Post(s) tagged with "art"

15 Minutes of ‘Cyber Fame’

I was a late convert of Esquire Magazine. I have always wanted to buy (and collect) this magazine since their maiden issue with Manny Pacquiao on the cover but I can’t manage (financial-wise) to maintain more than one magazine subscription. You see, I was a huge PULP Magazine collector then but things changed since their magazine turned into an Avon magazine-brochure (But that’s another issue. Let’s not go to that awful story). 

But things started to change when they featured Sen. Juan Ponce Enrile last year. You see, sans the issues surrounding the old man, I am a huge fan of the Pinoy PalapatineAnd when they featured him on the December-January issue last 2012-2013, it was a no-brainer that I buy it. I found the magazine classy, substantial, and educational so I dumped my old collection and on that moment, my relationship with the magazine began.

I have learned a lot about life, trends, culture, politics, literature, and social issues since I started reading and collecting Esquire. It is not your usual bikini-clad, sex talk-filled, AB Market-catering magazine. It has substance. It has sense. For me, this is the magazine.

As of writing, they have just previously released their March issue featuring the 90’s It Girl Mai Mai Cojuangco. And the new issue reminded me of something ‘crazy’ that I did last month, something that I forgot to blog, and something that I will forever cherish.

Last month’s Art issue of Esquire Magazine features a ‘back portrait’ of John Lloyd Cruz. Most people do not know this ‘other side’ of John Lloyd - that he is a huge collector of local artworks and that his house is a mino-art gallety of sort. Personally, being an occasional artsy-fartsy that I am, I was also surprised that this A-list actor has a different persona away from the lights and glamour of show business.

I am not a die-hard John Lloyd fan. I haven’t watched all of his movies. I am just that regular viewer who watches him on TV every time I have the chance to do so. (Though I admit I am a huge fan of ‘Rovic and Eds’ - his loveteam with Kaye Abad during their Tabing Ilog days.) But John Lloyd Cruz, being the epitome of guwapong-lalake-pero-walang-6-pack-abs, is the inspiration of my ‘alter ego’.

I am a high school teacher and my students fondly call me “Sir John Lloyd”. It started when I declared myself as a John Lloyd look-a-like. And whenever they tag me photos on Facebook, I would always comment ‘#TeamJohnLloyd’ - indicating my self-proclaimed resemblance with John Lloud Cruz. I even went into putting John Lloyd Cruz’s photo in my test papers with an ‘inspirational quote’ (basically quotes from his movies) from the great man. (I am telling you, I am one hell of a crazy teacher. Haha!)

So when Esquire featured John Lloyd Cruz (again, having graced the cover before on their The State of Man issue) on the cover of their Art Issue, I decided to do something crazy. Just for fun, I told myself, something to ‘cement’ my claim that I look like John Lloyd Cruz.

With the help of my siblings, I made a ‘back portrait’, imitating John Lloyd’s pose on the unique cover. I started sharing it on my social media accounts - Facebook, Twitter, and Instagram - for the purpose of bringing a smile to people’s, especially my students’, faces.

And then the unexpected happen. The official Twitter account of Esquire Philippines tweeted my picture with the caption "When Life imitates art. An Esquire reader does his own version of the February cover" 

image

And then it snowballed. They also featured it on their official Facebook page:

image

After the photo was posted, I was bombarded by messages and reactions from my friends, praising, laughing, and basically astounded by my crazy antic - and its unexpected aftermath. Being a man contented with third world cyber joys, I was so elated when the Esquire did this. I even joked that this may be the key on finally meeting John Lloyd Cruz. And fist-bumping and bro-hugging him if possible.

I slept that night with a smile on my face. Seriously. Tangina John Lloyd Cruz yan eh! Sorry, I just have to let that out.

Sans this ‘15 minutes of Cyber Fame’, I would like to express my admiration and gratitude to Esquire Philippines not for featuring my photo on their social media accounts but for providing readers with features and articles with substance. I wish longevity and more success for this badass magazine. I can’t wait to grab myself and read the latest issue.

And oh, Esquire Philippines, I am dead serious about meeting John Lloyd Cruz. It will be my greatest joy if this would see the light of reality.

