“Ang Panahong Pantay-pantay ang mga Burgis at Dukha”

“Bakit pa ako boboto? Wala din namang nangyayari?”

Noong ako ay napadestino noong huling eleksyon noong taong 2007 sa malayo-sa-kabihasnan at liblib na baranggay sa isang isla na parte ng Batangas, iyan ang madalas kong mapakinggang pangangatwiran mula sa ilang mga matatandang aking nakakausap. Nawalan na sila ng pag-asa sa sistema. Kaya’t nawalan na rin sila ng gana para maghalal ng makapangyarihan sa puwesto.

Sisihin natin ang mga nagdaang liderato. Sisihin natin ang mga nagdaang namuno sa ating bayan. Sisihin natin ang sistema na lumalamon sa kung sino man ang umuupo sa puwesto. Iyan siguro ang nasa isip ng mga taong tila ba nawalan na ng pag-asa tuwing eleksyon.

Pero ang madalas kong sinasabi sa kanila, ito lamang po ang legal na paraan para kahit papaano, ay magkaroon tayo ng pagbabago sa ating pamahalaan. Sa matalino nating pagpili ng mga kandidato, harinawa, ay makamit natin ang ating inaasam na pagbabago.

At ito lamang ang bihirang pagkakataon kung saan nagkakapantay-pantay ang mga burgis sa mga dukha. Ng mga may kaya at ng mga payak ang pamumuhay. Ng mga may kapangyarihan sa mga ordinaryong mamamayan.

Lahat tayo ay may pantay-pantay na karapatang bumoto. Lahat tayo ay may iisang boto. Lahat tayo ay matiyagang pipila sa presintong ating kinabibilangan. Lahat tayo ay pare-parehog mga Pilipino sa araw ng halalan na nag-aasam ng pagbabago sa pamamagitan ng isa nating boto.

Bihira lamang ang ganitong pagkakataon. Samantalahin na natin. Pag-isipan nating mabuti ang ating ihahalal. Naniniwala akong may nalalabi pang pag-asa. Hindi pa huli ang lahat.

Pilipinas, gumising at bumangon ka. May pag-asa pa. Padayon!

- Juan Republic, 7 Days Before the Elections

Photo courtesy of My Cebu Photo Blog

"Usapang Dingdong at Marian"

  • I came across with a former student while I was browsing for new CDs on a record bar.
  • .
  • Student: Sir, I have read your "Better than Thou Dingdong-Marian and Melason" post on your Tumblr account. Great work Sir!
  • Juan: Matagal ng naka-post yun ah? Salamat!
  • Student: Sir, may bagong pelikula ang Dong-ian ah? "You to Me are Everything" yata ang title.
  • Juan: Seriously? "Dong-ian" ang tawag sa kanila? Ampanget ha? (Laughs). Yes. Familiar ako doon.
  • Student: Ano pong opinyon niyo doon?
  • Juan: I think paraan ng GMA Films yun para kumita sila. Sila Dong at Marian lang naman kasi ang iilan sa mga "marketable" na artista ng GMA-7 eh.
  • Student: Oo nga po Sir. Wala akong masyadong kilalang artista doon.
  • Juan: At isa pa, mali yata yung tagline sa trailer na "reunited once again." Bakit? Kailan ba sila nagkahiwalay? Umay na nga ako sa kanila eh. (laughs)
  • Student: At isa pa po sir, may gagawin yata silang remake ng Koreanovela. Yung "Endless Love".
  • Juan: Oo nga. Nakita ko nga sa TV. Hayan. Another great Koreanovela will be bastardized again by GMA-7. Katulad ng ginawa nila sa "Full House" (Laughs)
  • Student: Ang mean niyo po sir! Pero tunay naman po.
  • Juan: Welcome to Philippine Entertainment!
I saw this one on my Facebook Wall. And I think it is but proper to share this with you for a “bigger market.” Damn you Dick Gordon! You are my President!

I saw this one on my Facebook Wall. And I think it is but proper to share this with you for a “bigger market.” Damn you Dick Gordon! You are my President!

