
Tumblr Magazine Issue #19 * Cover #23 * JANUARY 2013 * Power Issue * ON THE COVER: John Emmanuel Leviste-Ebora a.k.a. @juanrepublic
JUANREPUBLIC WAS HERE. In an exclusive Seminary in the heart of a first class city in Batangas, in the chaotic tumblrverse, in a private school, teaching. newbies may not recognize him but as we relive the best days of tumblr which is roughly three years ago (yeah the now generation suck, like big time), we got the chance to dive into the life of a tumblogger well known for his blogging style that just makes everyone of us put him in that fictional pedestal. Kpop fans, Hipsters 2.0, Jejebloggers, CheckBloggers, Punch drunk sons of b*tches, kids…meet Brother John.
__________________________________________
Kelan ka nagsimula mag tumblr?
It all started on one hot morning of January 6, 2010. I was bored. And irritated. I quit my job in Manila as a researcher and I have yet to look for a decent, new job. I need to do something productive to keep my sanity
Paano mo na discover ang tumblr?
I was a slave of Multiply then. Actually, Juan Republic is originally from Multiply. Then I discovered Tumblr from some of the users there. The tagline “the easiest way to blog” finally made me decide to transfer for a ‘bigger audience’.
Gaano ka na katagal nagta-tumblr?
Look at my answer on the first question and do the Math. Haha! (Kupal Mode:ON)
Tumblr back then, maaari mo bang ikumpara sa kung ano ito ngayon? (in all aspect haha)
I joined Tumblr during the last, dying days of Tumblarity. Kaya kahit wala naming saysay yung post, sige lang para tumaas ang Tumblarity. Uso yung “Reblog if” posts. Uso din noon ang ‘typography’ sa Tumblr (na Word Art lang daw sabi ng mga hardcore graphic designers). Tapos nauso din yung pagpapalitan ng fan sign at pagpapasalamat sa lahat ng nag-follow (with matching screen cap pa). yung #TTH tag noon, titillating, hindi katulad ngayon basta na lang makapagbuyangyang ng phallus, mammary glands, posterior, at vulva.
Gusto ko ang Tumblr noon kasi sincere pa ang kuwentuhan ng mga users. Kung may issue man, hindi ganoong ka-baba ang level (imagine Allan Peter Cayetano and Manong Johnny Enrile mudslinging level last week sa Senado, parang ganun.). Open sa isa’t-isa ang mga users kahit hindi pa nagkikita sa personal. Generally peaceful kumbaga ang relationship ng mga Tumblristas sa isa’t-isa.
Pero nagbabago ang panahon. Yung mga estudyante dati na nagiging hingahan ng sama ng loo bang pagba-blog sa Tumblr, mga young professionals na ngayon. Yung iba na nagsawa na sa pagba-blog. Yung iba, nakahanap ng buhay sa labas ng internet. Kaya yung mga inabutan ko noon na nagging ‘kaibigan’ ko online, wala na.
Pero ika nga, as in all war and tragedy, life continues. May mga dumarating, may umaalis. Sa pagdaan ng panahon, may mga bago akong ‘nakikilala’ sa Tumblr na sensible din naman ang mga kuwento. Sabihin na nating nagta-transcend ang satisfaction na nadadama ko sa Tumblr.
What’s with the url?
Ang pangalan ko sa totoong buhay ay John. At ang Tagalog/ Espanyol sa John ay Juan. Ako yung klase ng tao na pakialamero pagdating sa mga usaping Bayan, panlipunan, pulitika, at kung ano-ano pa.Sa dalawa lang halos umiikot ang mga posts ko. Tungkol sa aking sarili at sa mga usaping socio-political. Kung iyo itong aanalisahing mabuti, uuwi tayo sa dalawang salita. Ang blog ko ay tungkol sa aking sarili (Juan) at sa mga usaping socio-political (Republic). Kaya naging Juan Republic.
Isa pa, medyo katunog kasi ng One Republic. Hindi yung banda ang tinutukoy ko. One Republic in a sense na tayo ay nasa ilalim lamang ng iisang republika. Na tayo dapat ay magkaisa. Na tayo dapat ay magtulungan. Natutunan ko yan sa kakapanood ng Wonder Pets during my tambay days. (Anong kailangan? Magtulungan!)
At panghuli, dahil may nauna na sa mga pangalan na BayaniJuan (ng ABS-CBN) at Eraserheads. Biro lang. Pero pwedeng seryosohin.

