An (Almost) Overnight to Remember: 69 Los Baños Tumblr Meet-up

June 9, 2010 - Carabao Park sa UPLB, naganap ang isang pagkikita-kita ng mga Tumblrista na mga estudyante ng UPLB, mga taga-Los Baños, at mga taga-karatig bayan. Okay, 69 LB Tumblr meet-up na lang para maikli.

69 dahil ito ay naganap noong June 9. 6/9. Huwag kang bastos mag-isip. Anyhoo, ika-anim ng gabi ang usapan. Dumating ako doon ng 6PM at lima (kung hindi ako nagkakamali) pa lamang ang andoon. Ok lang naman. Dadami din yun. At hanggang sa dumami pa nga.

Ito ang isa sa mga unang larawan ng mga early birds ng 69. Kahit medyo umaambon, hindi kami nabasa. Salamat na lang sa Smart Communications para sa sponsor nilang kubol.

Tapos, noong dumami pa ng konti, nagkaroon ulit ng picture-picture kasama yung bata na nagtitinda ng kutkuti (pansinin sa may kaliawang bahagi ng larawan).

Nagkaroon kami ng mga name tag/ stickers. Salamat kay beben, isa sa mga organizers, na matiyagang nagsusulat ng aming mga pangalan at tumblr ID. Kung ako siguro ang nagsulat sa sarili kong name tag, malamang ay hindi nila mababasa. Pangit kasi ang handwriting ko.

Nagkaroon ng first Impression Game kung saan isusulat sa papel na nakadikit sa aming mga likod ang first impression (e ano pa nga ba?). Salamat sa mga nagsabi na ako ay cool, matalino, genius, joker, at maganda ang sapatos (I sounded like I was kissing my own ass there).

Tapos, dumiretso kami sa Ludy’s sa may Raymundo Gate para sa isang hapunan. Doon na rin namin ipinagpatuloy ang aming kuwentuhan at sharing (or pagpapaliwanagtungkol sa mga nakasulat na first impressions).

Habang naghihintay, nagpaguhit na rin ako kay themelancholicpayaso sa aking kuwaderno. Souvenir doodle na din (Siya yung naka-red na katabi nung naka-blue sa larawan sa itaas si faydeathwalk).

Iyan nga palang katabi ko sa itaas ay si Melvin (beben). Nagkataon na kilala niya ang parents ko dahil nag-work siya dati sa ERDB sa Forestry. Ah, small world talaga ang Tumblr.

Pagkatapos ng hapunan sa Ludy’s, yung iba ay umuwi na. Either mag-aaral pa or mag-aaral pa. (Wink!). Ang mga naiwan naman ay dumiretso ng Fruit Spirits sa LB Square para sa isang inuman at masaya at matured na kuwentuhan (Wink!). Humabol din dun si kux at paopaolina (who was my elementary classmate at MSI).

Iyan nga palang larawan sa itaas mula sa kaliwa ay ako, si hecyboi, strawberrymince, onesidedhair, armado (formerly antiheroxii), at angsusunodnapalabas.

Naglaro kami ng spin the bottle mula sa iPhone ni kux pero dahil wasak ang mga tanong, nag-kuwentuhan na lang kami ng mga matured at kapupulutan ng aral na mga topic. (wink!)

Sa kadahilanang may mga gagawin pa kinabukasan, umuna na ng uwi sina themelancholicpayaso, armado, faydeathwalk, at akosimangpedring samantalang nagpatuloy lang kaming mga natira. Medyo mabait yung may-ari kaya’t nagbigay ng libreng kropek noong paalis na kami. Tapos dalawang baso ng (i forgot the name of the mix). Ayus!

Tapos napag-desisyunan namin na maglakad-lakad sa loob ng campus papunta ng 7-11 sa may S.U.

Tapos ay tumigil muna kami sa may Kwek-kwek Tower para sa isang picture-an. Ang mga natira na lang ay kami nina kux, paopaolina, onesidedhair, beben, heckyboi, 2xarn, strawberrymince, angsusunodnapalabas. 

