Post(s) tagged with "PNP"

Huwag na sanang Maulit Muli
Pumasok na ang buwan ng Setyembre. Pumasok na tayo sa panibagong buwan ng taong ito. Isang bagong simula para sa muling pagbangon mula sa kahihiyan. Isang panibagong pagkakataon upang linisin ang ating mga sarili sa putik. Isang panibagong simula upang harinawa, tayo ay tumahak na sa ipinangakong tuwid na landas.
Nagtuturuan. Nagsisisihan. Pero habang tumatagal, wala ding nangyayari. Sino ang kawawa? Walang iba kundi ang mga biktima. Walang iba kundi ang ating Inang Bayan ilang dekada ng tampulan ng kahihiyan at pagkalugmok sa putik ng kahihiyan.
Ang larawan sa itaas - ang Pulis na nabitawan ang maso sa pagbasag ng salamin ng pinto ng bus - ay isa lamang sa mga imahe ng kapalpakan ng mga Pulis na tumatak sa ating noong ika-23 ng Agosto.
Sinasabing bumaba ang morale ng ating mga Pulis sa nangyari. Naging tampulan sila ng pambabatikos. Naging mababa ang tingin ng ilan nating mga Kababayan sa mga alagad ng batas. Ngunit mga Mamang Pulis, hindi pa po huli ang lahat. May pag-asa pa para muling iangat ang maya’t-maya na lamang na maduming imahe ng ating mga Pulis.
Hindi pa huli ang lahat Pilipinas. Bumangon ka. Linisin mo ang iyong sarili.
At sana huwag ng maulit muli.
Padayon!

Ang Pinakamatapang na Pulis ng Maynila
Walang helmet. Walang bullet proof vest. Pistol lang ang hawak. At nakabaliktad pa ang suot na cap sa ulo. Dapat kang parangalan sa iyong katapangan.
Nagkaroon man ng lapses sa inyong aksyon, saludo pa rin ako sa inyong kagitingan. Hindi pa huli ang lahat para linisin ang (lagi na lang) maduming imahe ng Pulis sa Pilipinas.
Bangon Philippine National Police! Padayon!
This is a personal blog where rants, raves, and everything in between is written and posted.
About the Blogger: His name is Juan, a frustrated writer who hails from a sauna town at the foot of Mount Makiling. He spends his time juggling a volunteer work and being a superhero who is dreaming and trying to make a difference, one post at a time.
For correspondence, please email me at juanrepublica@gmail.com
You can also find me at these websites:

My Lakbayan grade is C-!
How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!
Created by Eugene Villar.
"Speak now or forever hold your peace.."

