The Republic Turns One

Today, January 6, Juan Republic turns one. Pero katulad ng nalalaman ng iilan, hindi ito ang unang Juan Republic. Alipin ako noon ng Multiply at doon talaga nagsusulat at nagbabahagi ng saloobin at mga opinyon.

Gumawa ako ng Tumblr sa iisang kadahilanan lamang: for a bigger market for my blogs. Multiply is dead. Nakaka-bundok ang blogspot. At walang nagbabasa ng mga blog sa Facebook. Ika nga, ang tumblr ang easiest way to blog.

Noong una, katulad ng marami dito sa tumblr, puro reblog at mga walang kuwentang posts lamang ang ipino-post ko. Gumagawa ng mga walang saysay na word art. Nagpo-post ng mga walang kuwentang pictures. Nagsa-submit sa Pinoy Tumblr para dumami ang followers. At siyempre, dakilang “liking machine” ng mga cute na fina-follow ko (nagpapapansin kumbaga).

Kakaunti pa ang mga kakilala ko noong unang buwan. Wala halos personal na kakilala. Kung hindi man stranger, mga artista ang fina-follow ko. At narito ang listahan ng aking mga unang Tumblr crush:

Isinaisip ko na lang na babawasan ko ang pagre-reblog (or totally hindi na magre-reblog) noong mga bandang Pebrero. Itinanim ko sa isip ko ang katagang: “Why reblog if you can be the source?”. Kaya simula noon, gumawa na lang ako ng sarili kong mga akda.

Noong una, “recycled” lamang ang mga blogs ko. Imported at revised lang from my Multiply blogs. Pero nang maglaon at maubos na ang mga blogs ko doon, gumawa na ako ng mga bagong akda. Karamihan ay satire, inspirational, philosophical, at everything under the sun.

Pero mas nakilala yata ako dito sa Tumblr bilang isang Socio-political blogger (nuks!). Sinimulan ko ang krusada ko noong bago mag-halalan. Gumawa ako ng self-imposed 25-day tumblr challenge na naglalayon para pag-isipan ng makailang ulit ang boto, at bumoto sa halalan. Voter;s education kumbaga. Hindi naging madali sa akin iyon. Bukod kasi sa masakit sa ulo (dahil mostly random ang mga isinusulat ko) nakatanggap pa ako ng pagbabanta mula sa isang kandidato na tinamaan yata ng post ko. Wasak hindi ba?

Buwan naman ng Marso nang una akong nakapunta sa isang tumblr meet-up. Actually, mini met-up lang dito sa Los Baños kasama sina Gail (@ohyesitsg) at Greg (@sundotkulangot). At hindi ko makakalimutan ang sinabi ko noon kay Gail na “tao na ako” dahil nakapunta na ako ng meet-up. Ang babaw ko lang. Haha!

Buwan ng Hunyo nang nakilala ko ang eLBikada. Hindi ko lubos maisip na sila ang makakasama ko sa mga tawanan, iyakan, inuman, pagpapausok, kantahan, drama, at mga halakhak sa buhay. Hindi sapat ang isang pahinang post para pasalamatan sila. Mga putang ina niyo! Salamat sa pagtanggap at pagmamahal.

Isang taon ang nakalipas. Isang taon ng pagsusulat. Isang taon ng pagtuklas kasama ang Tumblr. Understatement ang sabihing “nakaka-adik” ang Tumblr. It’s more than addiction. It’s love. It’s friendship. It’s family.

At kung inaakala niyo na dahil isang taon na ako sa tumblr ay madami na akong posts, nagkakamali kayo. Wala pa sa 1,100 ang mga posts ko kaya’t makakapag-backread pa kayo lalo na sa mga bagong nakakakilala sa akin.

Sa puntong ito, nais ko namang pasalamatan ang mga sumusunod:

  • David Karp - Lintek ka! Binago mo ang buhay ko. Kumapal ang eye bags ko. At tumaas ang mga bills namin. hihingi ako ng refund at compensation kapag nakasalubong kita sa New York.
  • Gail (ohyesitsg) at greg (@sundotkulangot) - special mention kayo dahil kayo ang una kong na-meet sa totoong buhay. Binasag niyo ang pagkakaroon ko ng mababang self-esteem (nuks!). Maraming salamat sa inyo.
  • eLBikada - Kayo ang nagpuno ng kung anumang kulang na hinahanap sa akin noon ng mga Prayle sa Seminaryo. Sana ay madami pa ang ating pagsasamahan.
  • Irene (@extraordinerie) - isa pang special mention dahil ikaw ang unang tumblrista sa Tumblr Ask ko. Haha! Salamat din sa mga pagtuturo mo sa akin sa mga bagay-bagay noong nagsisimula pa lang ako dito. Alam mo na yun.
  • Followers - Maraming salamat sa pagpindot ng krus na buton sa itaas.
  • Readers - Salamat sa iilan na nagtitiyagang magbasa ng mahahaba kong posts. At special mention sa mga mahilig mag-reply, mag-comment via Disqus, at mag-iwan ng photo reply. Kagaya nga ng madalas kong sinasabi, “I prefer readers than followers”.
  • Sa mga naka-close, naka-TA, ka-Twitter, at naging mga kaibigan sa Facebook - Salamat sa inyo. Pagpalain nawa kayo ni Papa Lord.
  • Sa mga nagsasabi na “para akong si Bob Ong magsulat” - utang na loob naman! Bob Ong is so passe! Move on. Let go. Dig other authors. 
  • Tatay at Nanay - alam kong binabasa niyo ang blog ko. I love you!
  • Sa mga idolo ko dito sa Tumblr - Hindi ko na kailangan pang isa-isahin ko kayo. Kilala niyo na kung sino kayo. Salamat sa inspirasyon.

Kung nakalimutan man kita, isulat mo na lang ang pangalan mo sa linyang ito. Go! __________________________.

Isant taon ang lumipas. Isang taon ng paglalakay. Isang taon ng pagsusulat. At alam kong simula lamang ito ng mas mahaba pang paglalakbay.

At kung sakali mang magunaw ang mundo next year at mag-survive ako or mawala na ang Tumblr, hayaan niyo, hangga’t nabubuhay ako, kahit na mag-evolve ako, magsusulat pa rin ako.

Pag-ibig at kapayapaan para sa ating lahat. Padayon!

Source: juanrepublic

Notes

← Previous Post Next Post →


This is a personal blog where rants, raves, and everything in between is written and posted.

About the Blogger: His name is Juan, a frustrated writer who hails from a sauna town at the foot of Mount Makiling. He spends his time juggling a volunteer work and being a superhero who is dreaming and trying to make a difference, one post at a time.

For correspondence, please email me at juanrepublica@gmail.com

You can also find me at these websites:



Ninjas are Lurking at the Republic

Personal - Top Blogs Philippines


View John Emmanuel Leviste-Ebora's check-ins on GetGlue



My Lakbayan grade is C-!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.



Juan Republic followers


"Speak now or forever hold your peace.."
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...