Iyang nasa itaas, a la Abbey Road na picture ng the Beatles.

Yang dalawa na naka-Ninoy Aquino pose sa itaas ay sina 2xarn at strawberrymince

Picture pa ulit.

Tapos isa pa ulit (tumutugtog sa utak ko ang “Picture Picture” ng Tanya Markova habang ginagawa ang kodakan na yan.

Tapos nakakita ng No Parking sign. Picture picture ulit sa isang higanteng lollipop. 

Then dumiretso na kami ng 7-11 sa may S.U. Kung hindi ako nagkakamali, dalawa lang ang bumili. Si angsusunodnapalabas at heckyboi. Then the rest, nag-pictorial na lang. Salamat kay manong guard at sa dalawang crew dahil hindi kami sinaway (o baka ngarag lang sila para sawayin kami. Almost 2:00 AM na kasi yun).

Ang katabi ko sa larawan sa itaas ay si heckyboi. Okay. Pardon my pose. Para akong natate diyan.

Tapos ang larawan sa ibaba ay ang mga Adonis (yeah!) sa loob ng 7-11. Sina beben, hecyboi, onesidedhair, 2xarn, angsusunodnapalabas, at juanrepublic.

Tapos nag-prusisyon kami papunta ng never-ending bridge, nagkaroon konting katatakutan sa may tapat ng Library, then dumiretso palabas ng UP Gate. Then lakad ulit sa Pagcor Avenue (read: Lopez Avenue) papunta ng Junction para kumain sa Lugaw Queen.

Humiwalay na si beben pagdaan sa may tapat ng tinutuluyan niya. Tapos pagdating ng crossing ay umuwi na din sina paopaolina at kux.

Pagdating sa Lugaw Queen, si angsusunodnapalabas na ang nagbayad. Then kumain (e ano pa nga ba?). Pagkatapos noon, dahil katapat na naman halos ng Lugaw Queen ang Pamilihang Bayan ng Batong Malaki (na shortcut papunta sa amin), humiwalay na rin ako sa kanila at nagpaalam.

6:00 PM hanggang 3:00 AM ang naging Tumblr meet-up namin. Balita ko ay na-extend pa yung ilan. Nakakapagod pero masaya. Sulit sa mga bagong nakilala.

Hanggang sa muli nating pagkikita mga anak ni Maria Makiling at sa mga malalapit dito sa Los Baños. Padayon!

Ang mga larawan ay galing kay Greg (angsusunodnapalabas). Pasensya na kayo kung puro mga litrato na kasama ako ang nakalagay diyan. Masakit sa na kasi gluteus maximus. Nasa Facebook ni Greg ang mga kumpletong larawan.

Notes

  1. ilovesexmagic reblogged this from juanrepublic
  2. juanrepublic reblogged this from juanrepublic and added:
    It all started on this day - June 9, 2010, sa Carabao Park, UPLB. At hanggang sa naging MAS madalas ang noo’y binalak na...
  3. kuxiemonster reblogged this from juanrepublic and added:
    THE BEST.
  4. kuxiemonster said: LOL, sige bibilhin ko na yung mas matured version nung game na yun. HAHAHA. :P
  5. missyjoan said: june 9 (69) po :D
  6. ohsofizzy reblogged this from juanrepublic
  7. stillsundotkulangot reblogged this from juanrepublic
  8. stillsundotkulangot said: ang effort ni brother john!

← Previous Post Next Post →


This is a personal blog where rants, raves, and everything in between is written and posted.

About the Blogger: His name is Juan, a frustrated writer who hails from a sauna town at the foot of Mount Makiling. He spends his being an overworked and underpaid High School teacher and being a self-proclaimed superhero who is dreaming and trying to make a difference, one post at a time.

For correspondence, please email me at juanrepublica@gmail.com

You can also find me at these websites:



Ninjas are Lurking at the Republic

Personal - Top Blogs Philippines






My Lakbayan grade is C!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.





"Speak now or forever hold your peace.."
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...