Angels and Jejemons: Isang Pagsusuri (o Isang Mapagkunwaring Book Review)
Isang disclaimer: Hindi ito libro tungkol sa mga anghel. Hindi din ito tungkol sa mga Jejemon. At hindi ito spoof ng nobela ni Dan Brown kaya’t hindi mo makikita ang Santo Papa na nagsusuot ng jejecap bilang kapalit ng kanyang Mitra.
Isa itong aklat tungkol sa Pinoy Pop Culture.
Nasa Booksale ako kahapon sa SM CIty Calamba nang makapukaw ito sa aming paningin. Itinuro sa akin ng tatay ko ang librong ito na naka-display malapit sa may counter. Takaw-pansin ang libro dahil katulad ng illustration ng sikat na nobela ni Dan Brown - ang Angels and Demons.

Dahil mura ang aklat sa halagang 85 pesos, agad ko itong binayaran sa counter. At hindi naman ako nanghinayanhg sa pagbili. Puwede ng pagtiyagaan.
Madali kong natapos ang aklat. 136 pahina lang kasi. Isang upuan lang, solb na ang kuwentuhan.
Ang aklat, katulad ng nabanggit ko sa itaas, ay tungkol sa Pinoy Pop Culture. Nahahati ito sa ilang mga kabanata: mga patunkol sa pelikula, teleserye, artista, listahan ng mga kung-ano-mang-naisip-ng-may-akda, musika, basketball, at ilan pang mga random na bagay na pumasok sa isip ni Arnel Aquitania na isinulat upang maging bahagi ng aklat.
Dahil nga patungkol sa Pinoy Pop Culture, makaka-relate ang mga mambabasa sa ilang mga bagay sa aklat na ito. Pero may mga item sa libro na kailangan pang i-Google ng kasalukuyang henerasyon dahil sa masyao na itong vintage o hindi na umabot sa panahon ng torrents. Kaya may mga parte na nagpapatawa na pala ang may akda, hindi ko pa rin ma-gets.
Taglish at informal ang wikang ginamit sa aklat. Parang nagku-kuwentuhan lang kayo ng conyologs mong kaibigan. Nandoon ang witty na atake at paglalaro sa mga salitang ginamit.
Kung alipin ka ni Bob Ong, malamang na sabihin mong “parang si Bob Ong ang istilo ng pagsusulat.” Ngayon pa lang itigil mo na ang pagbabasa ng artikulong ito at pumunta sa pinakamalapit na bookstore at pumunta sa Filipiniana section, halungkatin mo yung mga obra ng ibang Pilipinong manunulat.
Sa kabuuan, mahusay ang pagkakasulat ni Arnel Aquitania sa aklat na ito. Nandoon ang sarili niyang istilo sa pagku-kuwento na hindi maaaring ihalintulad sa ibang manunulat.
Pinupuri ko din ang PSICOM Publishing sa pagbibigay ng pagkakataon sa ilan nating mga kababayang manunulat na mailimbag sa isang aklat ang kanilang mga obra. At naniniwala akong madami pa kayong matutulungan. At sana ay isa na po ako doon (shameless promotion).
Sa bandang huli, nais kong iwanan sa inyo ang katagang ito: “Bob Ong may have stereotyped the writing style of some Pinoy writers but only a wide reader can break that notion.” (Pinag-isipan ko yan. Bawal nakawin.)
Diyan na muna kayo. Baka kuyugin na ako ng mga fans ni Bob Ong. Padayon!
Source: juanrepublic
Notes
-
jasmineatsix liked this
-
abakadamachine liked this
-
saintosinner reblogged this from juanrepublic
-
iamsuperindayaj12 reblogged this from juanrepublic
-
iamsuperindayaj12 liked this
-
windhime liked this
-
wronggrammargod liked this
-
thetwinkledstar liked this
-
lesterman liked this
-
kennethsarmiento24 liked this
-
maypagasa liked this
-
bluesandsunshine liked this
-
wuhlakampakhii reblogged this from juanrepublic
-
ayadae liked this
-
underthebloodredsky reblogged this from juanrepublic
-
justtokillthetime reblogged this from juanrepublic
-
batangeneo liked this
-
threelowgee reblogged this from juanrepublic
-
january25th liked this
-
bugumzki liked this
-
bugumzki reblogged this from lykzanangel
-
lykzanangel reblogged this from kornbeef
-
lykzanangel liked this
-
soulcatcher17 reblogged this from juanrepublic
-
robinology liked this
-
aldm reblogged this from juanrepublic
-
redellered liked this
-
kornbeef reblogged this from juanrepublic
-
blueandpinkbee liked this
-
ohsiam reblogged this from juanrepublic
-
karma1101 liked this
-
greenteasoya liked this
-
jumpingjologs liked this
-
pbpbpb liked this
-
ekkis reblogged this from juanrepublic
-
littlemisswisdom liked this
-
nakereru liked this
-
aamidala liked this
-
sugaroverdosed liked this
-
palitngpalit reblogged this from juanrepublic and added:
i’ll buy..sana meron
-
brookespoint liked this
-
mosthighgod09 reblogged this from juanrepublic
-
ruwi liked this
-
slumber-dog liked this
-
fumarcruz liked this
-
dotisthename liked this
-
dotisthename said:
sayang naman walang matinong bookstore dito sa palawan!! nakakainis sana makauwi ako ng pasko upang matunghayan ko rin kung ano ang nilalaman ng libor na iyan. salamat sa post.
-
robertjaramillo liked this
-
aagizer liked this
-
justaspromised reblogged this from juanrepublic
- Show more notes
This is a personal blog where rants, raves, and everything in between is written and posted.
About the Blogger: His name is Juan, a frustrated writer who hails from a sauna town at the foot of Mount Makiling. He spends his time juggling a volunteer work and being a superhero who is dreaming and trying to make a difference, one post at a time.
For correspondence, please email me at juanrepublica@gmail.com
You can also find me at these websites:

My Lakbayan grade is C-!
How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!
Created by Eugene Villar.
"Speak now or forever hold your peace.."