Ang Alamat ni Jeric Raval

Noong isang araw, nabulabog ang mga angry birds ng cyber space nang sa kauna-unahang pagkakataon ay tumayo ang kilalang miyembro ng Senate Committee on Silence na si Senator Lito Lapid at nagsalita sa impeachment court. At dahil bihira ang pagkakataong iyon, nag-trending worldwide ang Senador sa Twitter. Kasama ang pangalang Leon Guerrero.

E sino nga ba si Leon Guerrero? Siya ang Pinoy version ng Lone Ranger na nakilala sa pinilakang tabing dahil sa pagganap ni Lito Lapid (pero mas naunang gumanap ang kaniyang tiyuhin na si Jess Lapid). Ang pinakanatatandaan ko sa kanya ay kung paano niya pinatay ang dalawang tumatakbong kalaban gamit ang iisang bala - sa pamamagitan nang pagpapaputok ng baril sa harap ng isang punyal (na kahit si MacGyver, hindi maiisip yun).

Gusto ko sanang magsulat tungkol kay Leon Guerrero at sa tahimik na Senador pero napagtanto kong sayang lang ang bandwidth. At neurons. Kaya’y naisipan kong ibaling ang aking atensyon sa aking paboritong action star noong dekada nobenta:

Si Jeric Raval.

Noong isang araw, habang naghahanap ng matinong palabas sa TV, ay napadaan ako sa Kapuso Movie Festival ng GMA-7 kung saan may nakita akong isang pamilyar na mukha na kasama nang noo’y payat pang si Beethoven Del Valle-Bunagan (Michael V.) - si Jeric Raval. Ang pamagat ng pelikula? Biboy Banal: Pagganti ko..Tapos Kayo (halimaw sa title!) na orihinal na ipinalabas noog taong 1994. At sa puntong iyon, bumalik sa aking alaala yung kabataan ko na tuwang-tuwang nanonood ng mga Pinoy action movies sa TV, VHS at sa Pinoy Blockbusters (Tatay ng Cinema One). At isa nga sa mga naging paborito kong bida higit sa ibang action stars ng henerasyong iyon ay si Jeric Raval.

Sino nga ba si Jeric Raval? Ang tunay niyang pangalan ay Jericho Buensuceso at inilarawan siya ng Wikipedia (ang hindi nagsisinungaling na bible ng henerasyon ngayon) bilang isang artista na nakilala sa kanyang leather jacket, leather pants, at shiny hair.

Una siyang nakilala sa pelikula ni Manoy Eddie Garcia na Valentin Zapanta Alyas Ninong: Ang Huling Kilabot ng Tondo kung saan gumanap siya bilang isa sa mga bata ni Ninong at ang kanyang kauna-unahang pelikula in a lead role ay ang Kalabang Mortal ni Baby Ama kasama sina John Regala at Willie Revillame (Oo, si Kuya Wil). Matapos noon ay naging sunod-sunod pa ang pelikula niya sa OctoArts Films katulad ng Boboy Salonga: Batang Tondo, Estribo Gang: The Jinggoy Sese Story, Beloy Montemayor: Tirador ng Cebu, Victor Meneses: Dugong Kriminal, Barkada Walang Atrasan, at ang personal kong paborito dahil sobrang pamatay ng pamagat na Bunso: Isinilang Kang Palaban.

Napilitan si Jeric na tumigil sa paggawa ng pelikula matapos makatanggap ng Temporary Restraining Order matapos ang hindi pagkakaunawaan sa OctoArts Flms na nauwi sa korte. Matapos maayos ang gusot ay nagbalik pelikula si Jeric pero hindi na gaanong naging maningning ang kaniyang kasikatan. Ang kaniyang pinakahuling pelikula ay ang Lapu-Lapu ni Lito Lapid noong 2002 (na sa tingin ko ay kakaunti lamang sa inyo ang nakapanood).

