Dear Mel Tiangco at Mike Enriquez,
Ako po ay nakatutok sa inyong coverage ng Panata sa Pagbabago: The Aquino-Binay Inauguration. Mas malinaw kasi ang reception at mas kakaunti ang patalastas kumpara sa kabilang istasyon.

Medyo hassle nga lang makinig sa inyong dalawa Mang Mike at Tita Mel. Para lang kasi kayong dalawang lasing na nagkukuwentuhan. Lalo na si Mang Mike. Hindi ko alam kung lasing o sabog kapag nagsasalita.
Pero ayos lang, pandagdag na rin ng comic relief sa isang makasaysayang pangyayari sa ating minamahal na Pilipinas. Hanggang sa susunod na inuman!
Lubos na gumagalang,
Juan Republic, Isang Pilipinong Manonood