Madalang ka na sa tumblr ngayon. Pero kapag nagpost ang Juanrepublic, talagang malaman at may sense talaga. Tungkol saan kalimitan ang blog mo?
Madalang na nga. MEdyo busy na sa tunay na buhay e. Walang particular na tema ang Juan Republic pero dahil madalas akong magsulat (noon) ng komento at satire piece tungkol sa mga napapanahong isyu, naikulong ako sa imahe na ang Juan Republic ay isang socio-political blog.
Pero nagpo-post din ako tungkol sa musika, pelikula, libro at siyempre, ang paborito kong showbiz. Pangarap ko din kasing maging showbiz writer e. Haha! Uy, salamat sa pagsabing may sense ang blog ko. Pangatlo ka nang nagsabi niyan. Yung unang dalawa ay ang nanay at tatay ko.

Ano ang pinagkakaabalahan ni Juanrepublic ngayon?
Busy ako ngayon sa trabaho bilang isang guro sa High School sa isang private school kaya bihira na akong mag-blog. Mala-Curacha kasi kaming mga guro e. (Matanda ka na pag na-gets mo yung joke). Tapos kapag free time ko naman, nagbabasa ng libro, nanonood ng pelikula at TV series, at tumatakbo sa UPLB Freedom Park para maibalik ang alindog kong nababalot ng makapal na layer ng lipids.
Nag aral ka sa St. Francis Major Seminary. Tell us something about it. What course? Was it planned? or something you really wanted? The experience and all the drama.
Open secret dito sa Tumblr na ako’y isang (dating) Seminarista. I think, alam ‘to ng karamihan sa mga matiyagang nagbabasa ng blog ko noong 2010. Hindi lang ako sa Major Seminary nag-aral. High School pa lang, nasa Seminary na ako sa St. Francis de Sales Minor Seminary – mga 5 tumbling mula Robinsons Lipa at 3 Tumbling mula De La Salle-Lipa.
Grade 6 pa lang ako, nagsabi na ako sa parents ko na gusto kong pumasok ng Seminaryo. Dala na din siguro yun na mahigit sa kalahati ng buhay ko, kasama na ako ng mga Pari. Sakristan kasi ako noon. Kusang-loob ang pagpasok ko sa Seminaryo. hindi ako pinilit ng mga magulang ko.
Contrary to popular belief, Masaya ang buhay sa Seminaryo. Oo at medyo malungkot dahil walang babae at once a month lang kami kung lumabas at umuwi sa bahay naming, nandoon yung saya dala ng pagkakapatiran. hindi lang puro dasal ang ginagawa doon. Normal din kaming mga binata. Naglalaro, nanonood ng TV, nagsusuntukan (LOL!), nag-aaral, at nakikihalubilo din sa ibang tao. Sa katunayan nga, mas lumawak ang ‘network’ ko nung nasa Seminaryo ako dala na din ng palagian naming pagtuturo sa mga estudyante sa labas, pag-a-assign sa amin sa iba’t ibang Parokya, at iba pang gawaing Pastoral.
Kulang ang espasyo kung iku-kuwento ko lahat kaya kung may oras ka, basahin mo ang maliit na bahaging buhay Seminaryo ko dito: http://juanrepublic.tumblr.com/tagged/seminary
I have always been curious about this. What is your take on RH Bill? What can you say about the Catholic Church na laman ng balita, kaliwa’t kanang isyung panlipunan na kinasasangkutan nila. Living in a seminary for a couple of years at mulat sa kanilang pangaral, are you with them or what? May mga nabago ba sa pananaw mo, and if yes, ano yung mga yun? (sorry kung ang lakas maka Tito Boy Abunda ng tanong hahahah)
I’ll go straight to the point. I’m against the RH Bill/RHLaw.. 2003 pa lang e kasama na ako sa mga uma-attend ng symposia/prayer rallies tungkol diyan. Yes, you can call us bigots or whatever but we’re just fighting for what we believe in. Here’s the thing: Nasasaktan ako kapag pine-personal ng mga critico ang Simbahan, ang mga Obispo, at ang mga Pari. Na para bang wala na silang tamang ginawa. Hindi naman yata makatarungan yun.
I have always believed na walang extremes ditto. Hindi porke’t tutol ang Simbahan sa Reproductive Health Law ay gusto na niyang mamatay ang mga Kababaihan. May mga certain provintions lang talaga sa batas na tinututulan ng Simbahan dahil labag ito sa kanyang turo.
Paano na ngayon? Naniniwala ako na hangga’t may mga Pamilyang maninindigan at may mabubuting Kristyano/ Katoliko, kahit may batas na ganyan, mapapanatili pa ding sagrado ang buhay ng tao na ipnaglalaban ng Simbahan. It is my duty as a Catholic/Seminarian/Religion Teacher to teach what the Church teaches and to pray for other people. I thank you.


