DEAD NA SI LOLO!
No dear, this is not the critically-acclaimed independent movie.
This is about my Lolo Antonio who have just passed away as of writing.
Nakakalungkot na wala ako sa tabi niya nang siya ay pumanaw. Malayo kasi ang distansya sa pagitan namin at busy ako ngayon dito sa Los Baños.
I love you Lolo Antonio. Hindi man tayo madalas magkita at magkakuwentuhan dahil sa layo ng distansya sa pagitan natin - at dahil nasa loob ng seminaryo ako sa nakaraang walong (8) taon - madami akong natutunan sa iyo. Masuwerte ako dahil bago ka tuluyang nawalan ng kakayahang makapagsalita, madami ka pang naikuwento sa akin. Mga aral. Mga katatawanan. At mga “pabaon” mo sa akin.
At salamat sa pangalan. Ang palayaw kong “Tonton” ay napakalayo naman sa tunay kong pangalan. Pero dahil magkamukha daw tayo, naging “Tonton” ako. Batang “Antonio.”
Salamat Lolo Antonio. Mahal na mahal ko po kayo. Diyos na po ang bahala sa inyo. Alam kong magkikita din tayo balang araw.
So i think it would be a Tumblr hiatus for Juan Republic.
PLEASE PRAY FOR THE ETERNAL REPOSE OF HIS SOUL.
God bless everyone. Padayon!