"Usapang Chinita"

  • Habang nakikipag-wrestling sa Pulang Tikbalang sa isang Resto-Bar at napapaligiran ng mga nakatambay na Koreans
  • .
  • Juan: Pare, do you find singkit or chinita girls attractive?
  • Friend: Oo naman! they are so Kawaii!
  • Juan: Yun ba talaga ang mga preferred mong babae? Yung chinita?
  • Friend: (Thinks) Hindi rin. Dati kasi yung mga British-looking. Like Emma Watson. Or Russian-looking because of Maria Sharapova. Pero wala pa ring tatalo sa Pinay Beauty. Anong gusto mong iparating?
  • Juan: Do you think pop culture is to blame kung bakit type natin ang mga singkit?
  • Friend: What do you mean?
  • Juan: At first, they gave us the Taiwanese F4, and everybody wants to be a Taiwanese. Then they gave us this whole Korean phenomenon. K-Pop as they say. And everybody wants to be Korean.
  • Friend: As manifested in the infectious Korean Songs penetrating our hit charts, Korean Fashion, and "Korean mentality"?
  • Juan: Exactly! At sa opinyon ko, dahil napapaligiran na nila tayo, nag-iiba ang concept natin ng "beauty." Mas nagiging mukhang maganda sa paningin natin ang mga chinita.
  • .
  • Suddenly, a cute Koreana approached our table to borrow my friend's lighter.
  • .
  • Juan: Anyong Haseo!
  • Koreana: Anyong Haseo! Thank you for the lighter!
  • .
  • Friend: Colonial mentality or cultural idolatry?
  • Juan: I don't know. I am not a sociologist nor an expert to discuss that in a deeper way. But that Koreana is just too cute!
  • Friend: C'mon! Our Maria Claras are far far better! Let's just drink to that!
  • Juan and Friend: (Raises the bottle of "Pulang Tikbalang") Welcome to the Philippines!

Utang na Loob Naman!

Utang na loob. Debt of Gratitude. Isang napaka-Pinoy na kaugalian. Ito ay naka-ugat na sa ating kultura. Maaaring nakabubuti o nakasasama sa isang tao.

Malalim ang pinag-uugatan ng utang na loob. Kapag ang isang tao ay may nagawang mabuti sa kanyang kapwa, ang tendency ng kanyang kapwa ay suklian ang kabutihang loob na iyon – maaaring materyal, imateryal, serbisyo, o habambuhay na “pagsakal sa leeg” mula sa pinagkakautangan ng loob.

Isang kaugaliang naka-ugat na sa ating kultura. At isang kaugaliang naka-ugat na sa sistema ng atng pulitika.

Hindi naman kaila sa atin na bukod sa “Padrino System” ng pulitika dito sa ating bansa, mayroon ding tinatawag na mga “King Makers”. Sila ang mga oligarchs o mayayamang negosyante na nagpo-pondo sa mga tumatakbong kandidato tuwinghalalan.


At bilang ganti, o bilang utang na loob mula sa mga pinagkakautang mga ito, gagawin ng mauupong opisyal ang lahat para protektahan ang interes ng nag-pondo sa kanyang kampanya. Mutualism lang. Dahil siya ay may utang na loob. Dahil siya ay tumatanaw ng utang na loob.

Sa gabitong sistema ng pagtanaw ng utang na loob, magiging endless cycle ang pag-upo ng iilan na binabasbasan ng mga “Panginoon” sa ibabaw ng lupa. At dahil pinoprotektahan ng nakaupo ang interes ng mayamang nag-pondo sa kanila, magiging endless cycle din ang kawalan ng hustisya at pantay na pag-trato sa mga maliliit na manggagawa, negosyante, at taong bayan.

Dahil sa ganitong sistema ng pulitika, patuloy na babagsak ang mga nasa ibaba samantang ang mga nasa itaas ay patuloy na bubulusok sa itaas. Patuloy na yayaman ang mga mayayaman at patuloy na maghihirap ang mahihirap.

Pilipinas, kailangan na nating basagin ang naaagnas na sistemang ito. Sa pagpili natin ng kandidato, isa-alang-alang natin kung ang kandidato bang ating ihahalal ay may utang na loob sa mga negosyante, kung sila ba ay protektado at nagpo-protekta sa mga burgis na negosyante. Kung kapag umupo ba sila, mas uunahin pa nila ang kapakanan ng mga tumulong sa kanila para sila ay umupo sa puwesto.

Pilipinas, gumising at bumangon ka. May pag-asa pa. Padayon!

- Juan Republic, 8 Days Before the Elections

Photo courtesy of the movie adaptation of the famous book of Mario Puzo - The Godfather (Il Padrino).