The Philippine Politics in 3 words.
1. Entertainment. 2. Business. 3. LOL! (LOL! is a legit word, right?)
Nasaan na ba ang bansa sa pamamalakad ni Pnoy? Nasa tuwid na daan na ba tayo? Your take on the current administration.
Mukhang tapos na si Kuya Noy sa pagpapasaring sa nakaraang Administrasyon. O baka nagpapahinga lang dahil medyo tahimik din naman si Madam. O dahil malapit na ang Eleksyon kaya he’s playing safe para makalusot ang mga bata niya sa Lubricated, este Liberated, I mean Liberal Party.
I have always given this Administration a chance. Medyo okay naman si Noynoy with the exception na nakakaapekto sa pagtahak sa daang matuwid ang espesyal na trato niya sa kanyang mga Kaibigan, Kaklase at Kabarilan (KKK) at may mga ipinangako siya noong kampanya na hanggang ngayon ay olats pa din. MAsasabi kong nasa daang matuwid tayo kahit papaano. MAdalas nga lang mabalahaw dahil malubak.
People you look up to in the government and why?
Manong Johnny Enrile (Medyo mahaba yung explanation, basahin niyo na lang ditto http://bit.ly/10UhOKD), ang namayapang Jesse Robredo (given na yan), Sen. Miriam Santiago (for her insane wit), Sen. Johnny Flavier (for his simplicity) and Tito Sotto (not as a Senator but as a member of TVJ. HAha!)
Linya ni Rizal kung nabubuhay pa sya.
Siguro, yung “Ulayawan sa Azotea” na Chapter sa Noli Me Tangere, magiging “MOMOL sa Azotea”.
Favorite local film.
I consider ‘Ploning’ as an all-time favourite. Hands down ako sa pelikulang yun.
Worst local film.
With due respect to the employees, “When Love Begins”ng Star Cinema. Yung kay Anne Curtis at Aga Muhlach! Nahila lang ako ng mga Pari nung pinanood ko yun sa Sinehan. Halos isumpa ko yung pelikulang yun pagkatapos! Simula noon, hindi na ako nanood ng love stories at iba pang mga pelikula from Star Cinema.
God lost hope to our local entertainment industry and summoned legions of angels to abduct all the worst actors. Your top three on the list.
Yung Governor naming na gumanap na Asiong Salonga at El Presidente (Peace po! Paborito ko yung pelikula pero awkward ang acting niyo e.), our favourite Presidential Sister (I love her as a TV host and being ‘her’ but not as an actress), and practically all the bida(s) of GMA-7’s afternoon soap operas. Haha!
Linya ni Lino Brocka kung sya ay nabubuhay pa.
“Sigurado kayong highest grossing movie of all time ang ‘Sisterakas’? Punyeta!” (Opinyon ko lang yan ha? Haha!)
On a scale of Taylor Swift to Pepe Smith, gaano kadami ang OPM songs sa playlist mo?
Siguro mga Mike Hanopol. Haha! Medyo madami ang OPM songs sa playlist ko. Mostly mga paborito kong banda na kinalakihan ko at yung mga pinapakinggan ko nung College at yung mga bago kong nadi-discover na independent groups and artists.