E ano ba ang meron si Jeric Raval na wala ang ibang action stars katulad nina Robin Padilla, Fernando Poe, Jr., George Estregan, Cesar Montano, Monsour Del Rosario, Ronnie Rickets, Bong Revilla, at Rustom Padilla? (Oo, gumanap na astig na sundalo si Rustom sa Mistah kasama ang mga kapatid niyang sina Robin, Royette, at Rommel bago siya naging BB Gandanghari)

Para sa akin, may ibang klase ng karisma si Jeric Raval. Hindi siya yung tipikal na action star noong dekada nobenta na sa unang tingin mo pa lang ay alam mo nang mambabasag ng bote ng San Miguel beer sa ulo ni Bomber Moran o kaya ay makikipaghilahan ng bigote sa magkapatid na Rommy at Paquito Diaz. Siya yung klase ng astig na action star na hindi mo aakalaing makikipagpatayan sa mga bata ng kurap na Congressman, pulis, at negosyante. Maamo ang mukha kaya may elemento ng surpresa at gulat kapag nakikipagbakbakan sa loob ng bandonadong gusali o warehouse.

Katulad na lamang noong pelikulang Biboy Banal: Pagganti ko..Tapos Kayo. Sa unang tingin, lalo na at kasama pa ang henyong si Michael V., ay aakalain mong isa na namang pelikulang comedy ng OctoArts ang palabas. Pero matapos na mapatay na ang kaniyang ama, gahasain at patayin ang kanyang kapatid , magkaroon ng nakakakilig na eksena kasama ang leading lady, ang kaunting pag-aaway sa loob ng beer house, at ang paglabas ng Mitsubishi L-300 na siyang sikat na sasakyan sa mga Pinoy action movies (samakatuwid, kapag lumabas na lahat ng cliche sa mga action films noong dekada nobenta), ay lalabas na ang kaniyang husay sa pag-arte bilang isang dekalibreng action star.

Masasabi kong isa si Jeric Raval sa mga impluwensyal na naghubog ng plikulang Pilipino noong dekada nobenta - ang huling dekada kung saan ang malaking porsyento ng masa ay gumagastos at pumipila sa mga sinehan (Siguro ay dahil mas mura pa ang panonood sa Sinehan noon. At dahil buhay pa ang Seiko Films. Oh yeah!)

Pero lumilipas ang panahon. Namatay ang action genre sa pelikulang Noypi at kasamang namatay nito ay ang karera ng daan-daang movie crew, stuntmen, kontra bida, at mga action stars na hayun, huli kong nakita sa TV ay nasa drama o sa mga pa-cute na youth-oriented shows.

Nasaan na nga ba si Jeric Raval ngayon? Wala akong balita. Huli ko siyang nakita noong isang taon sa radio show ni Cristy Fermin sa Aksyon TV 41 kung saan sinabi niyang sabik na siyang magbalik-pelikula. At ganoon pa rin ang mukha, halos hindi tumanda. Parang si Ely Buendia. At ang namayapang si Francis Magalona.

Sinasabing kinakailangang magkaroon ng ‘kamatayan’ ng action films sa Pilipinas para magkaroon ng ‘muling pagkabuhay’ at para maitaas ang kalidad nito. Sa pagpapalabas ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ni George Estregan at sa nalalapit na pagpapalabas ng Hitman ni Cesar Montano, masasabi nating unti-unti na ngang nabubuhay ang action genre ng pelikulang Pilipino.

Utang na loob, sawang-sawa na ako sa paulit-ulit na comedy at love story sa pinilakang tabing. Ibalik natin ang Pinoy action Films. At ang titillating movies ng Seiko Films. Biro lamang ang huli pero puwedeng seryosohin.

Hindi ako dalubhasa sa pelikula at ekonomiya pero sa tingin ko, ang magpapabuhay sa naghihingalong industriya ng pelikulang Pilipino ay ang masa. Gumawa tayo ng pelikula na hindi mang-iinsulto sa ating kakayahang mag-isip (katulad noong mga staple movies sa MMFF). Gumawa tayo ng de kalidad na pelikula na ikatutuwa at ipagmamalaki ng mga manonood. Gumawa tayo ng de kalidad na pelikula. Gumawa tayo ng de kalidad na action films - na sa aking opinyon ay ang genre na malapit sa puso ng masa.

Nalalapit na ang muling pagkabuhay ng Pinoy action movies. At iisa lang naman ang hinihiling ko - ang makita ko ulit na nakikipagbarilan at nakikipagbasagan ng bote ang idolo kong si Jeric Raval sa pinilakang tabing.

