Kung si Bayani Fernando na lang kaya?

Sigurado ako na natatandaan mo pa ang patalastas na ito na isa sa mga ikinatuwa (at kinaasaran) ng maraming Pilipino noong panahon ng kampanya.

“Kulang sa tubig…Bayaiiiiii!”
“Krisis sa kuryente..Bayaniiiii!”
“Kulang sa pagkain…Bayaniiiiiiii!”
Kailangan. Bayani Fernando for Vice President!

 

Inilarawan si Bayani Fernando doon sa patalastas na iyon bilang isang mahusay na Inhinyero, tagalutas ng problema, takbuhan ng mahihirap, maaasahang lider, at kulang na lang ay lagyan ng kapa at brief sa labas ng pantalon para maging Superhero.

Sabagay, muntik na nga yata siya noong maging superhero kasama si Dick Gordon kung hindi lang sila natalo noong nagdaang halalan. Kung nagkataon, meron sana tayong dalawang Transformers na lider. Hindi nga lang natin alam kung Autobots o mga Decepticons:

Mainit ngayong araw ang usapin tungkol sa pagsabog ng isang bus sa may EDSA-Buendia kaninang hapon na ikinamatay ng 4 at ikinasugat ng 14 na iba pa. Halos hindi pa nga natatapos ang usapin tungkol sa mga pinatay na car dealers, heto na naman at binulaga tayo ng isang malagim na balita.

Sariwa pa lang ang balita kaninang hapon ay kung saan-saang news websites, Facebook page, at Tweets na ako tumambay - nakikibalita, naghihintay ng development mula sa mga otoridad at reaksyon sa ordinaryong Juan. Nag-aalala din kasi ako na baka isa sa mga biktima ay kakilala ko.

Pero mas wasak ang mga komentaryo ng ilang mga Netizens sa Facebook, Twitter, at sa mga News Websites. Animo’y mga eksperto sa lahat ng bagay kung makapagbigay ng opinyon. Mas magaling pa sa mga Makapili noong panahon ng Hapon kung makapagturo kung sino ang ituturong salarin. Dinaig pa ang mga Pulis at NBI sa imbestigasyon.

At isa sa mga hindi nakalusot sa mata ng madla, siyempre, wala ng iba kundi ang ating Presidente. Sino pa ba? Natural na yun sa mga Noypi. “Blame the Government. Blame the President. ang ultimate na solusyon. 

At sa pagbabasa ko ng kanilang mga reaksyon, halos iisa lang ang nais nilang iparating. 1) Kung bakit wala daw doon ang Pangulo? 2)Bakit wala siyang ginagawa? 3) Akala ko ba ay daang matuwid na ang tatahakin natin. At ang pinakawasak na nabasa kong komentaryo: 4) Bakit hindi niya napigilan ang pagsabog?

Paalala lamang po sa mga nakakalimot na mga Pinoy: Panot na Presidente po si Noynoy Aquino. Hindi isang Superhero.

Bakit kailangang isisi lahat sa Presidente? Nasa kanya ba ang lahat ng responsibilidad at kapangyarihan? One-man power ba ang tingin niyong pagpapatakbo sa Pilipinas? Mga ulaga!

Naaalala ko tuloy noong Quirino Grandstand Hostage Crisis noong Agosto 23, marami din ang naghanap sa Pangulo. Kung bakit wala daw siya doon. At kung bakit wala din daw siyang ginawa. Kailangan ba talagang laging visible ang Pangulo? Kailangan ba talaga na siya na lang palagi ang gagawa at balewalain na lang ang posisyon at responsibilidad ng kanyang mga Cabinet Secretaries?

Inuulit ko, panot na Presidente po si Noynoy Aquino. Hindi isang Superhero.

Hindi pa rin siguro nagbabago ang tingin ng karamihan sa posisyon ng isang Pangulo. Akala nila siguro ay nasa iisang tao lamang ang pagpapatakbo ng bansa.

Bumalik tayo kay Bayani Fernando. Kung tutuusin, too good to be true ang kanyang ad na nabanggit sa itaas. Oo nga’t may kakayahan siyang magpatakbo at mamahala pero hindi lamang nasa kanya ang kapangyarihan. Bukod siguro sa nakakaasar ang commercial niya, ang “too good to be true na pangako” siguro ang isa sa mga ikinatalo ni Bayani.

Paano nga kaya kung nanalo si Bayani Fernando bilang Presidente? Magkatotoo kaya ang mga scenario sa kanyang commercial?