Bilib ka ba sa Original Pinoy Music?
Sobra! Gasgas na kung gasgas pero world-class ang talent ng mga artists at musicians natin.
Favorite solo artist, and local band.
Wala akong masyadong paboritong solo artist e pero dahil nag-solo na sina Ebe Dancel at Rico Blanco after leaving their respective bands, siguro ay sila.
And as for the group, one does not simply name his favourite band. Pero kung patayan na talaga at hihingian mo ako ng top five, siguro ay Eraserheads, Parokya ni Edgar, Orange and Lemons, Itchyworms at Sugarfree.
So you love The Beatles.
Sobra! I have a separate Tumblr blog dedicated to The Beatles (Beatle Republic). Siguro, influence na din ng Tito ko na araw-araw na nagpapatugtog ng mga kanta ng Beatles. Kumpleto sa playlist ko ang lahat ng albums at pelikula nila at meron akong songhits, coffee table book, at guitar picks (from Cheng, @iamepic of Tumblr) ng The Beatles. Before the end of the year, plano kong bumili ng Beatles Anthology book at box set ng The Beatles.
Three tumbloggers you look up to, and why?
@ellobofilipino – I always have a high regard for journalists and the peole working on the news and broadcast industry (dahil siguro isa yun sa mga frustrations ko). Sir Kim’s thoughts and two cents on issues and other stuff helped shape the Juan Republic that you know today.
@iwriteasiwrite – His description says it all – “History. And Stuff.”. He makes history more interesting with his posts. Actually, mas madami pa akong natutunan sa posts niya tungkol sa History kesa sa nung nag-aaral ako. Haha!
@thedailywhat – Is this counted? Because all I need to know about the innernetz and stuff that are essential for my cyber survival are posted here. Haha!


Fearless forecast for Tumblr Philippines 2013. Mas dadami ba issues? may mabubuntis ba kakaTTH? Magkakatumblr ba ang Chicser? etc.
Most of us ‘Tumblr oldies’ have ‘outgrown’ this platform. As I said before, madami na ang nawala, madami na ang hindi active. I’ll just leave Tumblr for the kids to enjoy. I can’t think of a forecast for this blogging platform dahil ako mismo ay hindi na masyadong nakakasubaybay sa development ng interface, ng drama ng mga tao, at sa mga isyu na wala naming kuwenta pero pinapalaki pa.
Isa lang ang masasabi ko, may buhay sa labas ng Tumblr.

5 things we don’t know about you
- I won in a singing contest when I was in first year High School. I sung “Pagdating ng Panahon” by Aiza Seguerra. Usong-uso kasi yun noon! Haha!
- I am in an acoustic band named Double Espresso. I play the percussions.
- Les Miserables was my book report in first year High School. Yabang ano?
- I fucking hate Clubs. I prefer gin-bilag-at-gitara-sa-terrace-ng-bahay old school inuman. O kaya yung may “combo” na tumutgtog. (LOL!)
- I don’t like to dance. You can ask me to sing or host an event but I would never, ever, dance. With the exception of course if it is a case of life and death. Or if my salary depends on it. Haha!

#tumblrmagazinephJAN2013