Kris Aquino vs. Manny Pacquiao?
Finally, I saw this tweet of Kris Aquino-Yap defending his brother Senator Noynoy Aquino against the Manny Villar-led political ad featuring Manny Pacquiao.
We are all familiar of Pacquiao’s line in the commercial: “laban ng laban, wala namang napatunayan.” And we are not stupid naman para hindi ma-gets ang tinutukoy ni Manny Pacquiao (Alright, I talked like Kris Aquino there).
Welcome to the Philippine Politics!
Click the photo for the source.

Kris Aquino vs. Manny Pacquiao?

Finally, I saw this tweet of Kris Aquino-Yap defending his brother Senator Noynoy Aquino against the Manny Villar-led political ad featuring Manny Pacquiao.

We are all familiar of Pacquiao’s line in the commercial: “laban ng laban, wala namang napatunayan.” And we are not stupid naman para hindi ma-gets ang tinutukoy ni Manny Pacquiao (Alright, I talked like Kris Aquino there).

Welcome to the Philippine Politics!

Click the photo for the source.

Better things than Jejemons and Tumblr Famous?

Try discussing the justice for the victims of Maguindanao Massacre and the upcoming elections. Pilipinas, mas marami pang mahahalagang bagay!

A single vote can make a BIG DIFFERENCE!

Nine (9) Days na lang bago ang eleksyon. Isipin niyo na lang na simula na ng Simbang Gabi bilang paghahanda sa Pasko. Vote wisely. God bless Pilipinas.

"Kulturang MRT/LRT"

Natatandaan ko noong nagta-trabaho pa ako sa Maynila. May mga pagkakataong sumasakay ako ng LRT kapag late na ako sa pagpasok ko sa PGH. O kapag naman sa Bulacan ang trabaho namin, at magkikita-kita kami sa Cubao o sa North Ave., sumasakay na ako ng MRT pagbaba ko ng bus sa Magallanes.

Isa sa pinaka-gamit na transport system sa Metro Manila ay ang MRT/LRT. Bukod sa mura ang pamasahe, walang hassle sa mabagal na trapiko at mabilis kang makakarating sa pupuntahan mo. Yun nga lang, kailangan mong magtiis sa mas-masahol-pa-sa-PULP Summer Slam-at-moshpit na siksikan sa loob.

Nakakatawa pero nakaka-badtrip na tingnan yung mga pasahero sa may pinto – na imbes na padaanin nang mga papasok at palabas ng tren ay siya pang nakaharang at walang pakiaalam sa mundo. Wala ding pakialaman kung may matanda o babaeng nakatayo. Hindi na kasi uso ang pauupuin ang babae o matanda. Patay na siguro ang chivalry. O dahil yun sa gender equality. Walang pakialam kung siksikan o may naiipit. Pare-pareho tayong nagbabayad. Lahat tayo ay may kanya-kanyang pupuntahan.

Walang pakialamanan. Siguro ay dahil sa privacy. O mas marahil, dahil ayaw naman nating manghimasok o makialam sa buhay ng iba dahil baka sabihin nila ay pakialamero tayo. O dahil hindi naman tayo apektado ng buhay ng iba. May kanya-kanya tayong buhay kaya walang pakialamanan na lang.

Iyan ang sakit ng lipunan. Walang pakialamanan. Live and let live na lang. Kaya kung may nakikitang mali sa lipunan, hindi na lang kumikibo. Hindi na lang nakikialam. Mananahimik na lang. Tolerable naman.

Kaya mas lumalalim ang isang sugat, kaya mas lumalaki ang problema ay dahil ito ay pinapabayaan. Hindi na kasi pinapakialamanan. Hindi na kasi itinatama ang nakikitang mali. Kahit alam namang mayroong magagawa.

Ika nga, “For evil to triumph, it is enough for good men to do nothing.”  Wala ngang ginawang masama. Pero wala din namang ginawang mabuti. Anong piagkaiba noon?

Ang Pilipinas ay nangangarap ng pagbabago. Tayong lahat ay nangangarap ng pagbabago. At ang pagbabago ay magsisimula sa indibidwal na lebel. At ang pagbabago, sa aking opinyon, ay makakamit kung ang bawat isa sa atin ay makikialam para makamit ang pagbabago.

Makialam. Huwag isabuhay ang kulturang MRT/LRT. Pilipinas, gumising at bumangon ka. May pag-asa pa. Padayon!

- Juan Republic, 9 Days Before the Elections

Photo Courtesy of Exiled Blogger.