  • “May Hostage Crisis sa Luneta, Bayaniiiii!”
  • “Nag-away si Cristine Reyes at Sarah Geronimo, Bayaniiii!
  • Hinawakan ni Baron Geisler ang dibdib ni Cherie Pie Picache, Bayaniiii!
  • May sumabog na bus sa EDSA, Bayaniiiiii!
  • At hindi na niya kailangan pa ng isang Mar Roxas as Chief Troubleshooter.

Malabo. Kahit Bayani si Bayani Fernando, hindi siya isang Superhero. Kailangan pa din niya ang tulong ng ibang tao, ng kanyang mga tauhan, ng taumbayan.

Marahil, too good to be true din ang pangako ni Noynoy Aquino na “Daang Matuwid”. Pero sana ay alalahanin natin na bago natin makamit ang daang matuwid, maraming lubak na kailangang patagin, maraming baku-bakong daan na kailangang ayusin. At hindi lamang sa Presidente nakasalalay ang responsibilidad na iyon. KAsama tayong lahat sa pagsasaayos at pagtahak sa daang matuwid.

Hindi ko dine-depensahan si Noynoy Aquino. Ang akin lamang, nais kong ibahagi sa inyo na tayong lahat ay kasama sa pagbuo ng bansang ito. Hindi kaya ng isang Presidente, o kahit ng isang Superhero, ang pagsasaayos ng isang bayan na puno ng sugat mula sa nakaraan. Kailangang marami tayo. Kailangang maraming Superhero.

Dahil ang bawat isa sa atin ay kayang maging Bayani.

Viva Filipinas! Padayon!

Source: juanrepublic

Notes

  1. sweetsmirk reblogged this from miseryandblisssinceicantremember
  2. miseryandblisssinceicantremember reblogged this from juanrepublic
  3. smilemylittlestar reblogged this from juanrepublic
  4. january25th answered: well said. it was actually my birthday when the bus incident happened. nakaka-bad trip pag araw mo at may ganitong nangyari. :(
  5. teelint0tzkie reblogged this from juanrepublic
  6. think-ill-love-this reblogged this from juanrepublic and added:
    very well said. couldn’t agree more.
  7. rachelunicorns answered: Kahit sino na VP, basta si GORDON ang president!!! :)
  8. stefanijoanneangelicagermanota answered: hmp!!!!!!!!!!!!!!!!
  9. aldrin013 reblogged this from juanrepublic
  10. crazeyfwend8 reblogged this from juanrepublic
  11. aldrin013 said: ay kinapos, sensya na po sa putol na sagot. Basta po, tama na lang ang maisasagot ko. Tama at tama na! Sisihan lang ng sisihan, may nangyayari po ba??
  12. aldrin013 answered: tama, hahaha, nga naman po, kahit iba pa ang naging presidente, may sumabog man na atomic bomb sa pilipinas (‘wag naman sana), hindi naman ke
  13. ileadthecraze reblogged this from juanrepublic
  14. leahlyn reblogged this from juanrepublic
  15. vakek-ang answered: tama! =)
  16. shobelissima said: Naalala ko tuloy ung narinig ko sa radyo kaninang umaga. Pag daw hinanap naman ang tulong ng pinoy, ang magiging sagot e, “busy kami — busy kami sa pagreklamo.”
  17. trina3na reblogged this from juanrepublic
  18. pjmaroon reblogged this from juanrepublic
  19. isimplyshine reblogged this from juanrepublic
  20. fireina-akira answered: yup!! I remember that AD..
  21. ipeeipoopipau answered: One Amen from me for that! :) Stop blaming. That never helps. Start acting!
  22. superchoi reblogged this from juanrepublic and added:
    Not that I support...(in fact, I don’t like him lol) but it’s
  23. tumblrkko reblogged this from juanrepublic
  24. ishcoh reblogged this from juanrepublic

← Previous Post Next Post →


This is a personal blog where rants, raves, and everything in between is written and posted.

About the Blogger: His name is Juan, a frustrated writer who hails from a sauna town at the foot of Mount Makiling. He spends his time juggling a volunteer work and being a superhero who is dreaming and trying to make a difference, one post at a time.

For correspondence, please email me at juanrepublica@gmail.com

You can also find me at these websites:



Ninjas are Lurking at the Republic

Personal - Top Blogs Philippines


View John Emmanuel Leviste-Ebora's check-ins on GetGlue



My Lakbayan grade is C-!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.



Juan Republic followers


"Speak now or forever hold your peace.."
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...