko. Alembong! Alembong! Salamat Sylvia la Torre.

Alembong, alembong 
Ang ibig sabihin 
Pumasok sa puso ang isang paggiliw 
Alembong, alembong 
Ay isang damdamin 
Na kahit kanino ay dumarating 

Pag-ibig ang tanging hanap ng lahat 
Ligaya na ‘wag na sanang magwakas 
Alembong ay napapansin sa sulyap 
Sa kilos man lamang nagtatapat 

Alembong, alembong 
Ang ibig sabihin 
Halina, halina at ako ay ibigin 
Alembong, alembong 
Ika’y mahal sa akin 
Kaya’t mahal sa akin 
Kaya’t ang alembong 
Ay naglalambing

Alamin ang numero na ito kung sino. 09216422680 nanggugulo sa kampanya ni TADO JIMENEZ!

Dahil mahal ko ang idolo kong si Tado Jimenez at ang The Brewrats, nais ko silang tulungan sa kanilang panawagan mula sa kanilang Facebook page.

Sa mga taga-Marikina sa inyo na ka-distrito ni Tado Jimenez, iboto niyo po si Tado! Mabuhay ka Tado!


This is a personal blog where rants, raves, and everything in between is written and posted.

About the Blogger: His name is Juan, a frustrated writer who hails from a sauna town at the foot of Mount Makiling. He spends his time juggling a volunteer work and being a superhero who is dreaming and trying to make a difference, one post at a time.

For correspondence, please email me at juanrepublica@gmail.com

You can also find me at these websites:



Ninjas are Lurking at the Republic

Personal - Top Blogs Philippines


View John Emmanuel Leviste-Ebora's check-ins on GetGlue



My Lakbayan grade is C-!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.



Juan Republic followers


"Speak now or forever hold your peace.."
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...