Isa kang alamat, Jeric Raval. Mabuhay ang pelikulang Pilipino! Respeto.

Elsewhere:

  • Video 48Ang mga larawan sa itaas ay dito ko kinuha. Ang blog na ito ay patungkol sa mga classic Pinoy movies. Asteeg!
  • How the metrosexual killed the action star - Kung dati, ang mga iniidolo ay ang mga lalaking may bigote sa action movies, ngayon, mga lalaking kung mag-ayos ay mas komplikado pa sa mga babae.
  • Guns, Goons, and GoreLourd de Veyra’s take on the Pinoy action movies.

Source: juanrepublic

"Alone again, naturally.."
Since the “forever alone” posts are all over my dashboard, I decided to make one. This was inspired by my favorite scene on the movie “Ice Age 3”. 
Click the photo for the image source.

Source: myroughdoodleblog.blogspot.com

Urbandub’s 5th Member
One of my first attempts on photo editing using Adobe Photoshop 7.0 back in college (circa 2007-2008). I used to merge my photo with famous and infamous groups and personalities as a past time back when I was in the Seminary.
And now, CS5 na ang uso, I still suck at photo editing and manipulation. No thanks to my good brother who is always too busy to teach me. Ah, frustrations. 

This. Is. Art.
Kilala ang mga Pilipino bilang malikhain sa larangan ng sining lalong-lalo na sa mga demonstrasyon. Hindi na kaila sa atin ang dami ng mga effigy sa tuwing may mga kilos protesta. Sa ganitong paraan, mas nailalabas ng mga Pilipino ang kanilang damdamin at ang pagiging masining.
Ngunit kakaiba ang obra na ito. Isang dambuhalang street painting ni Pangulong Noynoy Aquino sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue. Sayang nga lang at sa may kalsada ipininta. Darating din kasi ang araw na ito ay mabubura.
Ngunit hindi katulad ng obra na iyan, sana ay hindi mabura sa isipan ni Pangulong Noynoy kasama ng milyon-milyong mga Pilipino, na marami pa ang kailangang ayusin ng ating bansa. Hindi sana kumupas ang ating masidhing pangarap para sa ganap na pagbabago.
Maraming salamat kay Kumpareng Ejay Caluag para sa larawan na kanyang kinuhanan at sa akin ay pinahiram. Isa siya sa mga tinitingala kong manunulat tungkol sa mga usaping panlipunan at pulitika dito sa Tumblr at sa Facebook. Maaari ninyong pitikin ang “plus” button sa kanyang pahina. Padayon!

Rest in Peace Sir Joey Velasco

I was browsing my dashboard when I saw Sister Aira's post regarding sad news about the Filipino Artist (heARTIST) Joey Velasco, the man behind the famous Hapag ng Pag-asa painting.

This news was a surprise for me because last July 15, Aira posted that Joey Velasco suffered from heart attack and she was asking for prayers. I know that her information is credible since she has contacts with the Seminarians of the Salesians of Don Bosco (and Sir Joey Velasco is an ex-seminarian himself of the same congregation).

And just this morning, the great man whom I admired, has passed away. This was confirmed by the tweet of Probe Profiles, a program by Probe Productions where Sir Joey was featured on one of its episodes.

Thank you for inspiring us Sir Joey. Your works have been our source of inspiration, hope, and the renewal of our faith in God. Please send us a smile from up there in heaven. Padayon!

Let us offer a moment of silence to pray for the eternal repose of his soul.

Joey Velasco (March 18, 1967 - July 20, 2010)

Photos courtesy of Joey Velasco’s Facebook and Official Website.

Today is the First Death Anniversary of the King of Pop
You may have gone but your music will live forever. So long Michael. Moonwalk on your way to heaven and dance with the Angels.
Thank you for the wonderful music. Thank you for your wisdom. Thank you for your advocacy to heal this world. I will always be a fan.
May you rest in peace.

"My role in society, or any artist’s or poet’s role, is to try and express what we all feel. Not to tell people how to feel. Not as a preacher, not as a leader, but as a reflection of us all.”
- John Lennon
Created by overlaying John Lennon’s portrait and a texture from the internet. Plus a ‘John Lennon’ font.