"Rebolusyonaryo"
Iginugit ng pasmadong daliri ni Juan sa touchpad ng kanyang laptop. Pasensya na sa kalidad. Dumudulas na parang mga ice skater ang daliri ko.
Iginuhit gamit ang Scribbler.

"Rebolusyonaryo"

Iginugit ng pasmadong daliri ni Juan sa touchpad ng kanyang laptop. Pasensya na sa kalidad. Dumudulas na parang mga ice skater ang daliri ko.

Iginuhit gamit ang Scribbler.

"Usapang Diretso"

  • Habang bumibili ako sa may tindahan sa kanto, may lumapit na mga campaign volunteers ng isang Presidential Candidate.
  • -
  • Volunteer: Kuya, huwag pong makakalimot sa May 10 ha?
  • Juan: Opo naman. Hindi po ako makakalimot na bumoto.
  • Volunteer: Ang ibig kong sabihin ay iboto si _______________.
  • Juan: Naku pasensya na po. Buo na po ang desisyon kong iboto si DICK GODON.
  • Volunteer: Ah okay. Pero baka magbago pa ang isip mo.
  • Juan: Manalo o matalo ang manok ko, paninindigan ko po ang boto ko.

Dear Pau Gasol,

Sinira mo ang mga pangarap kong malaglag ang Lakers sa Playoffs! Kung bakit kasi abangers ka sa ilalim! Matatalo din kayo! Kung pumasok man kayop sa finals, humanda kayo sa Boston Celtics! 

Nagbabanta with an Evil Laugh,

Juan Republic >:)

TODAY IS LABOR DAY. TODAY IS THE FEAST OF ST. JOSEPH THE WORKER
Isang pagpupugay para sa mga manggagawa sa araw na ito. Nawa ay maging huwaran ninyo si San Jose, ang manggagawa, sa inyong pagpapagal sa trabaho.
Mabuhay ang mga manggagawa! Mabuhay si San Jose!
Photo courtesy of stjosephworker.org

TODAY IS LABOR DAY. TODAY IS THE FEAST OF ST. JOSEPH THE WORKER

Isang pagpupugay para sa mga manggagawa sa araw na ito. Nawa ay maging huwaran ninyo si San Jose, ang manggagawa, sa inyong pagpapagal sa trabaho.

Mabuhay ang mga manggagawa! Mabuhay si San Jose!

Photo courtesy of stjosephworker.org

I will be a PPCRV Volunteer this Coming May 10

I will be a Poll Watchdog. I need to be in the polling precinct before 6 AM and stay there until it ends.

I will be a part of the group of 10 watchers who will test run the ballots and the PCOS Machine on May 7, three (3) Days before the Elections, at the polling precincts.

I will be a part of the team watching and safeguarding the elections.

With this, I hope I can make a difference and do something good for my country.

Sana ikaw din.

Let us all pray for a clean, honest, and successful elections. God Bless Pilipinas. 

Lost Brother?
Marami ang nagsasabi na may resemblance daw ako kay Jiggy Aquino-Cruz, apo ng namayapang Pangulong Cory Aquino at Senator Ninoy Aquino, anak ni Ballsy Cruz, at pamangkin ni Senator Noynoy Aquino at Kris Aquino. At pinsan ni Baby James Yap.
At pareho daw kami kapag nagsasalita (lalo na yung mga “side smirk” ni Jiggy). I will leave you the judgment. Magkamukha ba talaga kami?

Lost Brother?

Marami ang nagsasabi na may resemblance daw ako kay Jiggy Aquino-Cruz, apo ng namayapang Pangulong Cory Aquino at Senator Ninoy Aquino, anak ni Ballsy Cruz, at pamangkin ni Senator Noynoy Aquino at Kris Aquino. At pinsan ni Baby James Yap.

At pareho daw kami kapag nagsasalita (lalo na yung mga “side smirk” ni Jiggy). I will leave you the judgment. Magkamukha ba talaga kami?


This is a personal blog where rants, raves, and everything in between is written and posted.

About the Blogger: His name is Juan, a frustrated writer who hails from a sauna town at the foot of Mount Makiling. He spends his being an overworked and underpaid High School teacher and being a self-proclaimed superhero who is dreaming and trying to make a difference, one post at a time.

For correspondence, please email me at juanrepublica@gmail.com

You can also find me at these websites:



Ninjas are Lurking at the Republic

Personal - Top Blogs Philippines






My Lakbayan grade is C!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.





"Speak now or forever hold your peace.."
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...