"My role in society, or any artist’s or poet’s role, is to try and express what we all feel. Not to tell people how to feel. Not as a preacher, not as a leader, but as a reflection of us all.

- John Lennon

Created by overlaying John Lennon’s portrait and a texture from the internet. Plus a ‘John Lennon’ font.

And susunod na Istorya ay hango sa kathang-isip na tunay na pangyayari..
Umuwi ako, duguan ang puso, umiiyak, dahil sa isang nabigong pag-ibig. Naisip kong wasakan ang aking buhay. Nakakita ako ng blade, binalak kong maglaslas. Pero natakot ako. Takot kasi ako sa dugo. Naisip kong magbigti, kaso ay walang lubid.
Pero napaisip ako, wala namang mangyayari kung magpapakamatay ako. May hitsura naman ako. Marami pang mahuhumaling sa akin. Marami pa ang maglalaway sa akin. Marami pa ang maghahabol sa akin.
Pero kailangan kong ilabas ang aking nararamdaman. Nakakita ako ng ipis. Napag-pasyahan kong sa kanya ko na lang ibuhos ang aking galit na nararamdaman.
Hinampas ko ng tsinelas. Nakatakbo. Hinampas ko pa ulit. Ngunit lumipad. Hinampas ko ulit ng maka-ilang ulit. Bumagsak sa sahig. Iniwanan ko sa pag-aakalang patay na. Ngunit maya-maya pa ay muling nakatakbo sa ilalim ng lababo.
Ang ipis. Hindi madaling mamatay. Katulad ng pagmamahal ko sa iyo.
Pasensya ka na sa drowing. Hindi talaga ako magaling sa photoshop. Nilagyan ko lamang para mas makabagbag-damdamin ang kuwento. Bonus na lang yan.

"Imagine" by John Lennon
Inarguably one of the most beautiful anthem John Lennon has created. Thank you John for making this song. I will always be a fan.
Created by overlaying John Lennon’s portrait and a texture from the internet. Plus a ‘John Lennon’ font.

"Imagine" by John Lennon

Inarguably one of the most beautiful anthem John Lennon has created. Thank you John for making this song. I will always be a fan.

Created by overlaying John Lennon’s portrait and a texture from the internet. Plus a ‘John Lennon’ font.

"Rebolusyonaryo"
Iginugit ng pasmadong daliri ni Juan sa touchpad ng kanyang laptop. Pasensya na sa kalidad. Dumudulas na parang mga ice skater ang daliri ko.
Iginuhit gamit ang Scribbler.

"Rebolusyonaryo"

Iginugit ng pasmadong daliri ni Juan sa touchpad ng kanyang laptop. Pasensya na sa kalidad. Dumudulas na parang mga ice skater ang daliri ko.

Iginuhit gamit ang Scribbler.

Calling all Film enthusiasts especially those who live here down south:
I am inviting you to please watch “Cine Berde: Ang Kulay ng Indie Di’ne”, a project of the Association of Communication Arts of De La Salle-Lipa. It will be on March 13, 2010, 2PM to 8PM at Cinema 4 SM City Lipa. Ticket price is P60. 
For ticket inquiries, please leave me a message.

THE ART OF FOLDING. It is both funny and interesting when we can create a “new picture” by just simply folding a magazine, a photo, or a poster. This is a perfect example of a new image by folding the pages of the magazine.
I found this on Mo Twister’s twitter during the height of the New Moon craze.
I do not intend to offend the Twilight fanatics (though I have to admit that I am a big Harry Potter fan). I have just posted this one to show you the “art of folding.” How about you? Do you have pictures that shows the “art of folding”?

This is a personal blog where rants, raves, and everything in between is written and posted.

About the Blogger: His name is Juan, a frustrated writer who hails from a sauna town at the foot of Mount Makiling. He spends his being an overworked and underpaid High School teacher and being a self-proclaimed superhero who is dreaming and trying to make a difference, one post at a time.

For correspondence, please email me at juanrepublica@gmail.com

You can also find me at these websites:

Ninjas are Lurking at the Republic

Personal - Top Blogs Philippines

My Lakbayan grade is C!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

"Speak now or forever hold your peace.."
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...